67: The Solemn Promise

5.6K 195 57
                                    

Mabilis na tumakbo si Raven papalayo.

Hindi na niya kaya. Pakiramdam niya, ano mang oras ay bibigay ang tuhod niya kung mananatili siya nandoon nakikita ang eksenang nasa harap niya.

Kiel chose her. Mas pinili nito ang babaeng higad na yon kaysa sa kanya.

Siguro totoo nga ang sinabi ni Yulia. Siguro totoo ngang dahil lang sa pangakong binitawan ni Kiel sa Daddy niya kaya nasa tabi pa rin niya ito.

Pinigilan niyang umiyak. Kung mas gusto ni Kiel na panindigan ang magiging anak nito kay Yulia hindi dapat siya maging mahina ngayon.

Para sa mga baby niya. Kaya naman siguro niyang mag-isa.

Oo. Kakayanin niya.

Kailangan niyang makaalis sa lugar na yon. Hindi niya alam kung saan siya pupunta pero bahala na, mas hindi makakabuti kung magtatagal pa siya sa bahay ni Kiel.

Nakasalubong pa niya si Fritz na nakangisi sa may garahe. Nakapamulsa itong nagtanong. "Hey, how's the catfight? Who won--"

Hindi niya na alam ang nadampot at naibato dito. Basta alam niyang mabigat iyon. Lumipad ng ilang metro si Fritz kasama ang bagay na iyon sa driveway. May ilang kotse din itong natamaan. Narinig pa niya ang pagbasag nang mga bintana at ilang gamit. 

Sh*t!

Maling tao ang napagbuntunan niya ng inis niya. Pero mabuti na siguro at nagkagulo, hindi na napansin nang mga bantay ang pagtakbo niya papalayo.

Malapit na siya sa gate ng may humablot sa braso niya.

"Raven,"

Si Kiel. Kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha nito pero andon parin ang galit. "Tatakas ka na naman ba?"

"Ano naman?! Bumalik ka na doon! Aalis na ako dito para magsama na kayo ng higad na suman mo!" Sigaw niya dito.

Nadinig niya ang mahinang pagmura  kasabay nang pagbuhat sa kanya nito sa balikat na parang sako. Napasigaw siya pero mabilis parin itong kumilos pabalik ng bahay.

"Kiel, ano ba!? Ibaba mo ako!"

"Wag kang malikot,"

Naramdaman na niya ang pag-akyat nito sa hagdan. Mabilis iyon pero maingat di siya hinayaang maalog o masaktan.

"We really need to talk, Rave." Sabi nito ng makarating na sila ng pinto ng kwarto niya. Mabilis siya nitong ipinasok sa loob at ibinaba sa kama. Napaupo nalang siya sa gilid noon.

Saglit itong lumayo para isara at i-lock ang pinto. Nadinig pa niya ang paghinga nito ng malalim nang humarap sa kanya.

"Ano pa bang pag-uusapan natin? Di pa ba sapat sayo yung kanina?!" Sigaw niya. Nagingilid na ang luha niya pero pinipigilan parin niyang umiyak.

"Please Rave. Let's just talk. Maaayos pa natin to. Para sa mga magiging anak natin."

Lumapit ito para hawakan siya pero hinawi lang niya ang kamay nito. "Kung napipilitan ka lang, hindi mo na ako kailangang panagutan. Hindi mo na rin kailangang tuparin ang pangako mo kay Dad. Ako na mismo ang nagpapalaya sayo." Sabi niya.

Lumayo ito at tumalikod. Humarap sa pader at itinukod ang dalawang kamay doon. Dinig na dinig niya ang sobrang lakas ng tibok ng puso nito. "What do you want me to do now?"

Huminga nalang siya ng malalim bago magsalita. "Go back to her, Kiel."

Nayanig siya ng bigla nitong sinuntok ang pader. Kitang-kita niya ang butas na nagawa doon, kung gaano ito kalakas. Naamoy din niya ang dugong tumagas sa kamao nito sa lakas ng pwersa ginamit.

Requiem: RedemptionWhere stories live. Discover now