33: Scandals, Intrigues and Deceit

7.6K 167 9
                                    

Nakaupo si Vicky sa swivel chair sa opisina habang pinaglalaruan ang ballpen na hawak.

Simula ng naubos ang buong Coven ng Valerius, hindi na tumigil pa si Vicky sa paghagilap sa mga taong may kinalaman sa nangyari.

Kasama sa mga namatay ang kapatid niya, si Conztanza. Kahit hindi sila naging close noon pa man, kadugo parin niya ito. Ilang daang taon narin ang nakalipas noong huli silang makipag-usap. Noong papaalis ito para sumama sa naging asawa. Noong araw na naging parte ito ng Valerius Coven at tuluyan nang tinalikuran ang pagiging Royal Blood nila.

Sana ay hindi nalang sumama ang kapatid niya. Alam naman niyang hindi ito magiging masaya doon.

Ininom ni Vicky ang baso ng tequila sa lamesa. Napangiwi siya sa lasa noon. Weird mang isipin na may-ari siya ng isa sa pinakasikat na bar pero bihira siyang uminom ng alak. Itinayo lang niya ang bar na yon para makalap ng mga information and news tungkol sa mga nangyayari sa teritoryo niya.

Bumukas na ang pinto ng opisina at inuluwa noon si Dominic. Bitbit nito papasok ang isang babaeng kanina pa niya hinihintay. Hawak-hawak ito sa leeg at parang basahan lang kung dalhin.

"Liz."

Napapuluhod ang babae sa carpeted na sahig. Takot na takot at nanginginig habang nakatayo si Dom sa likod nito.

Napangisi siya. Nagkamali ang assistant ng lolokohin at ipagkakanulo.

"Hi there." Tawag niya dito.

Umangat ang ulo ni Liz at tumingin sa kanya. Kitang kita niya dito ang takot. Halata nang may ginawa itong kalokohan.

Napailing nalang siya. Kasalanan rin naman niya dahil nagtiwala siya dito.

Pinayagan niya si Liz na ma-access ang lahat ng files niya. Pati na rin mga specimen ng mga dugong tinatago. She's grooming her to be her succesor pero ganito pala ang gagawin sa kanya.

"You're sneaking something out in the lab again?" Tanong niya.

Lumakad si Dom sa papalapit. Ipinatong nito ang isang box sa lamesa.

"Kanino mo pa ibibigay ito?" kalamado niyang tanong sa babae.

"Miss Victoria..I...I.." di ito makapagsalita sa takot.

Nagbugtong hininga siya. "Dom."

Lumapit si Dom at hinawakan si Liz sa leeg. Inilibot sa leeg nito ang malalaking braso at hinila ang babae papatayo. Napasigaw si Liz sa takot at sa sakit.

Binuksan ni Vicky ang karton at maingat na inangat ang stryo na nakatakip sa loob noon. Nandoon ang isang sealed metal container. Malamig pa. Kakalabas pa lang sa safe.

"Specimen sample?" tanong niya. "Alam mo ba kung kanino ang dugong ito?" 

Hinigpitan ni Dom ang kapit sa leeg ni Liza kaya napilitan itong sumagot.

"S-subject A-zero-two. H-Helena du Soliel."

Ancient blood.

Kahit matagal ng wala sa mundo si Helena, nagawa niyang ipreseve ang dugo nito. Pinakiusapan siya nito bago namatay. Magagamit daw niya ito balang araw. Alam ni Helena kung ano ang taglay na lakas ng dugong nanalaytay sa katawan.

Dito galing ang Cure na ginawa niya sa mga bampirang gustong mabuhay ng normal pansamantala. Mild lang ang concentration ng dugo sa drugs na iyon kaya sandali ang epekto. Hindi niya pwedeng dagdagan pa dahil masama ang ang nagiging side-effect noon sa gumagamit.

It could be fatal. It could be worst. She had seen first hand kung anong kayang gawin noon.

Sa totoo lang, iilang nilalang lang ang nakakasurvive sa pag-inom ng dugo ng isang Ancientblood. She could name a few, isa doon ang masasabi niyang loyal parin sa kanya, si Dom. The other one is Kiel, na nasa Sanctuaire ngayon.

Requiem: RedemptionWhere stories live. Discover now