37: The Proposal

7K 171 26
                                    

 

"I miss Master Julien."

Dinig ni Raven ang pagkwekwentuhan nang dalawang maids sa kwarto niya. Kinukuha na nang mga ito ang mga natirang gamit ng Daddy niya doon. Hindi yata napansing pumasok na siya sa loob.

Sa dating kwarto ng Daddy siya tumutuloy sa Sanctuaire. Dito siya noon pinalipat ni Fritz. Mas malaki ito sa karaniwang kwarto dito sa kastilyo. Mas engrande. Mas malaki din ang fire place kaya hindi masyadong malamig. Napapaligiran ang kwarto ng mga bookshelf na punong-puno ng libro. Sa isang sulok naman noon ay isang painting ng Mommy niya, halos katulad ito noong nasa cruise ship.

"He never treated us like servants, Lira." Malungkot ang pagkakasabi noon sa kasama nito. Blonde ang buhok nito at pinakamaliit sa kanila. Nisa ang pangalan, sa pagkakatanda niya. Lira naman ang pangalan noong matangkad na may mahaba at itim na itim na buhok na kausap nito.

Tumango ito habang inilalagay na sa isang box ang mga damit na naiwan doon ng Daddy niya. "Everybody here loves him."

"Yeah, specially that girl. She loved the King so much. I wonder what happened to her." 

"You mean his stalker?"

Natigilan siya. Stalker? May stalker ang Daddy niya?

Hindi talaga siya napapansin ng mga maids kaya tuloy-tuloy lang mga ito sa pakikipagkwentuhan.

"That girl was dismissed by the King right? Just like everyone else who attempted to seduce him." Sagot naman ni Nisa dito.

"She worked here once, that poor girl, she can never replace the Mistress Helena," sagot ni Lira."But still, she continued to follow King Julien whenever he went."

"She's pretty, she can always find another man. How long did she followed the King? I've been seeing her since the Mistress' death."

"Well she loved him, you can't blame her, Lira," nakangiting sabi ni Nisa sa kasama. "Like that man that always watches after Mistress An--"

Sakto namang napalingon ang babae sa direksyon niya. Noon lang ng mga ito napansing nakikinig siya sa pinag-uusapan nito.

"Pardon our insolence, my Queen!"

Sabay nagsiyukuan ang mga ito. Hindi mapakali. Halatang kabado. Napangiti siya.

"It's alright. I heard nothing." She said. Sumunod naman ito pero halatang kabado parin.

"What happened, my Queen?" Tanong ni Lira sa kanya. Kumunot ang noo nito nang napansin na ang ayos.

Umiling siya. "Nothing. Can you prepare me a bath?"

Gusto na niyang maligo. Suot pa niya ang jacket ni Kiel. Alam niyang magulo din ang buhok niya. Mukhang naamoy din ng mga ito na may nangyari nga sa kanila.

Nakita pa niya ang patinginan ng dalawang maids. Hindi ito na ito nagsalita pero alam niya ang iniisip ng mga ito dahil sa mga pigil na ngising nakikita niya sa mga labi.

"Please."

Agad na kumilos si Nisa, lumabas ito ng kwarto at nagtawag nang iba pang maids. Si Lira naman ay binuksan ang kurtinang pinagtataguan ng malaking metal na tub na paliguan.

Huminga nalang siya ng malalim.

Ibang klase talaga. Kung di lang niya araw-araw kailangang maligo, di niya uutusan ang maids niya sa ganitong trabaho. Maski plumbing wala ang kastilyong to kaya kailangan pang kumuha ng mga tauhan ng tubig na paiinitin. Masyadong matrabaho.

"Have you talked to the Lady Erzebeta, My Queen?" tanong ni Lira sa kanya. Tinulungan siya nitong hubarin ang mga damit niya.

"Yes."

Requiem: RedemptionWhere stories live. Discover now