72: Sweet Surrender

5.4K 175 32
                                    

Suminghap ng hangin si Pierre. Halos maubos ang lakas niya sa pagamit ng psych. He's spent, pero hindi siya dapat sumuko.

Naramdaman niya ang isang papalapit sa may likuran niya. Agad siyang umikot at pinatulis ang mga kuko. Pinutirya ang dibdib nito. Umagos ang masaganang dugo nito sa kamay niya.

"V-verräter!"

Nagawa pa nitong sumigaw bago bumagsak sa semento. Wala na rin buhay, katulad ng mga kasamahan nitong nagbabantay sa lugar na iyon.

Traitor.

No. He was never one of them. Oo nga't binigyan niya ng impormasyon si Sofia tungkol sa Cure na gawa ni Victoria noon, pero kailan man, hindi niya sinuportahan ang plano nito.

And hell. Though he never wanted to be the King, hindi naman siya papayag na sa mga katulad nila ang trono.

Umakyat na siya sa hagdan. Alam niyang wala dito sina Sofia, nasa isang meeting ito kasama ng iba pa nitong kaalyado.

Sofia's army were fighting a lost cause. Unti-unti ng bumabagsak ang mga kakampi nila. Ang iba naman ay sumapi na sa totoong Coven ng Schwarze na pinamumunuan nina Victoria.

"Pierre."

Si Carina ang sumalubong sa kanya malapit sa kulungan ng pakay niya. Nag-iisa lang ito. 

"I won't let you take him!" Gusto niyang tumawa sa sinabi nito. Masyadong nagmamatapang. Her fangs barred and fingernails extended. Talagang handang lumaban.

"Stay away, Carina. You really wanted him in there?" tanong niya dito. "Mamatay siya sa loob niyan."

"As long as he's with me. I don't care!" Agad itong umatake sa kanya. Mabilis ang kilos nito at halos di niya makita. Nadaplisan nito ang kanang tagiliran at napangiwi siya sa sakit.

Tss. Lalaban talaga.

Hindi na niya magamit ng husto ang psych niya sa pagod dahil sa dami niyang kinalaban kanina. Pero hindi siya magpapatalo sa babaeng ito.

"Do you really see what's going on?"

Ngumiti ito sa kanya. "Isabelle will die, my prince. And soon, I will take her place."

She's out of her mind.

Agad itong umatake gamit ang mahahabang kuko. Agad din niyang pinagana ang psych niya gamit ang natitirang lakas. Hindi na ito nakalapit at tumalsik nang ilang metro sa kanya.

"They've let Alejandro live because of Isabelle. Ikaw na rin ang may sabi, kailangan lang nila ang anak nila. And after this, ano sa tingin mo ang mangyayari kapag nakuha na nila ang batang yon?"

 "Sofia promised me!" Carina hissed and stood up. Mukhang hindi talaga ito makikinig sa kanya.

Nahuli niya ang braso nito nang sumugod uli. Marahas niya itong pinasandal sa bakal na pinto kung saan naroroon sa loob si Alejandro. "Listen to me, Carina. Wala nang patutunguhan ito. Matatalo na sina Sofia. Imposible na nilang makuha ang gusto nila. They are desperate. Kung hindi, hindi ka nila ipapadala sakin para kunin ang suporta ko."

Hindi na ito pumiglas, sa halip nakita niya ang pagtulo ng luha nito. "Sofia will never lie to me, my prince. She'll give me Alejandro."

"She won't Carina. Sa tingin mo, bakit nila nilagyan nang Fullmoon ang dugo mo? So you can't give your blood to Al. So he'll starve to death." 

Tuloy-tuloy lang ang luha nito habang nakatitig sa kanya. Naaawa siya dito kahit, papaano. She did all sort of things, makuha lang ang kahit kakaunting atensyon ng lalaking iyon. In the end, alam parin nitong wala ring patutunguhan ang lahat.

Requiem: RedemptionWhere stories live. Discover now