12: Let Slip

9.1K 175 15
                                    

Inaayos ni Raffy ang screws ng pinto. Natanggal yung isa sa mga hinges nito dahil sa paghila ng malakas ni Pierre noong isang araw. Ngayon lang niya nakita ang damage. Mukhang kailangan na niya ring bumili ng bagong knob.

Nagpunas siya ng pawis. Mukhang ok na rin naman ang pagkakagawa niya. Wag nga lang pwersahin buksan uli.

Bababa na sana siya ng may biglang nagsalita.

"Nice."

Nagkamali tuloy siya ng hakbang pababa ng upuang tinutungtungan niya.

Buti at may dalawang bisig ang sumalo sa kanya bago pa siya tuluyang bumagsak sa sahig.

"P-Pierre?" Di niya maiwasang mapatitig sa mga mata nito. Caramel pala ang kulay noon sa malapitan. Ang ganda.

"Careful, Mademoiselle." Ngumisi ito.

Doon na siya natauhan.

Ilang segundo din pala siyang nakatitig. Ilang segundo din sila sa ganoon posisyon. Ang lapit pala ng mukha nila sa isa't isa. Agad siyang pumiglas at bumaba sa pagkakarga nito sa kanya.

"Ano ba!"

"Sinalo lang naman kita," humalukipkip ito at ngumiti. Yung may pagkamanyak na ngiti. "Sungit mo naman. Tapos na ang time of the month mo diba?"

Pano nito nalaman? Kaya ba nakakalapit na ito sa kanya?

Ang talas talaga ng pang-amoy.

So the pervert vampire king is back. Parang mas ok pa yata nung depress ito. Tahimik. Nakahiga lang sa kama. Di gumagalaw.

"Kung saksakin kaya nito." Sabay tutok niya sa hawak na screw driver

"Easy," tumawa lang ito. "Di ka ba magpapasalamat?"

Sira ulong to. "Ikaw kaya may kasalanan kung bakit nasira yung pinto ko. Dapat ikaw nga nag-aayos nito. Pero wala! Nakahilata ka lang!"

"Hindi mo naman ako inutusan."

"Wala ka bang pagkukusa? Napaka-un-gentelman mo."

Di na ito nagsalita. Nakangisi parin sa kanya.

Bakit ang ang kulit nito ngayon?

"Ano bang problema? Gutom ka na ba?" nguso niya dito.

Tumango ito.

Sabi na nga ba.

"Ikukuha kita ng dugo sandali," naglakad na siya diretso sa ref. "Badtrip naman oh." Bulong niya sa sarili.

Grabe. Daig pa niya ang may alagang kuting. Nangungulit pag gutom. Kulang nalang ay ngumiyaw ito. Lagyan kaya niya bell yung silver collar na suot nito para cute?

Ay ewan.

Ano bang iniisip ko?

Apat nalang pala ang stock niya dugo. Di niya alam kung kakasya pa. Siguro kung di niya laging babarilin yung manyak na kuting--err lalaking to, baka magtagal pa stock niya. Pero di niya mapigilan. Nakakainis minsan.

Ilang bala na ba nagastos niya? Ang mahal pa naman. Wala siyang kliyente ngayon. Baka maubos na naman ang funds niya.

"May gagawin ka ba ngayon?"

Nabigla na naman siya sa pagsasalita ni Pierre. Nasa likod niya lang ito.

Umirap nalang siya at mabilis na hinagis ang pack ng dugo dito. Mabuti at nasalo naman agad.

"Wala naman, matumal project ko. Wala si Kuya."

"Project?" Tanong nito sa kanya. Kinagat ang isang bahagi ng bloodbag at doon uminom.

Requiem: RedemptionWhere stories live. Discover now