Chapter 19

3 1 0
                                    

Chapter 19

Pagkabasa ko sa message ni Draven para sa akin an hour ago ay kaagad ko ring pinatay ang aking cellphone. Kakatapos ko lang magsagot sa quiz na may limited time lamang para sagutan. Kapag hindi ko ito natapos ay hindi ako magagraduhan, pero syempre dapat ko munang review-hin para makasiguro.

Patuloy sa pag-vibrate ang cellphone ko kaya naman na-di-distract ako.

From: Whatever

Giana baby? Sama ka?

"Huy, ibaba mo 'yan, confiscate 'yan kapag nahuli ka ni Sir," saway sa akin ni Celene na sinunod ko naman.

Pinatay ko ulit ang cellphone at pinilit i-divert ang utak sa quiz. Nung sa wakas ay wala na akong makita pang mali roon ay pinasa ko na ito sa kaklase naming nangongolekta na nagbibilang na rin ng minuto. Napainat ako nung makaramdam ng fulfillment.

Finally, it's over!

"Parang ayoko pang umuwi," binubulong ni Celene dahilan para mapalingon ako sa kanya. "Tambay tayo sa bahay mo, Gi," dagdag pa nitong pag-aaya.

Bakit biglaan naman kung mag-aya 'to? 

Kakabalik lang ni Yna sa amin na nagpasa na rin ng quiz paper niya. Tiningala ko siya na nakatayo sa gilid ko at sinabing nag-aaya si Celene na tumambay raw sa bahay ko.

"Pwede naman. Malapit naman na ang exams, para makapag-relax din tayo nang kaunti," she says. Akala ko pa naman tatanggi ito.

"Himala, Yna, ha!" Celene exclaims.

Hindi ko naman masabayan ang excitement nila dahil iniisip ko si Draven na mukhang nag-aaya na naman na sumama ako sa tambayan nila. Pero palagi ko na rin naman siyang kasama these past few weeks kaya wala naman sigurong masama kung uunahin ko muna ang mga kaibigan ko talaga.

Nitong nakaraan ay palagi kaming naglalagi sa bahay nina Kyle. Kung hindi kami nanonood ng movie roon ay tinuturuan naman nila akong magbilyar. Masaya naman silang kasama pero hindi mawala sa akin ang awkwardness kahit nakapalagayan ko naman na ng loob lalo na sina Kyle at Kris. Nakilala ko na nga rin ang girlfriend ni Kris n dinala niya rin sa ER kaya kahit for once hindi na lang din ako ang natatanging babae.

Iyun nga talaga, medyo off naman kung palagi na lang ako nandoon at sumasama. Syempre, sila-sila pa rin naman ang magkakaibigan. Salimpusa lang ako. Ewan ko nga ba sa boss ko at bakit gustong-gusto na pinaparada ako.

Reply:

Draven, baka hindi ako makasama ngayon. Si Celene nag-aaya sa bahay namin.

From: Whatever

Sabi mo ngayon mo babayaran yung regalo

Reply:

Gusto mo kita tayo sa library tapos aabot ko sayo yung pera

From: Whatever

Hindi ba sabi ko sayo hindi pera ang bayad doon?

"Sino 'yang ka-text mo?" tanong ni Celene na talagang sumilip pa sa cellphone ko. Mabuti na lang at mabilis kong naitago ang screen.

Kumabog pa tuloy ang dibdib ko.

"Si Mama! Sabi ko pupunta kayo." 

Tumataas ang isang kilay ni Celene na halatang naintriga. Napapansin ko na na medyo lumalala ang pagiging chismosa at matanong niya lalo na sa akin. She would always ask me where I am or sino ba ang ka-text ko kapag nahuhuli niya akong nagtitipa ng reply para kay Draven.

Eleven Steps to YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt