82: Unrest

5.6K 167 33
                                    

Nanginginig parin ang katawan ni Raffy habang kinakalakad siya ng kapatid papasok ng bahay.

Hindi siya makapaniwalang ginawa iyon ng Kuya niya kay Pierre. Hindi na niya nabilang kung ilang bala ang tumama dito. Ni hindi man lang ito nakalaban o nakailag.

"Kuya..."

Basa parin ng luha ang mga mata niya. Hindi siya nakapalag kanina ng bitbitin siya nito papalabas ng condo. Hindi na siya nakasigaw. Parang may biglang humarang sa lalamunan niya at naparalisa ang katawan.

Mabilis siyang ibinagsak nito sa kama. Napasubsob siya doon.

"S-si Pierre... A-anong ginawa mo sa kanya?"

Alalang-alala na siya. Paano kung tinuluyan ito ng kapatid niya? Ikamamatay niya kung mawawala si Pierre. Hindi niya kakayanin.

Ibinagsak ni Kiel ang pinto ng kwarto at humarap sa kanya. Lumapit ito at pinaupo siya habang hawak ang magkabilang balikat.

"Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan? ANONG GINAWA NIYA SAYO!?"

Ramdam na ramdam niya ang galit nito. Ang matalim na titig ng mga pulang mata nito sa kanya.

Kumalas siya sa kapit nito. "Wala siyang ginawa sakin Kuya. Bakit hindi mo nalang kasi kami hayaan? I'm old enough to make my own descisions and—"

Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi niya. Napasubsob siya uli sa kama. 

Hindi pa siya nasasaktan ng ganito ng kapatid. Noong bata pa sila, pinapalo siya nito para madisiplina pero pagkatapos nang nangyari noon, kahit kailan, di siya nito pa pinagbuhatan ng kamay. Dahan-dahan siyang umupo at pinunasan ang dugo sa bibig.

"D*mmit! Why him Raf?! Kilala mo kung sino siya! Sayo na rin nanggaling na alam mo na kung anong ginawa niya!"

Tumalikod ito. Sinuklay ang buhok at bumuga nang hangin. "Tanga ka ba talaga?! Siya ang nagdala ng hunters sa bahay natin noon. Ang mga demonyong yon na guma—"

"Tumigil ka na Kuya! Bakit ba sa kanya mo lang isinisisi ang lahat? Bakit di mo aminin diyan sa sarili mo na may kasalanan ka din," napasinghap siya.

Matagal na niyang gustong isumbat ang lahat dito. Pero madalas na nanaig ang pagiging magkapatid nila. "Na kaya nalaman ng mga hunters na yon ang bahay natin dahil sayo. Dahil hinahanap mo si Ate Raven."

Natigilan ito at humarap sa kanya, Nakakunot ang noo. Kanina mabilis paghinga nito, ngayon halos di na niya marinig.

"Raf..."

"Dinig na dinig ko yon, kausap mo si Diego at si Tatang sa hospital noon," sambit niya. Tuluyan nang nang umagos ang luha niya. Hindi na niya napigilan.

Ten years ago, sa hospital kung saan siya na-confine. Noong dumalaw ito sa kanya. Kasama ng kapatid niya noon sina Diego. Nagpanggap siyang tulog kaya nadidinig niya ang pag-uusap ng mga ito.

Yung plano nilang ilipat siya ng hospital. Yung pagtratraning ng kapatid niya sa pagiging hunter. At yung pag-amin nito na dahil sa pagtatanong-tanong nito tungkol sa babaeng nakilala sa eskinita noon, napag-initan ito ng mga hunters.

"Oo, iniwan niya tayo sa kanila. Pero wala siyang alam kung anong balak nilang gawin sa atin," sabi niya.

"Saka bumalik siya. At kung hindi dahil doon, patay ka na sana ngayon Kuya. Patay na tayong dalawa."

"Shut up, Raf! He fed you with his lies at naniwala ka naman." Sagot nito sa kanya.

"No Kuya, matagal ko nang alam ang lahat. Wag ka nang magkaila," Yumuko siya habang tuloy parin sa paghikbi.

Requiem: RedemptionWhere stories live. Discover now