39: The Other Side

7K 170 9
                                    

AN: Cancel ang lakad.. Update muna.

Huminga si Sofia nang malalim. Naramdaman niya ang hapdi ng gamot na itinusok niya sa braso. Parang sinusunog noon ang lahat ng ugat na dinadaanan.

"No pain, no gain." Ipinaalala niya sa sarili habang nakapikit nang mariin.

Kailangan niya ito. Kailangan niya talaga ito. It's the only way she can get out of that body she hated for more than a hundred years

Ito na rin naman ang huli. Mukhang nahuli ang intusan nilang kumuha ng Cure sa Victory Pharmaceutical. Nagawa ng gamot na yon patandain siya ng ilang taon sa loob lang ng ilang buwan. 

Kundi dahil kay Pierre, hindi niya malalaman ang tungkol doon. Kapalit noon ang pagsang-ayon niyang makuha nito si Isabelle noon. He failed, pero wala na siyang pakialam doon.

Kasalanan ito lahat ng Mama niya. Pinainom siya nito ng dugo ng tao sa murang edad. Nanatili tuloy katawan niya sa pagiging bata. Tumitigil ang pagtanda nila sa oras na ma-awaken ang pagiging bampira nila. Hindi siya nagsisi na pinatay niya rin ito.

Sinipat niya repleksyon sa salamin nang unti-unti ng mawala ang sakit. Nakuha niya ang mga features ng Mama niya. Nakuha naman niya ang mga asul na mga mata ng ama niya. 

Her real father. As if maitatago sa kanya iyon niya ng matagal.

Her real father, Franz von Schwarze. Her mother's loyal guard.

Pero kahit papaano ay kinilala siya ng Stefano Valerius na yon bilang anak. Minahal nito ang mama niya sa kabila ng lahat. He even married her despite being marked by someone else. At kahit na Head ito ng Valerius Coven, wala itong ibinagay na parusa sa kanila ng malaman ang pagtataksil na ginawa ng Mama niya. Nagawa pa nitong itago ang lahat maski sa sariling pamilya. 

Too bad, kailangan nitong mamatay agad, marami na ding nakakahalata sa pagkakalayo ng hitsura nila. But she made sure na walang nakahalata sa ginawa niya.

Yun nga lang, nawalan siya karapatan sa posisyon sa kinikilalang ama dahil sa maagang pagkakaawaken niya. Napapunta ang pagiging Head sa kapatid nitong si Antonio, and eventualy sa anak nito, kay Alejandro.

Well, until now.

"What's your plan with Alejandro, my Lady?" tanong nang isang mababa at namamalat na boses sa likod niya.Narinig na naman niyang magsalita ito. Parang di na siya sanay.

"Pollux." Ngumiti siya.

Tinanggalan ito at ang kakambal nitong si Castor nang kakayahang magsalita. Iyon ang parusa nila dahil sa pagpatay nito sa mga Sang-Real noon pagkatapos ng gera. Then they were sent to Valerius. Para maging alipin. Para maging tagasilbi. The High Council made them promise to serve the last remaining Sang-Reals. Which is her and her mother.

Luckily, they manage to draw some of Luna's blood when they attacked Paradiso. That blood is effective, she thought. Nakakapagsalita na nang maayos ang dalawa, sayang nga lang at hindi iyon sapat dahil medyo paos parin ang boses. Sayang nga lang at hindi nagtagal ang buhay ng babaeng yon.

She could had her by her side pero mas pinili nitong kumampi sa walang kwenta nitong anak.

"Mukhang mapapasunod natin si Isabelle kung buhay pa siya," aniya. Humarap na siya kay Pollux. "And I like to keep him as my plaything. Nakakatuwa siyang asarin."

Unti-unting lumapit ito sa kanya. "How about me? I wasn't enough for you, my Sofia?" Tanong pa nito kasabay ng marahang paghaplos sa mukha niya. "Why wont we kill him now?"

Bumaba ang mukha nito sa leeg niya. Nararamdaman na niya ang labi nitong lumalapat doon. Napahagikgik nalang siya dahil sa kiliting dulot noon. "You really can't wait, can't you Pollux?" tanong niya dito. 

Requiem: RedemptionWhere stories live. Discover now