32: Listen

7.4K 166 19
                                    

Warning: Medyo SPG

(medyo lang...wag excited)

"D*mn you."

Hinintay muna ni Raven na bumalik sa dati ang bilis nang paghinga. Nakahawak siya sa balikat ni Kiel habang pinapahupa ang init na namagitan sa kanila.

Itinulak na niya ito mula sa pagkakadagan sa kanya at dahan-dahang umupo. Nangnginginig ang mga paa niya na bumaba ng lamesa. Halos masira pala nila iyon sa lakas ng pagyugyog nila kanina. Tabingi na ang ilang paa at puro kalmot na niya ang gilid.

"Rave--" Inaalalayan siya ni Kiel pero hinawi lang niya ang kamay nito.

"Wala ito," putol niya.

Nakasabit pa sa isang paa niya underwear niya. Mabilis naman niya itong isinuot uli. Itinakip niya ang braso sa dibdib. Sira na ang mga butones ng blouse at di na nadin niya mahagilap kung saan tinapon ni Kiel ang suot niyang bra kanina. May mga bakas pa iyon ng dugo ang damit mula sa pagkakagat sa kanya.

"It's just plain sex. Nothing more."

Ibinaba na niya rin ang skirt na hindi na nagawang tangalin sa sobrang bilis ng pangyayari. Nakita niyang nag-aayos na rin pantalon si Kiel.

Sinubukan niyang maglakad pero nanghihina parin ang mga tuhod. Napaupo siya sa silya at napayuko habang sapo-sapo ang ulo. Kailangan niyang kumalma matapos ang nangyari.

Plain sex. Damn it.

Nandoon parin ang panginginig ng katawan sa aftershock nang ginawa nila. Di niya ikinakatwa sa sarili na nagustuhan din niya iyon.

Hindi niya ito matingnan nang diretso sa kahihiyan.

It was her fault. She let him do this.

"Raven, look at me. Talk to me.," marahan inangat ni Kiel ang mukha niya. Sa kabila noon, hindi parin niya ito matingnan. Kinain niya ring lahat ng sinabi dito.

"Please."

This is ridiculous. Paano nga ba kami nauwi sa ganto?

"Hindi mo ba ako babayaran sa serbisyo ko?" pinigilan niya ang panginginig ng boses. Pinilit niyang ngumiti. "The last time we talked, you accussed me for being a whore," huminga siya nang malalim.

"Well, I guess I am now. Look at me."

Nakita niya ang pagluhod nito sa harap niya. Kinuha nito ang kamay at marahang hinalikan. "I'm so sorry. I didn't mean it. Maiinit lang ulo ko non. Hindi ko alam ang sinasabi ko."

"D*mn, stop this Kiel, umalis ka na," binawi niya ang kamay dito. "Nakuha mo na ang gusto mo. Ano pang kailangan mo?!"

"Please, wag mo na akong itaboy,"

Inangat niya ang tingin. Kitang-kita niya ang mga malumanay na mata nitong nakatitig sa kanya.

"Hindi ko na kayang lumayo kahit konting distansya lang. Mababaliw na ko, lalo na kung may nakikita akong ibang umaaligid sayo."

"Ang kapal mo rin ano? Nakita  kitang nakikipaghalikan sa iba," madiin ang pagkakasabi niya. "I've forgiven you, Kiel. Almost. Hindi mo alam kung anong klaseng sakit ang naramdaman ko noon!"

Ibinababa niya ang mga mata. Hindi niya mapigilan ang sariling isumbat ang naramdaman ng makita niya ang eksenang yon.

"Go back to your Yulia. Mukhang kailangan ka niya ngayon."

"But I need you, damn it. I need you," punong-puno ng frustration ng boses nito. Nakakalunod din ang lakas ng tibok ng puso na naririnig niya. "Oo na, kasalanan ko. Hindi ko na dapat siya pinatulan. Hindi ko dapat sinabi yon,"

Requiem: RedemptionWhere stories live. Discover now