91: Retribution

5.4K 176 42
                                    

"You ruined the plan, Pierre," singhal ni Fritz sa kanya nang makapasok sila na ng Paradiso.

Dinig niya ang mabibilis na yabag na papapunta sa direksyon nila. Tama ito, alerto na nga ang lahat ng bantay ng lugar na yon sa presenya nila.

Inayos ni Fritz ang headset nito sa tenga. "Kiel, were are in. Where are you?"

Wala siyang narinig na sumagot. Sa kabilang side ng Paradiso pumasok si Kiel kasama ng iba pa nitong tauhan. Mukhang abala na ang mga iyon sa pakikipaglaban.

Natanaw na niya ang mga paparating. Bampira. "Schwarze."

Kumilos na siya. Agad siyang sumugod at nagilitan ng leeg ang isa gamit ang pinahabang mga kuko. Ang isa naman ay biglang nalang napada sa lupa at may butas na sa batok.

Sniper?

Napaangat siya ng tingin at nakita niya ang isang lalaking nasa tagong bahagi ng balcony sa itaas nila.

"Good job, kid!" Sumenyas si Fritz dito.Bumalik ang atensyon nito sa hallway. Sa mga paparating pa. Hunters.

Kinumpas lang ni Fritz ang kamay at tumalsik ang mga ito bago sila magawang paputukan. Durog-durog na ang mga katawan na bumagsak sa bandang dulo ng hallway.

Napangiwi siya. Hindi talaga niya dapat minamaliit ang kakayahan ng bampirang ito, naiisip niya.

Sunod-sunod na sigaw ang narinig ni mya sa di kalayuan. Alam niyang si Alejandro na iyon at umaatake na sa kabilang hall. Nagwawala na naman ito.

"Was he really like that?" Tanong pa ni Fritz sa kanya habang nakakunot ang noo.

"May pinagmanahan," kumento ni Diego na sumulpot sa harapan nila. Bigla itong nagpaputok ng dalang baril. Ramdam pa niya ang paghaging noon sa bandang gilid tenga niya. May tinamaan itong hunter na papalapit sa likod.

"P*tsa! Sinabi nang wag ka muna magpakamatay eh!" Singhal nito sa kanya. Lumingon ito kay Fritz na may kinakabit nang bilog na bagay sa isa mga poste doon. "Ano na naman yan?"

"Bomb, idiot. We need to bring this place down." Sagot naman nito. Pinindot nito ang gitna noon at narinig na niya ang pag click.

So that's their plan? Naintindihan niya. Bukod sa hotel, wala ng teritoryo pa iba si Sofia. Alam niyang kumalas na sa mga ito ang mga Schwarze na nasa ibang bansa kaya wala na ang nga itong mapagtataguan pa.

"De timer? Wala bang binigay sayong instant niyan?" Usisa ni Diego.

"Oh, you mean these?" May binato si Fritz sa direksyon ng mga papalapit na kalaban. Umilaw iyon ng napakalakas.

"Now. HIDE!" Sigaw nito.

Mabilis silang nakapagtago bago ang biglaang pagsabog ng init. Ramdam pa niya ng hapdi noon sa balat.

UV bomb.

Nakita pa niyang pagkasunog ng mga ilang hunters na napalapit doon.

D*mn. Alam niyang ginagamit yon ng mga hunters kapag naghu-hunt ng rogues ng maramihan. Pero tao ang mga yon. Paanong--

Fullmoon? Those hunters are using Fullmoon?

"P*ta, nakadrugs! Madami pa sila!" Nadidinig niya nga. Papatakbo papalapit sa direksyon nila.

"Ballroom," sambit niya. "The supporting pillars for the roof is there." Mas makakabuti kung doon nito itatanim ang bombang yon.

"Then let's go, I'll take care of those hunters," sabi ni Fritz pagtayo. Pero agad naman itong natigilan at napahawak sa headset na suot. "D*mn. Kiel's not answering me."

Requiem: RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon