86: Frozen

5.1K 139 37
                                    

A.N. : WARNING: SPG

graphic scenes. not for children





"ELLE!" Sigaw ni Pierre. Umaalingaw iyon sa buong kabahayan.

She's not here.

Alam niyang may gulo sa lugar na yon. Alerto ang mga bantay. Medyo nahirapan pa silang pasukin ang gate nang sumugod sila dito dahil pinaputukan sila agad. Kundi nila kasama si Fritz at nakilala ng mga guards hindi sila makakapasok ng buhay.

"Pierre! Fritz!"

Si Vicky ang tumawag sa kanila, pababa na ito sa hagdan para salubungin sila.

"My love, what's happening here?" Nag-aalalang tanong ni Fritz nang akapin ang asawa.

"May nakapasok. She tried to kill Isabelle's child..." sambit ni Vicky.

"Si Catalina. Nandito siya." Singit naman ni Diego. Nakakunot ang noo nito habang lumilinga-linga ang paligid. Parang may pinakikiramdaman. Ilang saglit pa, bigla nalang itong tumakbo paakyat.

"Pierre...si Raffella.." Nakatingin na si Vicky sa kanya. Balisa ito. Kahit hindi pa ito naituloy ang sasabihin, alam niyang may nangyari nang hindi maganda. "They took her."

D*mmit. Halos dumagundong sa tenga niya ang sinabi nito. Nangyari na ang kinakatakot niya.

"What are you doing here?!" Lumabas si Kiel kung saan. Matalim ang titig ng mga pulang mata nito sa kanya.

F*ck it!

"You son of a bitch! Look what happened to Elle!" Sinugod niya ito ng isang malakas na suntok. Wala na siyang pakialam pa kung ito ang Hari nila o ano pa man.

Hinawakan niya ang kwelyo nito at mabilis na itinulak sa matigas na pader. "I could have prevented this! Nailayo ko na sana siya! Pero anong ginawa mo?!"

"Pierre, stop it." Boses iyon ni Angelique. Naramdaman niya ang paghila nito sa kanya papalayo kay Kiel.

"Stay out of this." Mariin niyang sambit. Hinawi niya kamay nito. Hindi parin niya inaalis ang tingin niya sa lalaking nasa harapan.

"T*ngina!" Itinulak siya nito papalayo. "Ikaw ang nagpahamak kay Rafaella! Kung hindi mo siya sinama sa kalokohan mo, hindi siya madadamay!"

Pinakawalan niya ang kamao para suntukin uli ito  pero mabilis itong nakailag. Naramdaman nalang niya ang malakas na pagsuntok nito sa tiyan. Napaigik siya sa sakit.

Agad siyang gumanti, gumamit siya ng psych at malakas itong tumalsik papalayo sa kanya. Malakas ang tunog nang lagapak ng katawan nito nang tumama sa sahig.

"Tama na ano ba?!" Malakas na sigaw ng kapatid niya. Bigla itong napasinghap. Napahawak sa puson at napaluhod.

"Angelique!"

"Raven!"

Halos magkasabay silang lumapit dito. He can smell blood seeping between her thighs. Masama ito.

"Raven...anong nangyayari?" Mabilis na binuhat ni Kiel ang kapatid niya at dinala ito isang kwarto doon. Ang galit na nakita niya dito ay napalitan na nang matinding takot at pag-aalala. 

"Victoria!" Tawag ni Kiel. Marahan nitong inihiga ang asawa sa kama. "Rave, stay still. Please stay still."

Napalingon siya sa paligid. Mukha itong makeshift clinic, kung tutuusin. Maluwag ang ang kwarto at puro kulay puti ang gamit. Agad nakuha nang atensyon niya ang isang makintab na bagay sa bedside table. Nakapatong ito sa isang puting tela sa ibabaw ng isang tray.

Requiem: RedemptionWhere stories live. Discover now