80: Foreboding

5.5K 182 38
                                    

"Totoo na ba ito?" Bulong ni Raven sa sarili habang pinagmamasdan ang singsing sa kamay. It was a heart shaped red diamond. Mukhang pinasadya iyon para lang kay Isabelle pero ngayon siya na ang may suot.

Napabuntong-hininga siya. Suot naman ni Kiel ngayon ang singsing ni Fritz. Ginawa talaga ng mga ito ang lahat, maituloy lang ang kasal nila ngayon.

Sa totoo lang di parin siya makapaniwala. Kasal na sila ni Kiel. Parang nasa gitna siya ng magandang panaginip.

Pero andon parin ang kaba niya. Kapag may magandang nangyayari kasi, lagi nalang may kasunod na masama.

"My Queen?" Nag-aalalang tanong ng asawa. Nakita siguro nito ang pagkunot ng noo niya.

Asawa. Namula ang pisngi nang maisip niyang asawa na talaga niya si Kiel.

Umiling siya at ngumiti. "Wala. May naiisip lang ako."

Marahan siya nitong hinalikan sa labi. "Forget anything else, Rave. This is our night."

Tumango siya. Tama nga siguro. Dapat bawasan niya ang pagiging negative thinker niya.

"Halika na, hinihintay na nila tayo." Hinawakan nito ang kamay niya at iginabay siya sa sala.

Nandoon ang lahat. Maliban na lang kina Isabelle at Alejandro. Nagpaiwan ang dalawa sa kwarto kasama ang anak. Mukhang nag-eenjoy na sa pag-aalaga.

From the smell of the blood and wine, mukhang may celebration na nangyayari.

Sina Luna at Erze nag-uusap sa isang sulok. Hindi niya maintindihan ang language na ginagamit ng dalawa pero mukhang seryoso ito.

Si Dom naman, napapalibutan nina Lira at Nisa. Mukhang interesadong-interesado ang dalawang maids habang nakikinig sa kwento nito.

"Pare! Congrats!" Masayang salubong naman ni Diego sa kanila. Hinila nito si Kiel papalayo sa kanya. Mamula-mula na ang mukha nang lalaki, mukhang marami nang nainom na alak.

Ngumiti lang siya nang lumingon si Kiel sa kanya na para bang humihingi ng permiso. "Go on, Kiel."

That Diego is really wierd, naisip niya. Nakuha pa talagang magpakalasing. Talagang di natatakot sa pwedeng mangyari gayong mag-isa lang itong tao na nandidito.

"Swerte mo talaga..." sabi pa nito. May naramdaman siyang kakaiba sa pagkakasabi noon. Like he's pinning for someone pero pilit na tinatago.

"Oy! Ikaw! Long time, no see! Lika nga dito!" Bumaling naman ito kay Fritz. Tumawa pa nang malakas at inakbayan ang lalaki. "Di ka parin pala marunong managalog."

"Get off me, you pig!" Singal naman nito habang kumakawala. "Annoying heathen. Are you sure he is your friend, Your Highness?"

"T*ngina. Nahiya ka pa. Mabuti naman at nakatuluyan mo rin pala si Victoria." Lumapit uli si Diego dito.

"Mensch, reiss dich zusammen!" Sigaw naman ni Fritz. Habang pilit na lumalayo.

Natawa siya.

"Boys. Don't mind them," kumento naman ni Vicky ng lumapit ito sa kanya. Agad siya nito niyakap. "Congratulations, Angie. Finally, natuloy din."

"Thanks."

Napuno ng tawanan ng mga lalaki ang sala. Nagkukulitan parin sina Fritz at yung kaibigan ni Kiel. Parang matagal na ang dalawang magkakilala.

"You know that guy? That Diego?" Tanong niya kay Vicky.

Ngumisi lang ito. "Yes. Small world isn't it?"

Maybe through Raffy. Naikwento minsan ni Fritz sa kanya na nakasama nito ang kapatid ni Kiel sa Assylum noon. Si Raffy pa nga daw ang tumulong para makatakas ito.

Requiem: RedemptionWhere stories live. Discover now