48: Rogues

5.8K 171 25
                                    

"You tried to kill yourself again, little one." Sabi ng lalaking nasa tabi ng higaan niya. Hindi siya makagalaw. Nakatali ang kamay niya sa kama.

Sinubukan niyang tumalon sa building kanina kung saan siya nakaconfine pero nahuli siya ng isa sa mga nurse. Noong isang buwan sinubukan naman niyang inumin ang isang bote ng gamot na nanakaw niya sa isang pasyente doon. Nagawa na niya ring laslasin ang pulso pero nabuhay parin siya.

Hindi na niya kaya.

Hindi na.

Ayaw na niya.

Paulit-ulit na naman niyang naririnig ang mga boses nila. Ang mga boses ang mga bumaboy sa kanya. Bumabalik na naman sila.

Matagal ng gumaling ang sakit ng katawan pero ramdam parin niya ang sakit ng dibdib tuwing naalala niya ang mga nangyari.

Dahil lang sa gamot na binigay sa kanya kaya di niya naririnig ang mga ito sa ngayon. Pero alam niya, mamaya lang, babalik na naman sila.

Gusto na niyang matapos ang lahat. Ayaw na niyang mahirapan pa.

Lalo pa ng malaman niyang alam pala ng Kuya Kiel niya ang kung sino ang hinahanap ng mga lalaking yon.

Paano yon nagawa ng kapatid niya? Bakit hinayaan siyang gahasain ng mga lalaking yon kung alam naman pala nito ang hinahanap nila? Mas pinili pa nito ang taong yon kaysa sa kanya.

Alam niyang ililipat na rin siya nito ng hospital. Nadinig niyang may kausap itong dalawang lalaki kanina. Sa Frankfurt daw siya mabuting dadalhin. Hindi niya alam kung saan yon pero dinig niyang mental institution yon.

Hindi siya baliw. Gusto lang nito malamang takasan ang responsibilidad nito sa kanya.

Sinubukan niyang makawala sa pagkakatali pero mahigpit na nakakapit ang manipis na panali sa mga kamay niya.

"Don't stress yourself."

"S-sino ka?" Napatitig siya sa lalaking nandoon.

Hindi doktor ang isang ito dito sa hospital. Hindi rin ito nurse. Nakasuot ito ng itim na suit at nakashades. Blond pa ang buhok.

"Ilang taon ka na? Thirteen? Fourteen? It's been months since that da--"

"Lumayas ka dito!" Sigaw niya.

Ngumiti ito sa kanya. "You're feisty. Tama ang sinabi ng anak ko."

"A-anak?"

"Forgive him. Hindi niya alam na gagawin ng mga taong yon sa inyo. May gusto lang siyang takasan at iyon ang pinakamabilis na paraang naisip niya." Tumayo ito sa tabi niya at lumapit. "Nadamay kayo sa pagkadesperado niya."

"An-no ba-bang sinasabi mo?" Natatakot siya. Baka gawin din nito ang ginawa sa ka kanya ng mga lalaking--

"It's ok. Wag kang matakot."

Parang nakakapag-utos ang boses na yon. Napakamalumanay. Unti-unting nawawala ang kaba niya. Unti-unti siyang kumakalma.

"Look at me," ngumiti ito at tinanggal ang suot na salamin. Pula ang mga matang iyon, nakatitig sa kanya.

"You remind me so much of my own daughter. Halos parehas kayo nang pinagdaanan. Kaibahan nga lang ay wala akong nagawa para sa kanya,"

Kinuha nito ang kamay niyang nakatali at marahang iyong hinaplos. Ngumiti ito.

Requiem: RedemptionWhere stories live. Discover now