6: Red Alert

9.8K 219 19
                                    

"Wala ka ba talagang alam?" tanong ni Rafaella sa bihag niya. "Hindi mo ba talaga alam kung nasaan ang kuya Kiel ko?"

Iling lang ang sagot nito.

Nakakakilang tanong na siya ngayong araw. Mukha talagang walang alam ang isang to. Sayang naman pala ang effort niya, wala siyang mapapala.

Dalawang araw na. Masyado na yata siyang naging mabait sa bampirang nakidnap niya at tumagal pa ng ganto katagal. Usually limang oras lang dedo na. Eto nga at kagigising lang ng mahal na hari, pinapainom pa niya ng dugo. Buti may bloodbag siyang stock sa ref.

Kung sabagay. Malaki siguro ang makukuha niya kung ipaparansom niya to. May natitira pa naman siguro itong kamag-anak. Yun nalang siguro ang gagawin niya.

Nagbugtong hininga siya at sumandal sa pinto. Tinitingnan niya lang ito habang umiinom.

Nakaupo ang Hari sa kama niya ngayon. Nakapants lang. Pinigilan niya ang sariling ngumiti.

Actually, sinadya niyang hindi na ito damitan. Minsan lang to. Wala naman ang kuya niya. Magpyepyesta muna siya sa pagtingin ng yummy abs kahit na ba walang modo yung may-ari. Tutal naman minanyak siya, mamanyakin niya rin.

Gantihan lang.

"Hoy," tawag niya. "Dalawang araw kang nakikitulog. Sana naman may nahihita ako sayo no." Bukod sa abs mo.

Lumingon lang ito sa kanya saglit at itinuloy lang ang pag-inom ng dugo.

"Is it my fault?" tanong pa nito sa kanya pagtapos.

Napairap nalang siya. Oo na. Siya nga ang may kasalanan. Napatindi yata ang ginawa niya.

Buti nga at mabilis niyang nabunot ang mga silver bullets na ibinaril sa katawan nito bago pa kumalat yung lason. Kun'di, baka natuluyan na. Dalawang araw din itong nawalan ng malay. Kanina lang nagising.

Tumayo na si Pierre. Hinagis sa maliit niyang basurahan yung wala nang lamang blood pack. Kahit papaano nakakalakad na ito nang maayos pero kita parin niya ang pagngiwi paminsan-minsan. Wala na yung mga marka ng bala sa balat pero alam niyang masakit parin ang mga yon. At hanggang ngayon, bakas pa gwapong mukha nito ang pasa dahil sa pagsuntok niya ng baril.

Sabihan ba naman kasi siyang maliit, uminit tuloy ang ulo niya.

"I need some clean clothes," sabi nito sa kanya. "Ikuha mo ako."

Kung makapag-utos akala mo kung sino.

"Ang kapal din ng tartar mo ano?" humalukipkip nalang siya. "Hello! Bihag kaya kita. Buti nga at hindi ka nakakakadena."

Wala na rin namang kasing silbi kung ikakadena pa niya. Nanghihina na yung walang modong hari, over na siguro yun. May puso parin naman siya kahit papaano.

Nanlaki nalang ang mga singkit na mata niya nang sinimulan nitong maghubad ng pantalon.

"Hoy manyak! Anong ginagawa mo!?"

"I told you, I need some clean clothes. Kung wala kang maibibigay, maghuhubad nalang ako." At tinuloy nga nitong ibaba ang pants.

Pakingsh*t, sa abs pa nga lang natutuliro na siya, pano pa kaya kung lahat na?

"Sandali! Wait! Hintay!"

Natigilan lang ito sa pagbaba ng suot na boxerbrief.

Napalunok siya. Malapit na doon. At pakingshet na yan! Ang sexy!

Umiwas siya nang tingin sa kahalayang nasa harap niya.

"M-may d-damit si Kuya dito na pinamili ko. Gamitin mo nalang."

Ano na? Bakit ba ako nauutal?

Tatalikod na sana siya ng mahawakan nito ang braso niya.

"You are blushing, Elle." Ngisi nito.

Elle parin?At nakangisi parin? May sira ba ang tuktok nito?

"Hindi ka nadala no? Ilang bala ba ang gusto mong kainin at--"

Naisandal na siya nito sa dingding. "You don't have your gun with you now." Dumulas ang kamay nito sa bewang niya.

Pakshet. Buti nakasando at short na siya.

Lumapit ang mukha nito. Sobrang lapit na. Gahibla nalang ang layo ng labi nito sa labi niya.

Itinulak niya ito papalayo at tinuhod ang gitna ng hita. Napasigaw ito sa sakit at napaluhod.

"Hindi ko na kailangan ng baril! G*go ka! Manyak!"

Lalayo na siya nang mahila nito ang paa niya. Napasalampak tuloy siya sa sahig.

Bago pa siya makatayo ay nawakan na siya nito sa leeg ng mahigpit. Nakapatong na uli ito sa kanya. Nakatitig na din ang pulang mga mata. Sisigaw na sana siya ng takpan nito ang bibig.

O hinde. Hindi niya gagana yung collar nito sa leeg kung di siya makakapagsalita!

"Namumuro ka nang babae ka. You'll-- you'll--" natigilan ito. Biglang napalunok. Kitang-kita niya kung paano nag taas baba ang Adam's apple.

"F*ck!" Binitawan na siya. Napatayo ito bigla at napalayo.

"T-that smell." Tinakpan nito ng kamay ang ilong.

Grabe naman! Kaliligo lang niya. Chanel no.5 pa ang gamit niya.

Oh.

Si Mother Nature nga pala. Dinadalaw siya ngayon. Matalas parin nga pala ang pang-amoy nito.

"You! Get away from me!" Sabi nito sa kanya na parang diring-diri.

"Anak nang! Ganon ba kabaho ang period ko?!" Sigaw niya dito pagtayo. Grabe naman to. Malinis siya. Kakapalit lang niya ng pads.

"Just get me something to wear will you! Tapos lumayo ka na!"

Aba't--

Dumiretso siya sa kabinet. Hinatak niya ang pajama pants at tshirt ng kuya niya at itinapon dito. Meron din isang pack ng briefs.

"Maligo ka muna! Akala mo kung sinong di nangangamoy!"

Actually di nga. Ang bango-bango parin kahit pawis at walang ligo ng ilang araw.

Ang daya.

Tinitigaan lang siya nito ng masama. Ilang dipa din ang layo nito pero ganoon parin ang hitsura, parang nakamoy ng masangsang.

"Ayan yang banyo oh. Ligo na! Gusto mong paliguan pa kita?"

Nakita niya ang pagngiwi nito. Ang pagpipigil nito sa sarili.

Napairap nalang siya. "My goooooddd. Oo na. Mabaho na ako. Ano bang magagawa ko? Alangan naman magsuot ako ng garlic pads para di mo ako maamoy?"

Di na ito nakapagsalita. Umiling nalang ito at pumasok na sa banyo. "May toothbrush na bago diyan. Magtoothbrush ka na rin," pahabol niya. "Hindi ka nagsipilyo ng ilang araw tapos manghahalik ka?! Kadiri!"

Grabe naman yung walang modong lalaking yon. Wala naman siyang magagawa. Call ni Mother Nature yon.

Nailang tuloy siya. Sa ibang naiincounter naman niyang bampira, hindi naman ganto ang reaksyon kapag nakaamoy may menstual period. Ang OA lang naman nung mahal na hari.

Lumabas nalang siya sa kwarto at bumalik sa trabaho. Walang kwenta kung iisipin niya. Ang mahalaga mahanap niya ang kuya niya.

Naupo na siya sa harap ng lamesa at hinarap ang laptop na kanina pa nakabukas.

Maraming email galing sa mga kasamahan niya. Mga balita.

Bukod doon sa bagong drugs na kumakalat, may isang malaking balita ang kumuha ng atensyon niya.

Mukhang nabawasan ang isa sa malalaking Coven. Kitang-kita niya iyon sa subject ng email.

Valerius.

Requiem: RedemptionWhere stories live. Discover now