16: Haggle

8.1K 178 36
                                    

  

"Lesteng yan." Mahinang bulong ni Raffy.

Di siya nagkamali. Mga hunters nga ang mga nakita niya. Kaso hindi na niya naabutan yung babae paglabas niya ng grocery store

Nakatakas ba?

Weird talaga. May kakaiba siyang nararamdaman sa mga iyon.

Pasimple siyang sumunod sa mga lalaki. Apat nalang din ang nakita niya. Papunta ito sa malaking parking lot sa likod ng grocery. 

Nakarinig siya ang mahinang putok ng baril. Silencer?

Kasabay halos noon ang isang impit na sigaw.

Agad siyang nakapagtago sa likod ng isang delivery truck doon. Sinilip niya dahandahan kung anong nangyayari.

Sabi na nga ba.

Nakadapa na sa semento ang babae may mapulang buhok. Mukhang may tama ito. Pinipilit pa nitong tumayo habang napalibutan na nung apat.

"Sigurado bang ito yun?" dinig niyang sabi nung isa. "May kasama pa ba?"

"Wala," sagot naman nung may hawak ng baril. Sigurado siyang ito yung bumaril sa babae. "Pero sigurado to. Valerius."

Valerius!

Hindi niya alam kung swerte to, pero heto na. Isang lead.

Trueblood ba ang babaeng yon? Baka isa lang sa mga maids na nakatakas doon sa Paradiso.

A hindi. Masyadong maganda para maging maid.

Bigla nalang may humila sa kwelyo ng jacket niya. Napahiga siya sa matigas na semento habang nakatutok sa noo niya ang malamig na bakal ng baril.

Naloko na.

"Ikaw! Tayo!" Utos ng lalaki sa kanya.

Nagawa naman niya pero agad din siyang kinaladkad sa direksyon nang mga kasama nito.

"Sino yan?" Tanong noong isa. Yung pinakamalaki sa kanila. Kamukha ni Bruno Mars na nasagasaan sa mukha ng tatlong ten wheeler. Ito yung may hawak ng baril na nakatutok parin doon sa babaeng nasa sahig.

Mukhang ito yung leader nila.

Sumenyas ito na mga kasama. Nakita pa niya kung paano nila buhatin ng parang hayop yung babae at nihagis doon sa likod ng isang bakanteng container van saka tuluyang sinara ang pinto. Nakakaramdam siya nga awa. Mukhang ring walang balak buhayin ng mga ito ng nahuli nila.

"Sagot!"

Ngumiti nalang siya. Akala siguro masisindak siya sa pagsigaw nito.

"Kasama niyo ako, target ko din yung babae." Iniaangat niya ang sleeves ng jacket niya. Pinakita niya ang tattoo.

Umismid lang sa kanya ang lalaki. "Number?" tanong nito. 

Patay na yan. Pag nalaman nila mabubuko siya, malalaman ng mga ito na kapatid niya si Kuya Kiel niya.

Bahala na.

"Six-Four-Eight." Sagot niya.

Nagbulungan ang mga kasama nito. Nadididnig niya. "Tracker" sabi noong isa. 

"Kilala ko yan, matinik yan, pre."

"Pero hindi ba lalaki yun?"

Tumaas ang kilay niya.

Lagi kasi siyang nakasuot ng panglalaki pag nasa field siya.

Wala siyang disguise ngayon. Pero alam niyang may advantage din ito.

Requiem: RedemptionNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ