11: All it Takes

8.8K 199 17
                                    

SPG: SLIGHT GORE

Kailangan niyang lumaban.

Ito ang naisip ni Raven habang napapalibutan siya ng mga lalaki. Wala na rin naman siyang tatakbuhan.

Fifteen seconds. Sa tansya niya kaya pa niya.

Lumapit ang isa sa mga lalaki. Akmang hahakawan siya nito sa braso nang mabilis siyang umikot sa likod nito. Naabot niya ang handle ng katana nitong hawak at naagaw iyon. Hinugot niya mula sa scabard at agad na naibaon ang blade sa tiyan ng lalaki. Mabilis niya rin binunot ang katana mula dito at humakbang papalayo.

Five seconds.

Amoy na amoy niya ang dugong umaagos sa katawan nito.

Sh*t. Kaya pala.

Lango sa drugs ang mga sumugod sa kanya. Kung nasa tamang huwisyo mga ito, hindi niya basta basta mapapatay.

Alam niya ang mga kakayahan ng mga hunters sa Japan. Hindi sila ganto kahina. Sayang nga lang at hindi niya pwedeng inumim ang mga dugo ng mga to. Mas lalong makakasama sa kanya.

Sumugod na ng sabay sabay ang mga tatlo pang natira. Agad siyang nakaiwas. Gamit ang hawak na katana, mabilis niyang mahati ang mga braso ng isa. Nagsisigaw ito sakit ng mahulog sa semento ang dalawang putol na mga kamay.

Nagawa naman niya mahiwa ng tyan ng isa pa. Naunang bumagsak ang lamang loob nito bago ito tuluyang napaluhod at dumapa sa lawa ng sariling dugo.

Naghagip naman niya ang isa sa leeg bago pa ito makabunot ng baril. Gumulong ang ulo nito sa di kalayuan.

Ten seconds.

Sh*t.

Doon niya napansin ang direksyon ng pinaggulungan ng ulo ng huling biktima niya. May mga dumating pa.

Pain lang pala ang mga tao kanina. Hinihintay siyang manghina. Nadidinig niya ang pagtawa ng mga lalaki. Nakatayo na ang mga ito malapit sa kanya. Papalapit na.

Mga armado din ang mga yon. At sigurado siya, mas malalakas kasya sa nauna.

Ubos na oras. Sagad na ang lakas niya. Naitukod niya ang katana para di tuluyang mapaluhod.

Wala rin. Bumigay din ang mga tuhod niya at nti-unti na ring bumibigat ang mga mata. Ang huling nadinig niya ang lang ay isang boses ng lalaking tinatawag ang pangalan niya.

***

"RAVEN! Rave, wake up!"

Kiel? 

Nadama niya ang pagpatak ng likido sa bibig niya.

Blood?

Pinilit niyang buksan ang mga mata. Nakita niya ang nag-aalalang mukha nito na nakatunghay sa kanya. Nakasandal siya sa dibdib nito habang inaalayan siyang umupo. Dinig na dinig niya ang mabilis na tibok ng puso nito. Nakatapat sa kanya ang pulsong may sugat na pinanggagalingan ng pumapatak na dugo.

Di na niya napigilang ibuka ang bibig at hablutin ang suot nitong jacket pababa. Mabilis niyang itinarak ang pangil sa leeg nang maabot niya ito. Madiin niyang hinigop ang dugong galing sa ugat nito.

D*mn, she's so hungry. Hindi na gumagana ang tamang pag-iisip niya.

Napahigpit ang kapit niya kay Kiel. Pumulupot narin ang isa pang kamay niya sa batok nito habang patuloy ang paglunok.

"So. What now?" Nadinig niya ang boses ng babae sa malapit.

Yung Yulia.

Agad siyang kumalas kay Kiel at napaupo. D*mmit. What the hell did do?

Nakatitig ito sa kanya. Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mukha nito sa nagawa. Mabilis siyang umiwas ng tingin at pinunasan ang bibig. 

Mali iyon. Natikman na niya uli ang dugo nito. Hanap-hanapin na naman iyon ng katawan niya. Di niya lang mapigilan ang sarili niya kanina. Nadala lang siya ng gutom.

Napansin niya ang paligid. Nagkalat ang hiwahiwalay na parte ng katawan ng tao sa malapit lang. Sa di kalayuan naman ay ang mga bangkay na may mga tama ng bala sa ulo.

"I'll send some cleaners to clean this up," sabi ni Yulia. Nakatayo ito malapit sa kanya. Kampanteng tinitingan ang duguang mga kuko at kamay. May ilang patak ng dugo na kitang kita sa maiksi at puting damit nito.

"You okay now?" Tanong pa nang babae ng bumaling sa kanila.

Agad siyang tumayo at lumayo kay Kiel. Nakita niyang nagsasara na ang sugat nito sa leeg at sa braso.

Tumaas lang ang kilay ni Yulia sa eksena nila. Nababasa niya ang pagkainis nito.

"I'll go first. Fix it, Kiel." Sabi nito bago tuluyang naglakad papalayo. Iniwasan ang mga nagkalat na bangkay sa paligid para di madumihan ang suot nitong puting highheels.

"Papaano ka-- Papaano mo ako nahanap?" Tanong niya kay Kiel. Humakbang siya papalayo. Muntik pa niyang maapakan ang isang putol na kamay.

"I marked you," sabi nito sa kanya. Huminga ito ng malalim at lumapit. "Alam ko kung nasa panganib ka."

"Sh*t."

Tumalikod nalang siya. Wala na talaga siyang kawala. Dahil sa mark na yon madali nitong nalalaman kung nasaan siya. Balewala kahit anong pagtakas niya.

Nahablot ni Kiel ang braso niya at mabilis na pinaharap. "Raven, please, wag ka na uli aalis mag-isa. Delikado ngayon,"

Mahigpit ang pagkakahawak nito, di siya makawala. Umangat ang tingin niya kay Kiel. Nakatitig ng buong pag-aalala ang mga mata nito.

"Akala ko kung ano nang nangyari sayo."

"Ano pa bang kailangan mo?" mariin niyang sabi.

"Sumama ka na sakin."

No way.

"Damn you. Makukuha lang ako ng sapat na lakas, papatayin din uli kita."

"Rave. Just listen..."

Pumiglas siya pero hindi parin siya makawala sa hawak nito.  Hindi ako makikinig sayo. Hindi ako maniniwala sayo.

"Sumama ka na sa Yulia na yon. Let me go,"

Umiling ito at tumitig sa kanya. Bumibilis ang tibok ng puso niya dahil sa mga matang yon. Pero di siya dapat magpadala. "I rather die than be with you." Pinilit niyang makawala pero wala parin.

Nakakaramdam na siya ng galit mula sa dito. Lalo lang humigpit ang kapit sa kanya. 

"No. I won't let you go, not this time,"

Nakadinig siya ang ng mahinang putok ng baril. Naramdaman niya ang maiinit na bagay na tumama sa may bandang tiyan niya.  "Gagawin ko ang lahat ng paraan, makuha lang kita uli. Para makinig ka."

Masakit. Sh*t.

Hindi na siya nakapag react agad sa pagbaril nito sa kanya. Napaawang lang ang bibig niya.

Naramdaman niya ang pagkalat ng lason galing sa silver bullet. Nanginginig na ang tuhod niya. Bumagsak siya sa dibdib Kiel. Mabilis naman siya nitong sinalo.

"D-d*mn you..." Hindi na siya makagalaw.

"Tulad ng sinabi ko," bulong nito sa kanya.

"Lahat ng paraan."


Requiem: RedemptionWhere stories live. Discover now