5. Captured

10K 210 20
                                    

Napapikit nalang siya habang ninanamnam ang malamig na tubig sa shower.

Pakingsh*t, muntikan na. 

Muntik na siyang makalimot sa sarili. Dapat talaga hindi siya tumatanggap ng alak sa mga taong di niya kakilala. Pumikit nalang siya habang pinapaalalahanan ang sarili.

Well, hindi naman talaga tao yung lalaking yon. Hindi nga niya akalaing nasa bar ang Hari ngayon ng mga bampira.

Pierre du Soliel III

Yung kapatid ni Ate Raven. Yung pinapahanap sa kanya ng kuya niya bago ito nawala. Siguro naman may alam ito kung nasaan ang kapatid niya ngayon.

Magkakalahating taon na, hindi parin nagpapakita ang Kuya Kiel niya. Maski ang mga kasamahan walang balita. Kahit anong hanap niya wala talaga. Kung may bagong project naman yun, sa kanya unang pinapaalam. Pero wala talaga.

Alam niya ang nangyari, nakarating na sa kanya ang balita. Pwedeng nagluluksa lang ang Kuya niya kung saan dahil sa pagkamatay ni Ate Raven doon sa pagsabog ng barko. Pero sana sinasabi naman kasi, nag-aalala na siya.

Huwag naman sana yung naiisip niyang-- ah hindi.

Buhay pa ang kapatid niya.

Pinatay na niya ang shower at kinuha na ang tuwalya. Pinatuyo ang katawan at buhok.

Ngayon, ano nang ang gagawin niya? Kung tu-torture-rin na ba niya ang bihag para makakuha ng impormasyon. Nakahanda na rin naman ang mga gamit niya dyan sa isang tabi. Wala namang makakarinig. Sound proof yung kwarto niya.

Napangiwi nalang siya na maalala na di pala siya nakapagdala ng damit. Underwear lang. Kailangan pa niyang kunin sa cabinet sa labas.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng banyo at sumilip. Nakita niya ang bihag na nakaupo at nakatungo sa bakal na upuan. Walang pang-itaas at tulog na tulog pa. Masyado yatang malakas yung dosage ng pampatulog na tinusok niya kanina.

Sabagay, kahit na magising ito, silver naman yung posas na ginamit niya. Hindi basta basta matatanggal yon. May silver collar din kaya alam niyang hindi talaga ito makakalaban.

Tahimik siyang naglakad sa closet at kumuha ng damit. Hindi na siya nagtapis, wala namang makakakita.

Kakalipat lang niya kaya yung ibang gamit, nasa karton pa at hindi pa naayos. Tumingkayad siya at inabot ang isang tshirt at pants na nakasabit doon.

Nagulat nalang siya ng may isang pares ng mga kamay na humapit sa bewang at hinila siya papahiga sa kama.

"You!" singal ng lalaki. Mahigpit ang hawak nito sa mga kamay at madiing nakapatong sa kanya. Nakatitig na nang matalim ang pulang mga mata nito.

Pakingsh*t! Pano nakakawala to?!

"Aw. Wait, wag masakit," impit na daing niya. Di na niya kailangang umarte. Masakit talaga. Sa liit ba naman niya at sa laki ng katawan nito.

"B-bitiwan mo ako. P-please." Maluha-luha na niyang sambit dito.

Napa-awang ang bibig ng lalaki. Mukang nalito. Naramdaman niya ang pagluwag nang hawak nito sa mga kamay.

Uto-uto.

Mabilis siyang kumilos. Tinulak niya ito ng malakas at ito naman ang napahiga sa kama, siya naman ang nakapatong. Mabilis niyang nakuha ang baril na itinatago sa ilalim ng unan at itinutok dito.

"Hunter?" tanong nito sa kanya. Nakita siguro nito ang tattoo sa kamay niya. Yung Omega symbol. Hindi nito napansin kagabi dahil nakagloves siya.

"Yes I am. Your Highness." Sabi niya dito. Itinutok pa niya ang dulo ng baril nito sa dibdib. Pero imbis na matakot nakita pa niya ang pagngisi nito.

"I don't mind."

Wala ba itong ideya kung pwedeng mangyari? Adik ba--Ay pakingshet na yan!

Bakit ako nakakaramdam ng matigas na bagay sa pagitan ng mga hita nang mamang to?

Doon niya na-realize na naka bra at panty lang siya. Nakapush-up bra pa pala kaya na enhance ang cleavage niya.

Walangya. Kaya pala ang manyak ng titig mo.

"I can't believe you're getting turned on by this," sabi niya. Itinaas ang tutok ng baril sa leeg nito. Doon sa silver collar.

Ay Paksh*t. Bakit lalo lang tumigas? Lalo siyang napangiwi.

"Manyak ka talaga no?"

"Excuse me, Elle. You're on top of me," ngisi nito. Hindi ito gumalaw sa kinahihigaan, nakatitig lang sa kabuoan niya.

Naniniwala parin ito na Elle ang pangalan niya?

"And I'm getting a perfect view of everything,"

Naramdaman niya ang paghawak nito sa bewang niya at pagdiin pa nito ng matigas na bagay na yon. "So you want to--"

"Hör auf damit!"

Bigla itong napahawak sa leeg. Napangiwi. Kitang-kita niya ang reaksyon nito sa sakit na galing doon sa suot na collar. Agad siyang umalis sa ibabaw at hinayaan nalang itong magpagulong-gulong sa sakit sa kama. Umalingawngaw na sa kwarto niya ang malakas na sigaw nito. Hanggang tuluyan na itong mahulog sa sahig.

Five seconds of pain. Napangisi siya.

Pero kakaiba din dahil nakayanan nito yon. Sa ibang bampira, nawawalan na nang malay o kaya natutuluyan na.

Habol-hininga ang lalaki na bumangon mula sa pagkakadapa sa lapag. Napasandal sa isang poste ng kama niya. Napansin na niya ang mga itim na linya na parang ugat sa leeg nito na kumakalat na. Tagaktak ang pawis habang hawak-hawak at pilit na tinatangal ang silver collar.

"I won't do that if I where you. Mas lalong kakalat yang silver sa katawan mo galing dyan," sabi niya dito.

"That's no ordinary collar. Voice activated yan. Ginagamit sa Asylum para sa mga nakakulong na bampira don," paliwanag niya. "Mamatay ka kapag tinanggal mo ng sapilitan. Kailangan mo ng password ko." Dugtong pa niya

Mukhang sumuko nga ito. Pumikit ito at napatingala. Sumandal ng hinang-hina sa kama niya.

"Y-you little bitch."

Little? Pakshet sinong little?

A ganon!

"G*go ka ha!"

Di na niya napigilan ang sariling suntukin ito ng hawak na baril. Bumagsak ito ng malakas sa sahig. Pumutok ang labi sa ginawa niya. Nagkalat pa ang dugo nito sa lapag.

"D-d*mn. What do you want?" Sabi nito sa kanya habang pinapahid ang dugo sa bibig. Hindi iyon basta basta gagaling. Epekto parin nung collar.

"The name is Rafaela," sagot niya sa tanong. "I'm looking for my brother,"

Sinipa niya ito ng malakas at napatihaya ang lalaki. Dinig na dinig niya ang pagdaing nito. Ipinatong niya ng madiin ang paa niya sa dibdib. Kitang-kita niya ang pagngiwi nito sa ginawa niya.

Napangisi nalang siya. "And I'm no little bitch, your highness,"

Pinaputukan niya ito sa balikat. Isa pa sa tagiliran. Namilipit ito sa sakit at napasigaw.

"I am THE BITCH."

Requiem: RedemptionМесто, где живут истории. Откройте их для себя