28: Blood Royal

8.2K 156 28
                                    

Huminga ng malalim si Raven habang naglalakad sa mahabang hallway. Nakasalubong pa niya ang ilang mga monghang naninirahan doon kasama ng mga ministro. Sila ang nangangalaga sa Sanctuaire para di masira at mapreserve ang kastilyo sa ayos nito ngayon. Agad itong nagsiyuko nang dumaan siya sa harap nila.

Iginagalang siya dahil sa titulong binigay sa kanya. Yun lang ang perks noon. Titulo lang.

She'll reign as a Queen, but will not rule as one. Mukhang yun nga ang lagay ng estado niya. Wala siyang kapangyarihan magbigay ng order sa mga High Council. Hindi man direktang sinabi ni Fritz pero ramdam niya yon. Para lang siyang audience sa discussion nila.

Para lang masabi ang High Council na may naumumuno parin sa kanila sa kabila ng gulo.

Nagpapasalamat nalang siya at sa wakas, natapos na ang meeting. Nagsialisan na rin ang ibang miyembro ng High Council sa Sanctuaire. Wala ring malinaw na usapan lkung sino ang may kagagawan ng mga patayang nagaganap dahil sa halip, puro kalokahan lang at kwentuhan. Nasayang lang oras.

Pero malakas talaga ang hinala ni Fritz na mga dating myembro ng Schwarze ang may gawa noon. Wala naman siyang makitang dahilan.

Naguguluhan na talaga siya.

Gusto na niyang bumalik ng Pilipinas para siya mismo ang mag-imbestiga pero hindi siya pinayagan ni Fritz, nauna na itong umuwi pagkatapos na pagkatapos ng meeting. Sinabi daw ni Vicky na mas ligtas daw siya dito.

Tumigil siya sa paglalakad. Naramdaman niya ang presensya na sumusunod sa kanya. Kanina pa.

"I know you're in there." Sabi niya. Lumingon siya sa pinagtataguan nito.

"Forgive me, My Queen." Lumabas ang lalaki sa pagtatago sa isang poste at yumuko sa kanya.

"Artair. What do you want?" Tumaas nalang ang kilay niya. 

Tumayo ito ng diretso at ngumiti. "Gusto lang kitang sundan."

Nagulat pa siya sa pagsasalita nito. "So you speak my language?"

Ngumiti ito at lumapit. Inayos nito ang suot na Armani suit at pinadaan ang mga daliri sa mapulang buhok. 

Napabuntong hininga siya. Sa totoo lang gwapo ang isang ito. Matangkad din. Mukhang runway model. At lahat ng miyembro ng High Council ito lang ang wala pang mate. And obviously, she can feel it. Nagpaparamdam ang isang ito.

"Of course My Queen. I've studied it. Remember your father's reward?" Hinawakan nito ang kamay niya at marahang hinalikan. "I was--"

"You're interested." Di niya na pinatapos ito. Di niya akalaling pati myembro ng High Council at naging interesado kalokohan ng Daddy niya noon. Akala ba niya di sila sang-ayon sa pagapapawalang bisa ng kasal niya?

"Of course, I'm still looking for a mate, I didn't tell the others though, they'll kill me," sabi nito at tumawa. "Nag-aaral pa ako ng iyong lengwahe para mapalapit sayo ngunit nahuli ako. Sayang."

Napangiti siya sa accent nito. Matigas ang pagkakasabi pero naiintindihan naman niya. Talagang nag-eeffort.

"Sayang?" tanong niya.

"You were already claimed. Iyon ang aking huling balita."

"Rumors," sabi niya. Naalala niya yung pakana ni Vicky noon.

Napahawak siya sa collar ng suot niyang blouse. Natatakpaan noon ang markang binigay sa kanya ni Kiel. Inayos niya ang blazer na suot para lalong maitago ito.

Kung pwede nga lang mawala ang mark na yon sa kanya kaso di na yon mabubura.

Yes, she was claimed. At kung malaman ng High Council kung sino, malaking gulo na naman.

Requiem: RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon