84: Flicker

5.4K 161 22
                                    

"Blackmail? Really idiot? That's your f*cking plan?"

Dinig ni Pierre ang pagrereklamo ni Fritz mula sa kusina. Napangiwi nalang siya, hindi dahil lang dahil sa sakit ng katawan, pati na rin sa mga plano ni Diego.

Umupo siya nang tuwid at pinatong ang mga braso sa lamesa

"Hoy bampirang hilaw, kilala ko ang likaw ng bituka ni Kiel. Sa dami ng sikreto ng gagong yun, tingnan ko kung di yun titiklop."

Idiots. Why did I even made a deal with another idiot?

Kasulukuyang nag-iinuman ang dalawa sa sala ng condo ni Elle. Alam niyang may natira pang alak sa ref at malamang doon galing ang mga boteng nakakalat na ngayon sa lapag. Hinintay lang ng mga itong tuluyan siyang makarecover saka sila aalis.

"I think you still need to drink more, My Lord." Sabi ni Dom sa tabi niya. Inabot nito ang isa pang blood bags sa kanya. Agad niya itong kinuha ang ininom ang laman.

"How's Elle? Nakausap mo na ba si Angelique?" Tanong niya. Kakarating lang ni Dom. Nakibalita na ito kung anong nangyayari sa bahay nila Kiel.

"She's alright. I don't think papabayaan siya ni Kiel. Magkapatid parin sila."

Di parin mawala sa kanya ang pag-aalala. Masyado nang malakas ang kalaban nila. Kahit sabihin pang maraming tauhan si Kiel, alam niyang hindi iyon sapat. That Pollux can command a whole army if he wants too. Maski nga siya hirap pigilan ang psych nito.

"Saka kakasal lang nila nung Raven diba?" Banggit ni Diego.

Napakunot ang noo niya. Kakakasal lang? Ang buong akala niya matagal na itong kasal sa kapatid niya.

"Lagot yon kapag inilabas ko yung scandal nila nung Yulia." Tuloy pa ng hunter.

"Yulia Orlova?" Tanong niya kay Dom. "That Russian hieress?" Ang balita niya ay namatay ang mga kapamilya nito. Kagagawan din ni Sofia.

"Long story," sagot naman nito. "But if you're going to ask about their marriage, yes. Kanina lang sila naikasal."

Nakaramdam man siya ng panghihinayang dahil hindi siya nakadalo, masaya siya para ka Angelique.

He wants his sister to be happy with the one she love. Kaya nga gusto man niyang saktan si Kiel sa paglalayo nito sa kanya kay Elle ay di niya magawa.

Isa pa, naiintindihan niya rin ito. Elle is his sister. Maski siya naging protective din kay Angelique noon. Ginawa niya din ang lahat, mailayo lang ito sa lalaking nanakit dito.

"Kailangan mong magpalakas Pierre. Be on your own. I don't trust that guy." Bulong ni Dom sa kanya. Ininguso nito si Diego na malakas parin ang tawa.

"I don't trust that idiot either. But I already made a deal. Huli na para magsisi."

"No. Not that. There was something in him. Sa tingin ko nakita ko na siya noon pa. He's no ordinary hunter."

He shrugged. Baka nakita lang ni Dom ito sa bar ni Vicky noon.

Bigla nanahimik si Diego, kapansin-pansin dahil ito lang ang maingay sa kanila.

"Idiot, what is the matter?" Tanong ni Fritz. Ibinaba na nito ang boteng hawak.

Napahawak si Diego sa dibdib at napatayo. "T*ngina, si Cat! Nasa panganib ang bebe loves ko!"

Kumunot ang noo niya. Mate nga pala ng isang ito si Catalina. Napatayo na rin sa silya. Nakaramdam din siya ang biglang pagkirot ng dibdib. Nang matinding takot.

It could be.. Si Elle.

"We should go. NOW." Utos niya.

***

Requiem: RedemptionWhere stories live. Discover now