64: Hang in There

5.7K 188 29
                                    

So this is the hideout.

Karina Hotel.

Napangisi si Pierre habang naglalakad papalapit sa building na yon. Who could have thought ba dito pala sila nagkukuta?

Masyadong obvious. Masyadong cliche.

Ito ang hotel kung saan tumutuloy ang mga ibang branch ng Valerius kapag bumibisita ang mga ito Pilipinas. The place was old, like it came out from a sixties mafia movie. Idagdag pa ang parang mga goons na nag-aabang sa lobby mismo nito.

Sinalubong agad siya ng mga ito pagtapak na pagtapak palang niya sa territoryo ng pakay niya. Umaangil ang lahat pero di umaatake.

Lalo siyang napangisi.

The Lost Schwarze. Karamihan dito, mas matatanda pa sa kanya. Mga pinarusahan matapos matalo sa gera noon na ang mga ito rin mismo ang nagdala.

Lumapit ang isa sa kanya. Blue-eyed, blond, heavy built, typical characteristic ng isang Schwarze. He's wearing a business suit at maayos ang tindig. Kundi lang ito ngumisi, iisipin niyang isa ito sa matataas na tauhan ni Fritz.

"So thev prince iz here." Sabi nito sa kanya sa matigas na German accent nito. Nakalabas ang bakubaku at nabubulok na ngipin sa kanya. Obvious na inalipin ito ng husto ng kung sino mang Coven na kumuha dito.

And he guessed na na annihilate na rin ang Coven na yon tulad ng Valerius.

"Where is your little Queen, slave?" Tanong niya.

Nadinig niya ang malakas na pag-angil nito. He hit a sore spot, napangisi siya. Alam niyang magpasahanggang ngayon, hindi parin matanggap ng mga ito ang naging kapalaran. Isang dahilan din iyon kung bakit hindi ang mga ito sumama sa bagong tatag na Schwarze Coven na pinamumunuan na ngayon nila Fritz at Vicky. Gusto ng mga itong maghiganti.

"You've been a slave too. Don't think too highly ov yourselv."

Ngumisi lang siya. Pumayag lang siya noon para makalapit sa target niya. Para mapadali ang paghihiganti niya. Ngayon ang taong iyon ang sadya niya ngayon.

"I'll ask again slave. Where is that little bitch?"

Gumalaw ang Schwarze papapunta sa kanya. Mabilis, pero di sing bilis niya, nagawa niyang makaiwas sa pag-atake nito. Ni hindi man lang nagasgasan ang damit niya ng matutulis na kuko.

"You--"

Di na ito nakahuma pa. Tinitigan niya ito ng matalim at marahas na bumagsak ito sa sahig. Dinig niya ang mga pagbali ng mga buto nito habang parang manikang basahang nilalamukos ang katawan sa semento. Nagsisigaw ito sa sakit na agad ding natigil ng pumilipit na ang leeg nito.

Hindi na nakagalaw pa ang ibang nakapaligid sa kanya. Dahil sa takot. Dahil sa paghanga.

Huminga siya ng malalim at ngumiti. Matagal-tagal na rin niya itong di nagagawa. Nakakagaan nang pakiramdam, nagagamit niya ang kakayahan nang hindi siya nasasaktan.

No silver chip. No collar. Malaya na talaga siya.

Pero hindi pa sapat yon.

"Still a show off, Pierre?" tanong ng pamilyar na boses sa kanya. Agad siyang napalingon sa pinanggalingan nito. "Hindi ka parin talaga nagbabago."

"So the drug did work, Sofia." Ngumiti siya dito.

Tumanda na ito at tumangkad, as he expected. Totoo ngang may dugo ng Schwarze ang babaeng ito, naiisip niya. Those hauntingly blue eyes is the proof. No wonder na nakaya nitong ipapatay ng buong Valerius, hindi naman nito kadugo ang mga iyon.

Requiem: RedemptionWhere stories live. Discover now