Chapter 33

47 4 2
                                    

Chapter 33

"No, Kuya Pogi... you promised me, ha?"

"Oo naman. Tutuparin ko 'yon, hintayin mo lang..."

Nakaismid ako habang tinitignan sina Draven at Giselle na pinagigitnaan ako rito sa loob ng jeep at nag-uusap. Masama ang loob ko dahil pinagtulungan nila akong dalawa para masunod ang kanilang gusto. I don't know kung ano ba'ng pinangako ni Whatever sa kapatid kong impaktita at bakit gustong-gusto nila pumunta raw sa park ngayon!

Hindi ako maka-relate sa usapan nila dahil paiba-iba iyon. Para rin tuloy akong may kasamang isa pang batang lalaki na mas matangkad pa sa akin.

Nung hindi na nito natiis ay nakipagpalit na si Giselle sa akin ng upuan para malaya silang makapag-usap ng 'Kuya Pogi' niya. Pinagbigyan ko na lang para wala nang away. Ni hindi man lang nga ako tapunan ng tingin ni Whatever!

Pagkababa namin ng jeep ay hatak-hatak ko na naman ang nalintikan na bag ni Giselle na parang may lamang katawan sa loob dahil sa sobrang bigat! Kung maaari ko lang itong iwanan sa gilid ng kalsada, gagawin ko na!

"Masama ang loob ni Ate, Ellie, tulungan na natin," natatawang wika ni Draven nung sa wakas ay mapansin na nitong masama ang timpla ko.

Iniirapan ko siya nung hilahin na nito ang trolley mula sa akin. Ayaw ko pa sanang ibigay 'yon dahil sa pride pero bumigay rin naman ako.

"Gusto ko ng ice cream! Ice cream!" nagtatatalong ani Giselle na hinihigit ko pa upang pumirmi.

"Okay, basta behave ka lang," pang-uuto ni Draven habang papatawid na kami papunta sa isang park malapit sa munisipyo.

Padabog kong inuupuan ang bag ni Giselle habang pinapanood sila ni Draven na magsimulang tumakbo dito sa park. Medyo malawak naman itong lugar at maraming mga tindahan ng pagkain. Sariwa rin ang hangin at madaming puno na pwedeng pagtambayan. Nakikita ko rin iyong ibang tao na nagpi-picnic sa tabi-tabi.

Ganito lang din pala ang gusto nila, sana sa jardín na lang kami.

Naramdaman ko nang sumasakit ang pang-upo ko dahil sa hindi komportableng pwesto sa ibabaw ng bag ni Giselle kaya naman nilalatag ko sa damuhan ang baon kong jacket para rito maupo. Hindi ko winawalay ang tingin sa dalawang bata na bantay ko. 

I chuckle as I watch them play. Binibilhan ni Draven si Giselle ng mga laruan na tinitinda rito sa park at iyon ang pinagkaka-interesan nilang dalawa. Buti't maluwag ang suot ni Draven at naka-P.E uniform kami dahil kung naka-slacks lang siya ay siguradong mawawarak 'yon sa dami ng parkour na ginagawa nila.

Pinahaba ko ang nguso ko nung balikan na nila ako matapos itrato na parang yaya nila. 

Draven pinches my cheek. "Bakit ba ang haba ng nguso mo?" Iniiwas ko ang mukha ko para hindi na niya ako mahawakan. "Laro tayo, oh."

Inaabot niya sa akin 'yung laruan nila ni Giselle na parang rocket na pinapalipad sa ere. Tinanggihan ko naman iyon at hindi nagsasalita habang tinatabihan niya ako sa pag-upo. 

"Nagugutom ka ba?" Kinakalabit ako nito ulit sa bandang balikat na may kaunting diin. I give him a sharp look. Natawa naman siya.

"Ate...pawis," ani Giselle na pawis na pawis na ang buong mukha. Kinukuha ko mula sa kanyang bag ang extra face towel niyang dala at iyon ang pinamunas sa kanya.

"Kain tayo? Bibili akong pagkain..." binubulong nito sa akin habang tinatapik ang hita ko. Batid kong nagtataka na ito ngayon sa asta ko. "Galit ata si ate mo?"

"Wala lang po 'yan... nag-iinarte lang," Giselle says without remorse.

Sinundan iyon ng tawanan nilang dalawa. I roll my eyes and gently pushes my sister away.

Eleven Steps to YouWhere stories live. Discover now