59: Three Words

5.1K 175 24
                                    

Napaluhod sa sahig si Pierre. Mahapdi ang balang tumagos sa balikat niya. Alam niyang silver bullet ang may gawa noon.

"Excited ka ding mamatay no?! Pumunta ka pa talaga dito matapos ng ginawa mo!" Sigaw ni Elle. Galit na galit ito habang nakatutok parin ang baril sa kanya.

Alam na niya ang lahat.

Pinilit niyang tumayo sa kabila nang sakit. He deserve it. Kulang pa nga ang natanggap niya sa lahat ng kasalanan niya dito. "W-we need to talk."

"Tumahimik ka! Magpasalamat ka at di kita tinuluyan!"

May narinig silang malakas na ungol. May mga rogues na paparating. Alam niyang si Elle ang target ng mga yon. May sugat ito sa bandang braso. Naamoy ng mga yon ang dugo nito

"Elle. Come with me. Kailangan na nating makaalis dito."

"T*ngina mo! Wag mo akong matawag tawag na Elle! Paksh*t ka!" Mabilis siya nitong hinila at itinulak sa likod ng isang pader. Napasandal siya doon.

"Akala mo ba di ko narinig yung kagabi?! Pangalan ni Isabelle ang tinawag mong hayop ka!"

She must have heard it, yung pagtawag niya sa pangalan ni Isabelle. Ang akala niya noong gabing yon, may tao nang nakapasok sa Manor. Umalis lang siya sandali sa tabi ni Elle para hanapin kung sino man yon kaso tulog na tulog na ito sa kama pagbalik niya. Hindi na niya nasabi ang nangyari.

"Mag-usap tayo. Hindi dit--

Di na niya natuloy ang sasabihin ng lumapat ang kamao nito sa panga niya. Masakit pero kailangan niyang indahin iyon. Kailangan na niyang masabi dito ang lahat.

"G*go! Wag ka nang magpaliwanag!" singhal nito sa kanya. "Di lang naman iyon ang kasalanan mo! Sinabi na sakin ni Cat!"

Natigilan siya. Hindi na siya makapagsalita. Parang may kung anong bumara sa lalamunan niya.

D*mn. Bakit ang babae pang iyon ang nagsabi. Hindi nito alam ang lahat nang nangyari noon.

"Ikaw ang lalaking yon," ramdam niya sa boses ni Elle ang galit. Ang hinanakit. "Ikaw ang nagdala ng mga hunters sa bahay namin. Ikaw ang nagpahamak samin." Dugtong pa nito.

This is it. Kailangan na niya itong harapin.

"Elle.."

Dahan-dahan siyang lumapit dito. "H-hindi ko sinasadya... Hindi ko alam na ganoon ang mangyayari. Hindi ko alam na ganoon ang gagawin nila sa inyo."

May narinig kaluskos. Nandito na ang mga rogues na yon.

"You *sshole..." Ipinutok ni Elle ang baril sa mga paparating. Natamaan ito lahat.

"Y-you ruined me," nanginginig ang boses nito. Nakikita rin niya ang namumuong luha sa mga mata ng humarap ito sa kanya. "A-alam mong ako yon nung una palang hindi ba? I told you who I am. I told you my story. Pero pinaglaruan mo pa ako."

"Elle. I'm so sorry... Please," garalgal na ang boses niya habang sinasabi niya yon. Alam niyang hindi madaling patawarin ang kasalanang nagawa niya. Hindi na rin siya umaasa. Kailangan lang niyang masabi dito ang lahat.

"Matagal ko nang gustong sabihin sayo pero di ko magawa. It was selfish, alam kong malaki ang kasalanan ko. It wasn't part of my plan that I--"

"What plan?" tanong nito. Umikot ito uli. May binaril itong paparating pang bampira.

"T*ngina mo, magsalita ka na! Wag kang tumitig dyan! Nauubos na ang bala ko. Wala na akong reserba para sayo!"

"I asked you to end my life did I?" sagot niya dito. Mabilis siyang humakbang at hinila ito papalapit sa kanya. Nawala ang espasyo sa pagitan nila. "Iyon ang naisip kong paraan para mapagbayaran ko ang lahat ng kasalanan ko sayo."

Tumitig ang mga mata nito sa kanya na parang naguguluhan. "You asked me to end your life dahil nagui-guilty ka sa nangyari kay Isabelle."

"Even before that, Elle. Noon pa."

D*mmit. Hindi na rin siya umaasa na maalala pa nito ang lahat. It was his father's fault, kung sana ay napigilan niya ang nangyari noon. Kung saan ay natatandaan pa siya nito, hindi na sana aabot dito ang lahat.

Nakarinig siya ng ilang putok ng baril. Mukhang di lang rogues ang problema nila ngayon.

"Hunters," dinig niyang bulong ni Elle. "Dalawa nalang ang bala ko."

"We have to get out of here." Hinawakan niya ang braso nito pero agad din itong kumalas.

"G*go ka! Di pa tayo tapos!"

"Elle..."

"Kung gusto mo lang din naman akong tikman, sana sinabi mo nalang. May pa mark-mark ka pang nalalaman. Wala ka ring pinagkaiba sa kanila."

Yun ba ang iniisip niya. "No. Please listen," hinila niya ito papalapit at niyakap. Pumiglas ito pero hindi niya hinayaang makawala pa. "Last night was real, Elle. I love you. I really do."

"Oh please shut the f*ck up. Akala mo ba maniniwala ako sa ka-bullshitan na yan?" sabi nito. Pinipilit siya nitong itulak pero lalo lang niya hinigpitan ang yakap. "Bitawan mo ako! Ano ba!"

Nakadinig siya ng mabibilis na yabag. Mga hunters. Five of them.

"F*cking sh*t!" Malakas siyang itinulak ni Elle at binaril ang natanaw nitong paparating sa may pinto. Sa tyan lang niya ito tinamaan pero humandusay ito sa sahig.

Marami pa.

Naramdaman niya ang apat na hunters na nagtago sa likod ng ilang debris doon. Kumuhuha lang ito ng tyempo. At--

"Go." Dinig niyang utos ng isa. Nakatutok na ang baril nito kay Elle. Agad siyang kumilos at pinatulis ang mga kuko. Tumakbos siya sa direksyon nito at pinutirya niya ang leeg ng hunter na yon. Hindi na nito nagawang makapagpaputok ng baril.

Ginamit niya ang psych sa isang pang papalapit at malakas itong tumalisik papalayo. Dinig pa niya ang pagbali ng mga buto nito ng tumama ito sa ilang nagbasakang pader.

Nakarinig siya ng dalawang putok ng baril. Mabilis siyang lumingon at nakita niya ang pagtumba ng isa sa dapat babaril sa kanya.

"Sh*t!" Kay Elle galing ang sigaw na yon. Nakita niya ang pagluhod nito.

D*mmit! Agad niyang hinanap ng mga mata ang bumaril dito, ilang hakbang lang iyon mula kay Elle. Akmang tutukan na siya ng hunter pero inunahan na niya ito. Bumaon sa dibdib nito ang mga kuko niya at binunot ang puso nito mula doon.

"Elle!" Agad niya itong nilapitan. Natumba na ito ng tuluyan sa mga braso niya. Dahan-dahan niya itong inihiga. Nakita niya ang tama nito sa dibdib. Tumagos ito mula sa likod.

No please... don't...

Kaya naman nitong barilin ang hunter na yon pero mas pinili nitong iligtas siya. "Why did you do that?! Why did you save me!"

"D-di ba sa-sabi ko sayo... A-ako lang ang pwedeng bumaril sayo." Nahihirapan na itong huminga pero pinilit paring magsalita.

Matinding takot na ang nararamdaman niya ngayon. Hindi na niya mapigilan ang pag-agos ng dugo nito. She's dying.

"Elle... shss. No... Don't say a word."

Umiling ito at itinaas ang duguang kamay Marahang hinaplos ang pisngi niya pababa sa leeg. Alam niyang marami nang itim na linya doon, kumakalat na sa buong katawan niya. "A-ang t-tanga mo talaga. M-namatay ka na, g-gumamit ka parin ng psych."

Alam niya, pero mas nagingibabaw sa kanya ang pagliligtas dito kanina. Nabalewala na ang lahat ng nararamdaman niyang sakit.

Umubo ito ng maraming dugo. Di na rin niya mapigilan ang pagdaloy noon sa sugat nito.

"Elle...please... no... stay with me."

Kailangan nilang makaalis sa lugar na ito ngayon din. Kailangan nitong mabuhay.

"Pierre..." Dahan-dahang nitong hinawakan ang collar niya sa leeg.

"Ich liebe dich..."

Requiem: RedemptionWhere stories live. Discover now