46: Going Home

5.4K 167 30
                                    

"Raven,"

D*mn it. What is happening to me?

Gusto niyang patigilin ang luha niya pero tuloy-tuloy lang. Sumisikip lalo ang dibdib niya.

sh*tHindi kaya...

"Please leave, Kiel."

"Tumahan ka muna," pinaharap siya nito uli at niyakap. Hinaplos pa ang likod niya ng marahan. "I'm sorry."

"W-why are you doing this to me?" Sambit niya sa pagitan ng mga hikbi.

"Sorry na," marahang bulong ni Kiel. "We did this to protect you. Hinayaan namin nina Fritz at Erze na isipin ng High Council na ikaw ang nagmana ng posisyon ng Daddy mo hanggang di pa tayo kasal. Para walang magtatangka sayo ditong--"

Nadinig nalang niyang bumilis ang tibok ng puso nito at humigpit ang yakap.

"Sh*t. Papatayin ko talaga ang lalaking yon. Wala siyang karapatang gawin yon sayo!"

Mukhang mainit parin ang ulo nito dahil ginawa ni Artair kanina. As a High Council, isa sa tungkulin ng mga ito na protektahan ang kaligatasan ng nakaupong pinuno. They swore with their life to abide it.

At alam naman niya na kung di siya ang kinilalang Queen, baka kung ano na ngang nangyari sa kanya. She has ancient blood on her veins. Noon pa man, iyon ang dahilan kaya karamihan sa mga Covens kaya gusto siyang makuha. Kahit pwersahan pa. Iyon din ang dahilan ng Daddy niya na ipakasal siya ng maaga noon.

"Y-you should have told me everything," napasubsob nalang siya sa dibdib ni Kiel. Iyak parin siya ng iyak. "N-nagalit ako sayo ng matagal dahil wala akong alam sa nangyayari. Tapos ito na naman?"

Nahampas niya ang dibdib nito sa sobrang inis. "D*mn it Kiel! H-hindi naman ako ganoon katanga. H-hindi naman diba? M-maiintidihan ko naman!"

"Shssss. Sorry Rave, calm down please. Pagkatapos sana ng ceremony, sasabihin ko na. Kasama ito sa deal namin ng Daddy mo," sabi nito. Hindi pa rin ito bumibitaw sa pagkakayakap.

Alalang-alala na ito, nararamdaman niya. Pero di parin niyang magawang kumakalma. Naramdaman nalang niya ang pagbuhat sa kanya nito papunta sa kama. Marahan siyang pinaupo doon. Lumuhod ito sa harap niya at hinawakan ang mga kamay.

"Listen to me," tumitig ang mga mata ni Kiel sa mga mata niya.

"Calm down,"

Psych. Ginagamitan siya noon. Unti-unti nang lumuluwag ang dibdib niya. Nagawa din niyang tumigil sa kakaiyak. Di niya akalaing nagagamit na ni Kiel ng maayos ang kakayahang iyon sa maiksing panahon lang. Ganto ba ang nagagawa ng dugo ng Mommy niya?

"I won't keep secrets from you anymore, Raven. I promise."

"J-just tell me everything, Kiel, bakit ka pumayag sa lahat ng ito?"

Yumuko lang ito at huminga ng malalim.

"Kilala nang Daddy mo ang lalaking hinahanap ko. Sinabi niya sakin kung sino ang nagpahamak sa amin ni Raffy noon," sagot ni Kiel. Humigpit ang kapit niya sa kamay nito. Bigla siyang kinabahan.

"He made me promise, Rave. Hindi ko sasaktan ang kapatid mo, pero kapalit noon ang pagpayag ng Daddy mong makasama kita. Siya ang nagplano ng lahat ng ito. Ibinigay niya sakin ang posisyon niya para wala nang pwede pang pumigil pa satin. Kahit ang High Council pa."

"Bakit? A-anong ginawa ni Pierre?" Kinakabahan niyang tanong.

"Siya ang taong yon. Siya ang pumunta sa bahay namin noon kasama ng mga hunters na-" nakita niya ang pag-igting ng bagang ni Kiel. "-na gumahasa sa kapatid ko."

Napaawang ang bibig niya. Napatayo siya sa kama at naglakad papalayo kay Kiel. Pinunasan niya ang ang natitirang luha sa mukha. Nasabi ni Pierre noon sa kanya na siya ang susi sa paglaya nito sa Valerius. Kaya siguro siya hinahanap noon.

She knew how her brother hate Alejandro. Insulto sa pagkatao ng kapatid niya ang pagsilbihan ang lalaking yon. Gagawin talaga nito ang lahat, makalaya lang. Nagawa pa nga nitong gamitin at saktan si Isabelle.

"Si Raffy... Paano na siya?" tanong niya. "I need to see her. Ako ang may kasalanan noon. Ako ang hinahanap ni Pierre noon diba? Kung di ako naglayas, hindi mangyayari iyon sa inyo."

"Raven, stop it," sabi nito. Marahan nitong hinawakan ang braso niya. "That's the reason why we didn't tell you. Sisisihin mo na naman ang sarili mo."

"It is my fault Kiel. Hindi matatahimik ang konsensya ko."

"Wala kang kasalanan."

"Umuwi na tayo sa Pilipinas. Gusto ko siyang kausapin," humarap siya kay Kiel. "Ngayon na."

Umiling ito. "Mas safe ka dito. Alam mo naman ang nangyayaring gulo sa labas di ba?"

"I know. Pero ayokong magpakasal sayo--"

Nakita niya ang paglunok nito dahil sa sinabi niya. Nadinig din niyang lumakas ang tibok ng puso nito.

"--hangga't di ako nakahingi ng tawad sa kanya," tuloy niya.

Kung totoo ang naiisip niya tungkol sa kakaibang pakiramdam niya ngayon. Wala na siyang dahilan para umurong pa sa kasal nila.

Kinagat niya ng labi. "Bakit? Ayaw mo na ba?" Tanong niya. Ilang segundo din kasi itong nakatunganga sa kanya.

"No. I mean. Yes, itutuloy natin. Sh*t. Bakit mo ba ako pinapakaba ng ganito?"

Lumapit si Kiel at niyakap siya ng mahigpit. Marahan nitong hinalikan ang noo niya. "Uuwi tayo kung yan ang gusto mo."

Sinagot niya ng yakap nito.

Oo. Umuwi na tayo.

Requiem: RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon