85: Hailstorm

4.9K 150 37
                                    

"You left Catalina, Pollux? We still need her and that child!"

"Come on, my sweet Sofia. We can have our own."

Nagising sa Raffy sa ingay na yon. Kasabay pa nang pagtawa ng lalaki. Marami pa itong sinabi pero hindi na niya masyadong naintindihan.

Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata. Madilim ang paligid. Malamig. Parang nasa kulungan siya ni Alejandro noon.

Nakatayo sa gitna. Nakasabit ang dalawang kamay niya sa bakal na cuffs na nakakadena naman sa kisame. Nakakadena din ang mga paa niya. Mahapdi ang pagkakapit noon sa balat.

Silver.

Positive. Kulungan nga nito ni Alejandro. Nakidnap pala siya kanina. Pumikit siya at inalala ang nangyari.

Nakarinig siya ng kalabog sa labas ng pinto.

Si Ate Raven yon, naiisip niya. Bumalik para kamustahin siya uli. Baka may bagong balita na ito kay Pierre.

Napakunot siya ng noo. Pero parang iba. 

Mabibigat ang galaw ng kung sino mang iyon. Si Ate Raven, pino. Halos di mo maririnig.

Magtatanong sana siya ng biglang bumukas ang pinto. Napaatras siya.

Kilala niya ang taong yon. Yung mamang puti ang buhok. Yung may kakambal na pinapatay sa kanya.

Pero bakit? Paanong nakapasok to dito?

Sisigaw na sana siya ng magsalita ito. "Quiet please." Inimwestra pa nito ang daliri sa bibig.

Di na siya makapagsalita pa. May humarang sa lalamunan niya. Kailangan niyang lumaban. Alam niyang may masamang balak ito.

"You're thinking of resisting little one. No you can't do that." Sabi nito.

Hindi na siya makagalaw sa kinatatayuan. Parang may pwersang nagpipigil sa kanya. Tama nga si Pierre. Malakas ang psych nito.

May narinig siyang mga kalabog sa malapit lang. Pati ang impit na sigaw ng isang babae.

"Anong nangyayari?!" Gusto niyang isigaw yon kaso wala na talagang boses na lumalabas sa kanya.

"We don't have much time, little one," ngumisi ang lalaki sa kanya.

"My Queen wants you in her company."

Yon ang huling alaala niya. Hindi niya alam kung nawalan ba siya ng malay, hindi na niya matandaan.

Nagmulat siya ng mga mata. Sinubukan niyang hilahin ang kadena pero wala siyang nagawa. Kung si Alejandro nga hindi nakawala dito, siya pa kaya.

Bumukas ang bakal na pinto at nakita niyang pumasok ang mga may-ari ng boses na nagsasalita kanina.

"Oh, look, she's awake." Sabi pa ng lalaki. Yung nangidnap sa kanya. Lumipat ang tingin niya sa kasama nito.

Babae. Matakangkad pero mukhang kaedaran niya. Maganda, maamo ang mukha na parang anghel. Lalo pang nagpatingkad noon yung kulay asul na pares na mga matang nakatitig sa kanya. Katulad yon ng kay Ate Raven niya kapag nagagalit o nakikipaglaban.

"So you're that hunter," sabi ng babae sa kanya. "I believe Pierre sired you,"

Lumapit ito. Hinawakan ang buhok niya at sinilip ang marka niya sa leeg. "And made you his mate."

Inikutan siya nito habang sinisipat ang kabuuan niya. "Bumababa pala ang standards niya. From Carina.. to Isabelle... then you? Really?"

Aba't! Oo na maganda ka na!

Requiem: RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon