27: The High Council

8.6K 158 20
                                    

I hate this.

Tahimik na nakaupo si Raven sa harap ng bilog na lamesa. Iginagala nalang niya ang paningin sa bato-batong dingding na napapalibutan ng mga tapestries na may simbolo ng iba't ibang Coven. Ang mga kagamitan, ang mga furnitures, ang bakal na chandelier na nasa taas nang kisame na naiilawan ng daandaang kandila, mukhang galing sa sa isang set ng fantasy movie. Kulang nalang ay may bubugang dragon sa kanila.

Parang din siyang nasa corporate meeting ng isang multi-national company dahil halo-halong lahi ang nandito. Pormal ang histura ng bawat isa. Amoy Armani and Chanel ang paligid.

Nakakainis.

Yung representative ng Aisin, Kali-Ma, at dalawa pang galing sa mga Asian Covens na mga miyembro ng High Coucil nag-uusap-usap. Wala siyang mainitindihan sa sinasabi ng mga ito. Yung sa kanan naman niya, Szarkas ng Hungary at Faoláins ng Gaels, del Muertes ng Spain, at dalawa pang di niya kilala ang pangalan.

Kulang pa sila, kung isasama si Fritz, sampu miyembro lang ang nandidito.

At kung dati ay takot siyang humarap sa mga ito, na naging dahilan ng pagtatago niya ang ilang dekada, ngayon hindi na niya iyon iniisip pa. May hawak na siyang kapangyarihan. Nandito rin si Fritz sa tabi niya.

Wala na rin namang mawawala pa sa kanya.

"What is happening here, Fritz?" Bulong niya. Sana nandito rin si Vicky para may makakausap siya pero nabanggit na sa kanya na may inaasikaso itong importante, kasama na ang paghahanap ng kapatid niya.

Buhay pa si Pierre. Naniniwala siya doon. Alam niya kung gaano ito kalakas. Hindi iyon mapapabagsak ng kahit na sinong  hunter na sinasabing huling kasama nito.

Knowing Pierre, he's probably enjoying himself now. Lalo pa at napag-alaman nila na babae ang hunter na yon.

"My Queen." Tawag sa kanya ni Fritz. Natigil siya pag-iisip.

"Yes?"

Queen.

Halos ilang araw na noong tinanggap niya ang posisyong iyon. Wala parin siyang idea sa nangyayari.

Tatlong araw lang ang inilaan sa kanya para maghanda. Tinulungan siya ni Fritz na pag-aralan ang tungkulin ng posisyon niya ngayon. Malas nga lang at ni isa, walang pumapasok sa utak niya.

Naiintindihan na niya ang Daddy niya kung bakit ito tumatakas sa mga tungkulin.

It was too tasking. Ang daming dapat pag-aralang mga batas, mga hatian ng teritoryo, history at kung ano-ano pang sh*t. Akala niya simple lang ang maging Hari.

"We're waiting for Luciano, he'll be here in a moment." Dugtong ni Fritz.

Ito yung Head ng del Cuervo ng Brazillian Coven, naalala pa niya. Kakilala niya iyon. Siya yung Papa ni Mariana na naging kaibigan niya sa Brazil. Nagawa ng isang yon na ipapatay ang mate ng sariling anak dahil hindi ito trueblood na gaya nila.

Si Daddy kaya? Ano kayang naiisip noon noong nalaman na mate niya si Kiel?

Napabuntong-hininga nalang siya. Hindi niya dapat iniisip ngayon ang lalaking yon. Kailangan niyang magconcentrate sa gaganaping meeting. Kailangang malaman niya kung sino ang may kagagawan ng sa pagkaubos ng buong Valerius Coven at kung anong dahilan.

Isang malaking threat sa kanila yon. Kakaunti nalang ang bilang ng mga truebloods, mababawasan pa.

Isa pa, gusto niyang bigyan ng hustiya ang pagkawala ng kaibigan niya. Noong una ay ayaw niyang maniwala. Pero sa High Council na rin galing na ubos na ang Coven ng Valerius, maski ang ibang branch nito sa Europe ay natagpuan ng mga patay.

Requiem: RedemptionTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang