23: Mess

7.8K 166 10
                                    

It's been three days. Or maybe four?

Ito nalang ang naiisip ni Raven habang nakatingin sa batong kisame ng kwarto. Ngayon lang siya nawala sa bilang ng oras sa tanang buhay niya. Ni hindi niya rin alam kung araw ba o gabi.

Hinang-hina na siya. Ramdam na ramdam na niya ang lamig na nanunuot sa paligid dahil naubos na ang kahoy sa fireplace. Wala nang apoy. Wala nang pagkukunan ang init ng kwarto.

Nakarinig na naman siya ng katok.

Makulit talaga, naiisip niya. Paulit ulit lang itong ginagawa ni Kiel.

Hindi siya lalabas hangga't ang lalaking iyon ang sasalubong sa kanya.

Sh*t. Sana pala talaga namatay nalang siya noon. Sana nga, para di na siya nahihirapan pa.

Di niya alam kung bakit siya nakakaramdam ng ganito. Hindi ba dapat galit siya kay Kiel dahil pinatay nito ang Daddy niya? Hindi dahil nahuli niya itong nakikipaglampungan sa iba?

Umikot siya sa higaan at tinalikuran ang pinto. Dinig parin niya pagkatok doon. Pero kakaiba. Tahimik. Di na sumisisigaw pagbuksan ng pinto.

Siguro, namaos na.

O tuluyan ng naagnas ang dila at bibig dahil sa paghalik sa babaeng yon.

Buti nga.

Nagulat nalang siya ang biglang nawasak ang pintuan. Napaupo siya sa kama sa sobrang pagkabigla. Nakita niyang nagkapirapiraso na ang mga bahagi ng kahoy na pinto sa sahig. Mukhang naitulak ito ng malakas.

"Pardon,"

Pamilyar ang boses na yon. Lalaki pero hindi si Kiel. Nasa labas pa ito at di pa pumapasok.

"Yes.. yes.. I'll pay for the damages, go on." May kausap ito. Medyo naiinis pa ang tono. "I know it's an eighteenth century oak door. I'm way older than that. Just please--"

Maya maya pa ay nakarinig siya ng mga mabibilis yapak na naglalakad papalayo. Kasabay noon ay ang pagpasok ng lalaki sa pinto ng kwarto niya.

"Princess!" bungad nito. Lumakad ito papalapit habang iniiwasan ang mga kahoy sa paanan nito.

"Fritz?" tanong niya.

Anong ginagagawa ng mate ni Vicky dito? Alam na ba nila?

"Oh you remembered my name. That's cute," ngisi nito sa kanya. Tinitigan siya nito at kumunot ang noo. "D*mn. You look like a mess. I'll send someone to fix you up,"

Nag-iwas nalang siya ng tingin. Kahit walang salamin, alam niya ang histura niya. Ilang araw na siyang di nakakainom ng dugo. Ilang araw na rin siyang di nakakapaglinis ng katawan. Malamang parang pugad na ang buhok niya. Gulo-gulo na sa sobrang tagal ng pagkakahiga.

Kumuha ng cellphone si Fritz sa bulsa at mukhang nag-text.

"Victoria's been worried."

"What are doing here?" tanong niya.

Kumpara noong una niyang nakita, maayos ang pananamit nito ngayon. Nakacoat ito nang makapal at may nakapulupot na makapal ding scarf sa leeg. Mukhang kakapasok lang sa loob ng gusali dahil sa may ilang piraso pa ito ng yelo sa blonde na buhok.

"How did know that--"

"You're still alive?" putol nito sa tanong niya. Ngumisi ito. Ibininalik sa bulsa ang cellphone. "He told us. He's been looking for you since that day we fished him out of the ocean."

Kiel.

Kung ganoon pala, magkakasabwat ang mga ito. Malamang alam din ng mga ito ang ginawa ni Kiel sa Daddy niya.

Requiem: RedemptionWhere stories live. Discover now