52: Sins

5.4K 169 45
                                    


Isabelle.

Naramdaman niya ang presensya nito kagabi. Nasa paligid lang na para bang pinanonood sila ni Elle sa loob kwarto. Sinubukan pa niya itong hanapin sa buong bahay pero wala siyang nakita.

Pero baka nagkamali lang siya. Paano kung isa yon sa humahabol sa kanila ni Elle? Yung mga hunters?

Napahigpit ang kapit ni Pierre sa manibela dahil sa naalala.

Kahit may dugo pa siyang nainom, alam niyang wala pa siyang sapat lakas na lumaban dahil sa balang tumama sa kanya. Hindi pa siya nakakarecover ng husto.

Tinawagan na niya si Vicky para sabihin kung nasaan siya, para ibalita ang nangyari. Mas mahalaga si Elle kaysa sa pride niya. Hindi niya hahayaang mapahamak ito dahil sa ayaw niya lang magpakita sa pamilya niya.

Mukhang hindi naman ni Victoria inalala ang pagkawala niya ng ilang linggo. Mas nagulat pa nga ito ng bangitin niya ang tungkol kay Elle. Sinabi niya ding kailangan niyang bodyguard para magbantay dito pag-alis niya. Hindi naman siya binigo dahil ilang oras lang, dumating na si Dom sa Manor.

Tumingin siya sa relo.

10:35

Magtatanghali na. Sa mga oras na ito, alam niyang gising na si Elle.

Mainit din ang panahon ngayon. Mukhang kailangan niyang magmadali, naisip niya.

Hindi nagkasya sa backseat ang mga bulaklak na binili kaya napilitan nalang na ilagay ang iba sa trunk. Baka malanta na ang mga iyon. Hindi niya alam ang paboritong bulaklak ni Elle kaya binili nalang niya ang lahat ng mga pinakamagagandang arrangement sa flower shop na nadaanan niya. Pati yung mga chocolates, baka matunaw na din.

He checked the velvet box inside his pocket. Binili din niya iyon kaninang umaga pagkabukas palang ng jewelry shop. Wala naman ito sa plano pero hindi niya talaga mapigilan ang nararamdaman niya ng makita niya iyon.

Pero kailangan niya munang magpaliwanag, kailangan niyang masabi muna dito ang lahat. Alam niyang mahirap intindihin ang sitwasyon nila. Sana lang ay makinig si Elle. Kung hindi man, handa siya sa magiging desisyon nito. He would rather die by her hands, seryoso siya ng sinabi niyang yon.

"Sh*t!"

Mabilis niyang naipreno ang kotse nang makita niya niya na may babaeng nakatayo sa gitna ng kalsada. Naka-itim na damit at mukhang magpapakamatay talaga.

D*mnit.

Bubusinahan na sana ng niya pero makilala niya kung sino ito.

"Adelina." Kunot noo niyang bigkas.

Alejandro's bedwarmer. Carina ang madalas itawag nito dito.

Ngumiti lang ang babae, mukhang nadinig siya. Mabilis itong lumapit sa kotse niya.

Nagtataka siya kung paano nito natatagalan ang araw labas. Isa pa, bakit buhay pa ito?

"Bon jour, can I have a lift?" Sabi nito ng buksan niya ang bintana ng koste niya. Sinigurado niya munang wala itong kasama.

"Get in."

Ngumiti ito. Tinangal pa nito ang isang bungkos na tulips sa passenger seat at doon umupo.

"Where's the funeral Pierre?" Ngisi nito sa kanya ng mapansin ang mga bulaklak sa kotse niya.

"What do you want, Adelina?" Kunot noo niyang tanong. Iniba niya ang direksyon ng sasakyan, hindi siya pwedeng dumiretso sa Manor ngayon.

Kung tama ang sinabi ni Cat, isa ito sa may pakana ng massacre sa Paradiso. Kung saan namatay si Isabelle.

"That's a little harsh, my sweet prince," lumapit ang katawan ng babae at hinipo ng mga daliri ang balbas sa bandang panga niya. "You changed, you didn't even call me by my--"

Requiem: RedemptionWhere stories live. Discover now