56: Everybody Wants to Rule the World

5.4K 170 38
                                    

"We need to stop, Sofia."

Huminga nalang siya nang malalim sa narinig na yon kay Castor.

Malapit na nilang makuha ang pakay nila. Natagpuan na nila si Isabelle. And they just found out that Luna is still alive, nasa Paradiso parin pala ito.

The latter part was no good news but it's better than getting another ancient blood's blood on the enemy's territory. Mas mabuti na iyon. Alam din naman niyang hindi kayang lumaban ni Luna ng sabayan sa kanila. Nagtataka lang siya kung sino ang kasama nito. Ang sabi ng rogue na nahuli nilang tumatakas galing doon, may kasama itong tao.

Food perhaps. Hindi na importante yon. Nagpadala na siya ng mga tauhan para makuha ang babaeng iyon. And then she'll drain every drop of her blood. Katumbas iyon ng pang-aasar nito sa kanya sa loob ng maraming taon sa Paradiso at pagtangi nitong sumama sa kanila.

"Ngayon ba tayo susuko, Castor?" Umupo siya sa sofa at itinaas ang paa.

Ayon din sa balita niya, may isang Coven ng High Council na naubos uli. Some Chinese Coven or some sort. Ang mahalaga kumikilos na ng kusa ang mga kakampi nila. Hindi niya alam kung ano ang ikinakatakot pa ni Castor ngayon.

"S-she is a Sangre-Real," sagot nito. Lalong gumaralgal ang boses nito dahil sa pag-aalala.

She already knew that . That Victoria. She was a Sangre-Real. Kapatid ito ng Mama niya, kinupkop ng mga Soliel matapos ang nakaraang gera. Pero matagal na nitong itinapon ang right nito para makuha ang posisyong gusto nila. Wala na siyang problema doon.

"And I was not?" By blood. It was also her birthright.

"The the original Schwarze are bounded by the promise to serve you. We all are," sabi nito. "But Victoria is the Führer's mate. Kapag nalaman ito ng iba, mas kakampi sila sa kanila." Tuloy nito.

Führer? Freidrich? "I told you to kill him did I? Hindi pwedeng dalawang Coven ang mag-exist. Tayo lang dapat."

"Sofia. Please," lumapit na ito sa kanya at lumuhod sa tabi. "We can still get out of this mess. Victoria's claim is more viable than yours."

Mahirap nga ito. Kaya siya sinusunod ng ibang miyembro ng Schwarze dahil sa dugong meron siya. Pero si Victoria, she's from the original bloodline. Kung malalaman nga ito ng iba, mababawasan ang impluwensya niya.

"We won't fail, Castor. Trust me."

"Sofia..."

Umupo na siya nang tuwid at hinarap ito. Hinaplos niya ang pisngi nito. "What do you want to do now?"

"Leave. With me, my lady," sabi nito. Hinuli nito ang kamay niya at marahang hinalikan ang palad. "Be with me forever."

Napakagat siya ng labi. Gusto niyang mangyari yon. Gustong gusto niya. Pero...

"We can't. We can't stop now. We sacrificed so much to have this."

"And we already have what we wanted."

"We can't leave now. Malapit na natin makuha ang trono nia--"

Tumayo ito at tumalikod sa kanya. "Why is it so important to you? Hindi ba sapat na pwede na tayong magsama nang ganito? If the Schwarze finds out about Victoria, and if she bear the Führer's child, they will discard you like trash. Hindi rin makukuha ang trono," sabi nito. "I know how they think. Isa ako sa kanila."

"We can still--"

"Trust me, Sofia," di na siya nito pinatapos magsalita. Dahan-dahan nitong inangat ang mukha niya. "Umalis na tayo. " And then she felt his soft lips on hers.

This is what all she wanted. Him, just him. But can I really leave it all?

 "Come with me." Sabi nito sa pagitan ng marahang paghalik.  

"But Castor..." Matagal na nilang plinano to. Ilang dekada na rin nilang hinintay ang pagkakataong matupad ang lahat. Sila na ang maghahari sa buong lahi nila. She will be the Queen, and Castor will stay by her side forever as her mate.

"Please Sofia."

"We will... Just wait for a while, my love. Kailangan mo munang gumaling." Aniya. 

Kailangan pa nila ang dugo ng Ancient Blood na yon para maibalik ang dating boses nito. Para maibalik ang dating lakas nito.

"And then we'll leave, my Lady?"

Tumango nalang siya at dinampian ito ng halik.

***

Tahimik lang na nakikinig si Pollux sa likod ng pinto. Pero sa loob-loob niya, mapapatay na niya ang kakambal.

Kararating niya lang sa hotel na tinutuluyan nila. Mabuti nga at hindi siya naabutan ng mga tauhan ng mga Soliel sa station ng LRT. Nakatakas nga si Isabelle at napatay ng lima sa magagaling niyang tauhan, pero may mas maganda sana siyang ibabalita kay Sofia.

The Queen is here. Malamang pati ang Hari ay nandirito rin. Madali na para sa kanilang tapusin ng mga ito.

But then, he found Sofia kissing his brother. Doon mismo sa kwarto sa likod ng pintong iyon. 

She was suppose to be his. Siya ang pumilit dito para kunin ang tronong dapat ay kanila. Siya ang nagplano ng lahat ng ito.

But this imbecile Castor. Sariling kapatid pa niya talaga. Inagaw nito ang babaeng para sa kanya.

And now they are planning to leave him? Dinig na dinig niya ang pag-uusap ng dalawa kanina. Umiling siya. Hindi siya papayag.

Lumakad siya papalayo ng pinto. He can lose at his control any moment now, kailangan niyang pigilan ang sarili. Nanginginig na ang kalamnan niya dahil sa galit. 

Naramdaman niya ang pagvibrate ng phone niya. Agad niya iyong sinagot.

"The prince. He'll join us soon." Sabi ng nasa kabilang linya.

"Very well, Adelina." Ibinaba na niya ang telepono at sinulyapan uli ang pinto.

This is not the end of it, my Sofia.


Requiem: Redemptionحيث تعيش القصص. اكتشف الآن