2. Sweet Dreams Are Made of This.

10.8K 251 36
                                    

A/N Warning: Medyo SPG

Holysh*t.

This isn't happening.

Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi niya maisip kung paano siya napunta sa sitwasyon niya ngayon.

Nandito siya sa isang madilim na sulok ng bar kasama ng matangkad at gwapong lalaking nanlibre sa kanya ng Blue Margarita. Tapos nasundan pa iyon ng kung ano-anong shot.

Madami.

Masyadong madami.

And they end up kissing.

Kissing.

K-I-S-S-I-N-G

No. French kissing to be exact.

With his tongue inside her mouth.

At pakingshet na yan. Bakit ang sarap humalik ng lalaking ito? Nakakabaliw.

Wala ito sa plano niya.

Kusang pumulupot na ang mga braso niya sa leeg nito habang nakasandal siya sa malamig na pader. Hindi na niya napigilan. Nadala ata siya sa mga alak na nainom. Naparami, kaya ang init na ng pakiramdam niya. Nabalewala na ang pa-innocent effect niya kanina.

Nasa bewang na niya ang mga kamay nito. Unti-unti narin iyong umaakyat at humahaplos sa likod niya.

Sinadya ba nitong painumin siya ng madami?

Aha! Akala niya siguro maiisahan niya ako!

"Elle." Dinig niya ang mahinang bulong ng lalaki sa binigay niyang pangalan ng sandaling maghiwalay ang labi nila. Kumuha lang ito ng hangin at naramdaman niya na uli niya ang mainit na labi nito sa kanya.

Pakingshet, ano nga bang pangalan ng poging ito? Oo kilala niya ito. Natatandaan na niya. Mas gwapo nga ito sa personal pero hindi ito ang ipinunta niya sa bar na yon.

Pero pwede na rin. Magagamit din niya. Wala namang mawawala sa kanya.

Tumulay na sa leeg niya ang mga halik. Napapikit nalang siya at hindi na napigilan ang sariling magpakawala ng mahina at impit na ungol. He was tracing her jawlline with those godd*mn hot lips.

Holy F*cking Sh*t. Get hold of yourself six-four-eight, paalala niya sa sarili. Nasa public place pa sila.

Focus.

"I need you," kinilabutan siya nang matindi sa sinabing iyon ng lalaki. "Now,"

Kinagat nalang niya ang labi.

"You're place or mine?" tanong pa nito.

Expected na niya ang tanong na yon. Alam na rin niya ang isasagot.

"Mine."

NAKARATING sila ng maayos sa condo niya. Mabuti at buo pang naipark ang kotse niya nang lalaking ito. Bakit ba niya kasing hinayaan eto pa ang mag drive? Akala niya mas safe dahil sa kanilang dalawa, mas hindi ito lasing. Pero halos lumipad na yung kotse sa kalsada dahil sa pagmamadali kanina. At buti at wala silang nasagasaan o ano pa man. Kung makaharurot, akala mo naman mauubusan.

Mukha nga.

Nasa elevator palang sila, hinapit na siya nito sa bewang at siniill uli ng halik. Naramdaman na niya ang isang kamay nitong hinahaplos na ang dibdib niya. Napaisok na rin ang isa sa damit niya at damang-dama niya ang mainit na palad nito sa likod.

"Five-Eigth-Two." Habol-hininingang sabi niya dito pagtunog na pabukas na ang elevator.

Mabilis siya nitong hinila papalabas. Kulang nalang ay buhatin siya nito papunta sa Unit 582. Hindi na niya makuha ang susi sa bulsa dahil nagawa na naman siya nitong halikan habang nakasandal sa pinto.

O Sh*t. Ganto ba to kasabik?

"W-wait."

Sa wakas nagawa niyang buksan ang unit niya. Hindi pa nakakatapak ang paa niya sa loob ay nabuhat na siya nito papasok. Naipulupot nalang niya ang mga binti sa sa bewang nito at napakapit sa batok.

"Second room to the right." Bulong niya dito.

Nakita pa niya ang pagngisi ng lalaki nang pumasok na sila sa kwarto. Agad siya nitong ibinaba sa malambot na kama at pinahiga. Nasa ibabaw na niya ito.

Nagmamadali lang?

Kahit medyo madilim, kitang niya kung papaano mabilis na hinubad ng lalaki ang suot polo.

Not bad.

No.

This is so f*cking bad.

Kulang nalang ay maglaway siya sa katawan nito.

Kitang-kita niya ang pagkadefine ng muscles. Yung biceps. Yung dibdib. Yung mga pandesal nito sa tyan. Na ngayon ay nangingintab na sa pawis dahil patay pa ang AC.

"Do you like what you see?" Tanong pa nito habang nakangisi sa kanya.

Kinagat nalang niya ang labi para mapigilan ang sariling sumagot.

Oo naman! Minsan lang siya makakita nang lalaking may abs nang malapitan. Well yung kuya niya meron, pero di counted yun!

Sh*t na yan. Ang init. Gusto na rin niyang maghubad.

No. No. Focus.

Halos manginginig ang katawan niya nang unti-unti na namang lumapit ang mukha nito.

"Elle," bulong nito habang hinahalikan ang leeg papunta sa bandang tenga. Nararamdaman na rin niya ang mainit nitong kamay na umaakyat sa ilalim ng skirt niya. "D*mn, you're driving me crazy."

This is it.

Dahan-dahan niyang pinadaan ang kamay sa batok nito. Kasabay ng unti-unti niya pagtanggal sa isa sa mga gloves niya. May kinuha siyang maliit at matulis na bagay doon at mabilis niya itong itinusok sa leeg ng lalaki.

"D*mmit!"

Napag-igtad ito sa ginawa niya. Napalayo. Nakita niya ang pagtalim ng mga mata nito kasabay ng pagpalit ng kulay noon sa pula.

Huli kang pedobear ka! Wala ka nang kawala sakin!

Napangisi nalang siya sa gulat na reaksyon ng lalaki.

"What di--" Hindi na nito naituloy ang sasabihin ng tuluyan nang pumikit at dahan dahang natumba sa ibabaw niya.

"Sweet dreams, your Highness."

Requiem: RedemptionWhere stories live. Discover now