Chapter 38

45 2 0
                                    

Chapter 38

"Giana!" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Draven sa kanyang kwarto. Wala na akong oras para maitago pa ang ginagawa kaya hinarap ko siya nang medyo natatakot.

Agad siyang lumalapit at mabilis na nakuha ang papel na hawak ko. Nagulat ako sa bilis ng pangyayari at dahil na rin sa kilos at reaksyon niya na mukhang kinakabahan! 

"Binasa mo ito?"

"S-Sorry, Dra... I-I shouldn't have meddled with your things. H-Hindi ko pa naman nababasa 'yan!" utal-utal kong sagot nang may kumakabog na dibdib dahil sa takot na magalit siya.

Mariin kong kinakagat ang aking labi habang binabalik na lahat ng papel na nilabas ko sa drawer niya.

"I'm sorry, Dra. Inaayos ko kasi and nakita ko 'yan. Sorry talaga... sorry..." natataranta kong sambit habang pinapasok na lahat ng kalat niya pabalik sa loob ng drawer.

He touches my hand na medyo nanginginig. Lumalambot na ang kanyang reaksyon at mukhang nag-aalala sa akin.

"Baby, I'm sorry, too. It's fine, I was just shocked. I'm sorry... don't be scared. Nanginginig ka..." ani nito.

Natawa naman ako kahit kabado. "Nangialam talaga ako, Dra. Sorry. Huwag ka mag-alala kasi hindi ko naman nabasa masyado 'yan papel na 'yan..." pangungumbinsi ko sa kanya.

Binabalik niya na rin sa drawer iyong papel na 'yun habang tumatabi sa akin sa gilid ng kama. "Wala lang 'yan, basura lang. Natakot lang kasi ako na baka makita mo 'yung picture ng isa ko pang girlfriend diyan sa drawer," anito nang nakangisi kaya nahampas ko siya. 

Nabunutan naman ako ng tinik na hindi siya talagang nagalit dahil sa pangingialam ko pero ayaw ko nang i-risk pa ulit at baka ibalibag niya na 'ko, kaya naman sa muli niyang pag-iwan sa akin sa loob ng kwarto ay nag-behave na ako. 

Ilang beses akong humihikab habang nakahiga sa kanyang kama at kinakanta ang mga tumutugtog sa kanyang desktop habang hinihintay na tumila ang ulan. Hindi ko na namalayan ang pagdalaw ng antok sa sistema ko. Nagising na lang ako bigla mula sa mahimbing na pagtulog at mabilis na napabangon mula sa pagkakahiga upang hagilapin ang aking cellphone.

2 missed calls from Mama

Nalaglag ang panga ko at agad na nakaramdam ng sobrang takot lalo pa nung makita ko ang oras! It's already morning! Alas sais na!

Giana! Bakit hindi ka nagising?!

Problemado kong binabalingan ang kamang kinahihigaan kanina. Masyado yata akong naging komportable! 

I dial my mother's number habang dahan-dahang naglalakad palabas sana ng kwarto ni Draven ngunit napahinto ako nung makita ko ang Whatever ko na nakahiga sa may carpet, may yakap na isang unan at malalim ang tulog.

"Nak?" Mama answers the call with her hoarse voice.

"Ma..." I trail off. Malakas ang kabog ng aking puso. "Ma, sorry, hindi ko na nasagot ang tawag mo kagabi. Pauwi na po ako. Sorry po, Mama. Pauwi na po ako, promise. Sorry po..." sunod-sunod kong paghingi ng tawad.

Para akong mahihimatay dahil sa takot na baka sobrang pag-aalala nila na 'di ako nakauwi kagabi!

Mama coughs as I hear crackling sounds on her line. "Ayos lang, Ate. Nakatulog ka raw kasi sabi ni Celene kaya hinayaan ka na naming magpahinga."

Taliwas sa inaasahan ko ang naging reaksyon ng aking ina. Agad na nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Did I hear her right?

"O-Oo nga po.... s-si Celene nga po kasama ko..." I say, still puzzled from what's happening.

Eleven Steps to YouWhere stories live. Discover now