87: Parting Skies

6.3K 147 41
                                    

A/N: Joke lang po ang last chapter na Neverending. Wala pong kinalaman sa story yon. JOKE LANG YUN. APRIL FOOLS DAY EH.

Eto na po ang totoo. Sensya na. hahahaha

Peace.

"Please, mistress. Forgive us...please."

Umiwas lang ng tingin si Sofia. Wala na siyang pakialam sa mga pakiusap ng isa sa nakaluhod sa harap niya.

Dalawang lalaki. Nakatutok sa ulo ng mga ito ang mga baril ng mga tauhang nakatayo sa likuran.

Mga miyembro ng Coven nila. Mga Schwarze.

Traitors.

Nahuli ang mga itong papasuko na sa mga Soliel. Mabuti na lamang at naging maagap sila.

Bumuntong-hininga siya. Kakabalik niya lang sa Paradiso, may nadatnan agad siyang problema.

Tumingin nalang siya sa paligid. Marami pa silang aayusin dito.

Pinalinis na niya ang lugar, pinaubos na ang mga natitirang rogues na pakalat-kalat doon. Pag-aari naman talaga niya ang teritoryong ito. Plano nilang gawing itong bagong base kapag naayos na. Pero kailangan munang makuha ng trono bago mangyari yon.

"Tsk. Tsk. Look what we have here."

Nadinig niya ang paglapit ni Pollux. Mukhang kakarating lang din nito.

"Missed me, my Sofia?" Sabi ni Pollux. Naamoy pa niya ang amoy ng babaeng iyon sa katawan nito nang tuluyan nang lumapit sa kanya. Iniwas niya ang mukha nang akmang hahalik ito.

"Is your job done?" Tanong niya.

Ngumisi ito. "I made it worst, as you ordered. The hunters were grateful for your gift. Matagal na daw silang hindi nakakatikim ng tulad niya."

Napangiwi siya. Alam niya ang ibig sabihin nito, babae din siya.

But that bitch deserves it. Kulang pa ngang kabayaran ang lahat sa buhay ni Castor. Kulang pa ang paghihirap nito.

"Make sure makakarating ang lahat ng yon kay Pierre."

"Yes of course." Sagot ni Pollux. Lumingon ito sa dalawang bihag nila. Pareho nang umiiyak.

They were mated, sa pagkakaalam niya. It made her cringe in disgust. Kung ang Coven ng Valerius ay tanggap ang ganitong uri ng relasyon, siya hindi. Kaya nga siya gumawa ng paraan noon para mawala ang lalaking mate ni Giovanni dahil di niya matagalan ang dalawa.

"So we have two backslider now? Trying to get to the side of that dirt-bloodied King?" Usisa ni Pollux ng lumapit ito sa mga bihag. One was blonde and the other was a redhead.

"The true Furher is on their side," banggit ng nakababata sa dalawa, yung mapula ng buhok. "And the real Sang-Real princess. You have no right to--" isang malakas na suntok ang ginawa ni Pollux para mapatigil ito sa pagsasalita.

"You dare talk to us like that!" Hinila nito ang lalaki papatayo. Lalong lumakas ang iyak ng kasama nito.

"Please...I'll do everything.. anything..don't hurt Wald please."

Hindi na siya nakialam. Humalukipkip lang siya at naghintay kung anong gagawin ni Pollux sa mga ito.

Kung nandito si Castor ay malamang ay makaligtas pa ang dalawa at mapakiusapang magbalik loob sa kanila. He has this power of pursuading people kahit na di na gamitan pa ng psych. Magaling makipag-negotiate. Madaling makuha ang suporta ng kung sino man. Kaya nga nakuha nito ang simpatya ng karamihan sa mga Schawrze para kumampi sa kanila.

Requiem: RedemptionWhere stories live. Discover now