41: How He Loves

6.5K 181 15
                                    

Unang bumungad kay Raffy ang magarbong at maluwag na kwarto kung saan siya nakatulog. Yung crystal chandelier sa taas na mukhang mamahalin at yung higanteng antique dresser. May apat na poste pa ang malambot na kama na may puting kurtina.

Nagtime-travel yata siya sa panahon ni Rizal at nasa kwarto siya ni Maria Clara.

Mukhang tanghali na rin at naririnig niyang kumukulo na ang tyan niya.

"OH SHIT!"

Mabilis siyang bumangon at naghanap ng salamin. Nakita niya ang full body mirror sa gilid ng dresser. Agad niya tiningnan ang sarili doon.

"Shet. Pakingshet..Holishet..." Marahan niyang pinadaan ang kamay sa leeg.

Totoo nga.

He marked me.

May dalawang puting makintab na maliit na marka sa leeg niya.

Pakingshet na yan.

So ibig sabihin mate na siya ni Pierre?! Pakshet! Gusto niyang magsisigaw at magpagulong-gulong sa lapag.

Huminga siya ng malalim. Kailangan niya munang kumalma.

Agad niyang chi-neck ang sarili. Wala na namang ginawa yon sa kanya habang tulog. Nakadamit pa siya at wala namang masakit na kung ano sa katawan.

"Sleep." Iyon ang huling sinabi ni Pierre sa kanya kanina bago siya tuluyang nakatulog. Dahil sa pagkalito at pagkabigla, di na niya nalabanan pa ang psych nito.

Gumamit ng psych yung tukmol?!

Mukhang nagpapakamatay na ba isang yon. Kababaril lang at hindi pa niya natatangal yung collar na suot nito. Tapos naghanap na naman ng sakit sa katawan.

Agad siyang lumabas ng kwartong iyon at bumaba. Nakarinig siya ng bagay na parang pinupukpok.

"Pierre!"

Nakita niya itong nasa sala. Nakatayo sa isang silya. Mukhang ok naman ang lagay nito sa tingin niya. May pinupukpok itong pako sa dingding na pagsasabitan ng kung ano.

Ok naman pala. Ba't nga ba ako nag-aalala?

Napalunok nalang siya ng makita ang kabuuan nito. Pawis na pawis at topless. Nangingintab ang balat at kitang-kita niya ang kurba ang muscles pati na ang paggalaw noon.

"Hey," ngisi ni Pierre sa kanya pagharap. Nawalan na siya nang sasabihin nang bumaba at lumapit na ito sa kanya.

"Are you hungry?" Marahang tanong nito. Ibinaba nito ang hawak na martilyo sa isa sa lamesa doon.

Oo. Gutom na siya. Yung chocolate lang ang nakain niya dahil wala namang laman ang kitchen nitong pagkain.

Lalo pa ngayon. Napunta ang tingin niya sa dibdib nito, pababa doon sa abs. Kailangan niya ng kanin. May ulam nang nakahain sa harap niya.

Kaya nga niya kinumutan ito kagabi para di siya matukso ng katawan nito, eto naman ngayon. Binabalandra talaga.

"Elle?"

"M-may pagkain ba?" Tanong niya. Hindi siya nagpahalatang natutuliro siya.

"Bumili ako ng pizza kanina. Iinitin ko nalang,"

Bigla siyang hinila nito sa kitchen. Di na siya nakapaglaban pa. Kumuha ito ng isang silya doon at agad siyang pinaupo.

"Gusto mo dito o sa dining nalang kumain. Mas maluwag--"

"NO,"

Rafaella.. Kumalma ka muna. Paalala niya sa sarili. 

"Dito nalang."

Requiem: RedemptionWhere stories live. Discover now