53. Bless the Child

6K 181 39
                                    

"Why would I help him?" Mariing tanong ni Raven kay Isabelle.

Gusto nitong iligtas niya si Alejandro, nakikiusap ito.

Buhay pa nga ang lalaki iyon at mukhang yung mga humarang sa kanila kanina ang may hawak. Yun lang ang sinabi nito sa kanya. Di na ito naglabas ng iba pang detalye. Mukhang ayaw pang pag-usapan.

But why would she help that demon who defiled her? Oo nga't matagal nang nangyari iyon at mate na niya ngayon si Kiel, di parin niya nalilimutan ang lahat.

Huminga nalang siya ng malalim.

Nasa 7-11 na sila. May iilang pumapasok sa loob noon pero hindi naman napupuno. Malaya silang nakakapag-usap.

Agad silang nakaalis sa huling station ng LRT ng huminto na ang tren. Ginamitan niya nang psych ang mga gwardiyang nakasalubong para di nito mapansin ang paglabas nila at ang mga bangkay ng bampira sa loob ng tren. Si Isabelle naman --hindi niya alam kung papaano nito nagawa-- pero natulala lahat ng taong naroon ng mga oras na yon. Mula sa tao sa ticket booth hanggang sa mga naglilinis. Nakapagbigay iyon sa kanila ng oras para makatakas.

Napakalakas na ng control nito ng psych. Pero mukhang malaki rin ang balik noon sa katawan nito. Di pa sila nakakalayo ay nakaramdam na ito ng hilo at uhaw.

"Raven," huminga muna si Isabelle ng malalim bago lumagok uli ng iniinom nitong soyamilk. Nakakatatlong bote na pero mukhang kulang pa.

"Alam kong matindi ang galit mo sa kanya. Pero sana--" kinagat ito ang labi. Hinaplos ng bahagya ang bilog na tyan. "Gusto ko sanang makasama si Alejandro bago ako manganak."

"I-I'll see what I can do." Aniya dito. Nahihirapan siyang tangihan ito dahil naawa siya.

Payat si Isabelle. Humpak pa ang pisngi at malalim ang mata. Nag-alala din siya sa dinadala nito. Mukha naman healthy dahil galaw ng galaw, nadidinig niya yung heartbeat. Pero hindi parin siya sigurado.

Bigla tuloy siyang nag-alala. Nakakainom ba ito dugo ng maayos ng panahong nagtatago ito? 

"Bakit ngayon ka lang kasi nagpakita? It's been months. Akala ko talaga patay ka na." Sabi niya.

"Magulo pa kasi," anito kasabay ng pagyuko. "Alam naming may ibang mga Coven pang pinapatay din."

Alam na rin pala niya.

"Ish," hinawakan niya ang kamay nito. Mainit yon, kakaiba dahil hindi naman ito trueblood na gaya niya. Baka dahil sa pinagbubuntis nito, naisip niya. "Nasabi ni Pierre sa akin ang lahat. Alam ko na. Sorry kung hinayaan ko siyang kunin ka pa noon."

"Ok lang, naiitindihan ko."

Napatingin siya sa dinadala nito. "Wag ka sanang magalit pero...are you sure that's Alejandro's child?"

Ngumiti lang ito ng pilit. "Oo."

Pero sa salitang iyon, may pag-aalinlangan pa siyang nararamdaman. Siguro isa rin iyon sa dahilan kung bakit hindi ito nagpakita. Pierre can claim that child as his, makukuha na nito si Isabelle kapag nangyari yon. Lalo na kung mawawala si Alejandro sa eksena.

Napailing nalang siya. "Humanda talaga sakin ang lalaking yon. Kahit kapatid ko siya, babalatan ko siya ng buhay," sabi niya. "Kaso mukhang nagtatago. Wala pa kaming balita kung saan iyon nagsususuot."

Hinahanap din ito nila Vicky, alam niya. Bukod sa ginawa nito kay Isabelle, malaki rin ang kasalanan nito kina Raffy.

Nadinig niya ang mahinang pagtawa ni Isabelle sa sinabi niya. "Alam ko kung nasaan siya."

Requiem: RedemptionWhere stories live. Discover now