44: Heaven's a Lie

6.7K 173 24
                                    

"Isabelle."

Naibuga ni Raffy ang usok galing sa sigarilyo niya. Buti nalang at may nakita siyang posporo kaya nakapagsindi siya doon.

Masakit pa ang buong katawan niya. Lalo na doon sa bandang ibaba. 

Pakshet na yan. Ganto pala yon.

Pero mas masakit ang dibdib niya. Sa puso. Sobra-sobrang sakit. Gustong tumulo ng luha niya pero hindi niya ito mailabas sa sobrang galit.

"Leste ka!" sigaw niya sabay sipa sa isang poste sa kusina. "Walanghiya! G*go! Pakyu! Maputol sana ang malaking juju mo!"

Napaupo nalang siya sa isang silya doon at iniuntog ang ulo sa lamesa ng paulit-ulit. Alam niyang mukha siyang tanga sa pinaggagawa pero mas malaking katangahan yung kagabi.

Tinawag ni Pierre ang pangalan ni Isabelle pagtapos ng nangyari sa kanila. Dinig na dinig niya iyon. Alam niyang magkatunog ang pangalang Elle at Isabelle--Pero sh*t talaga, di pwedeng magkamali ang tenga niya. Hindi na siya nakapagreact pa dahil sa sobrang pagkabigla. Naramdaman din niya ang mabilis na pag-alis ni Pierre sa kama at iniwan siyang nag-iisa. Ni hindi man lang nagpaalam. Masyado siyang na shock sa nangyari kaya di siya nakabangon. Nakatulog na rin siya.

Tapos paggising niya. Wala na rin ito sa bahay at mukhang tinakasan siya. Nag-iwan lang ng note sa may bedside table.

I'll be back.

Pakshet. Ginaya pa ang linya ni Arnold Schwarzenegger. Syempre babalik yon, hindi pa niya natatanggal ang collar. Pero sigurado siya, pagbalik noon, di lang collar ang matanggal sa tukmol na yon.

Walanghiya. Naniwala siya. Nagtiwala. Binigay niya ang sarili nga buo. Tapos si Isabelle parin pala.

Si Isabelle parin talaga.

Ginawa lang siyang panakip butas.

Rebound.

"Ang tanga-tanga ko talaga!" Sigaw niya sa sarili.

Bigla siyang nakaramdam ng presensya sa gitna ng pagngingingit niya.

Vampire. Pero hindi si Pierre.

Nakapasok na sa bahay. Paksh*t! Buti nalang at nakasukbit na ang baril niya sa short niya.

Agad siyang tumayo at binunot ang baril. Nagtago sa poste at hinintay itong lumapit. Hinagis niya ang sigarilyo sa lapag at pinatay. Mukhang sa kusina rin ang punta ng isang ito, sa tingin niya.

Binuksan ng bampira ang pinto ang kusina saka pumasok. May inilapag itong kung ano sa lamesa.

"Don't move!" Sigaw niya paglabas sa kinatataguan. Nagpaputok siya ng isa pero nakaiwas ito. Agad na nagtaas ng kamay ang lalaki bago tuluyang humarap sa kanya.

Lesteng yan! Kilala ko to!

"Oh, I believe you are Elle." Sabi nito sa kanya. Malambot ang pagkakasabi. Malambing. Nakangiti pa.

Eto yung bartender sa bar. Yung kausap ni Pierre bago niya kinidnap yung tukmol.

"Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw niya. Di parin niya binababa ang baril.

Malaki ang build ng isang to. Mukhang boksingerong-slash-rapper na Black American.

Huminga ito ng malalim bago nagsalita. "My name is Dominic. Inutusan ako para bantayan ka dito sa Manor."

Nanagalog pala. "Bantayan? Bakit?" Pakshet na yan. Bakit ako ang babantayan?

"Put your gun down, Miss. Pierre asked me to protect you while he's away."

Requiem: RedemptionOnde as histórias ganham vida. Descobre agora