7: Hunter's Mark

9.7K 219 13
                                    

A/N SPG?

"Where am I?"

Hilong-hilo pa si Raven na bumangon sa kama. Di niya alam kung saan siya dinala ni Kiel. Basta nararamdaman nalang niya ang posas na nakakakabit sa kamay niya. 

Silver. Sh*t. Nahihirapan siyang gumalaw dahil doon.

Nakakarinig siya ng lagaslas ng tubig kung saan. May nagsho-shower lang sa malapit.

Doon niya napansin naka-panty nalang siya. Wala na rin yung binder na ginamit niya para maipit ang dibdib. Nanunuot ang lamig ng kwarto sa katawan. Pinilit nalang niyang umupo kahit nanginginig.

Kulang na nga siya ng dugo, kinagat pa siya ng lalaking yun. Hanggang ngayon mahapdi parin ang leeg niya.

Mukhang nasa mamahaling hotel siya ngayon. Mabango ang paligid, malawak, malinis.

Parang hindi na siya sanay. Ilang buwan din siyang pagala-gala at kung saan-saan lang natutulog. She had to manage her resources, hindi naman ganoon kalaki ang nakukuha niya sa mga manyak na lalaki tulad noong iniwan niya sa motel. Isa pa, para di siya matunton at malamang buhay pa siya.

Kaso minamamalas yata.

"K-Kiel." Tawag niya dito. "Shit ka! Pakawalan mo ako dito!"

Nanlalabo pa ang mga mata niya. May naaninag siyang papalapit. Babae. Nadidinig niya ang tunog ng takong nito.

"Well, well. So he finally caught you."

May Russian accent ito. Pumikit-pikit siya para maadjust ang mga mata. Napatingin siya dito.

Maganda. Matangkad. Napakatangkad.

Kulay brown ang buhok nitong straight na straight. Parang super model pa ang tindig habang nakatitig ang lila nitong mata sa kanya.

Pamilyar. Nakita na niya ito kung saan.

"Who are you?" tanong niya.

Di ito sumagot. Lumapit ito at hinawakan  ang leeg niya. Kitang-kita niya ang pagngiwi nito paglayo.

"Yulia," boses ni Kiel. "What are you doing?"

Napalingon siya sa pinanggalingan noon. Nakasandal ito sa isang pinto ng kwarto. Mukhang kaliligo lang at walang pang itaas. Napantalon lang ito na medyo na basa pa dahil sa tubig na nanggagaling sa katawan.

D*mmit. May kung anong kumalabog sa loob niya. Umiwas nalang siya ng tingin.

"You marked her!" singhal ng babae dito. "You're not supposed to do that!"

Marked?

Bigla siyang napahawak sa leeg. Oh sh*t, yung kagabi. Yung kinagat siya. Panong nangyari to? Hindi trueblood si Kiel. Paano siya namarkahan?

"She marked me, why should I not marked her back?" Ngumisi ito.

Napaatras siya sa kama at mabilis na kinuha ang sheets at itinakip sa katawan.Nahagip pa niya ng tingin ang pag-irap nf babae kanya.

Kung di lang dahil sa posas, kanina pa niya nadukot ang mata ng babaeng to. Sino to para tingan siya ng ganoon? Para magtanong ng ganoon?

Lumapit si Kiel sa babae at hinawakan ito sa bewang habang iginagabay sa pinto. "Get back to your room, Yulia. We have a flight tomorrow."

Ngumisi lang ang babae at pumulupot ang braso nito sa leeg ni Kiel.

"See you later then." At marahan itong humalik sa labi ni to. May binulong pa itong kung ano na hindi niya maintindihan. Tumingin pa ito sa kanya bago tuluyuang lumabas.

Requiem: RedemptionWhere stories live. Discover now