Chapter 28

55 4 2
                                    

Chapter 28

"Taragis," matigas kong anang nang magising kinabukasan at maalala ang laman ng panaginip.

A kiss in my dreams that felt so real. Malinaw lahat ng detalye ng panaginip ko, kaya nga nung magising ako ay para akong nangulila sa kung saan. Para kasing totoong nangyari. Parang parte ng buhay ko.

I feel my cheeks burning as I fix my bed. Nang malingunan ko nga ang salamin ko ay para na nga akong kamatis sa pamumula.

I tap my cheeks. Hindi dapat ako ma-distract nito. Hindi naman totoo 'yun, e! Isa pa, kasalanan ni Draven kung bakit ako nananaginip tungkol sa kanya! Kung sana e nag-text man lang siya ng simpleng 'hi' or 'hello' para hindi ako nagtataka kung saan siya napadpad!

Kumakabog nang malakas ang aking dibdib nung marinig ang pamilyar na ringtone ko. May tumatawag. Nakita kong gumalaw si Archie mula sa lapag, mukhang nagulat sa tunog no'n.

Hinahagilap ng mga mata ko kung saan ko nga ba iyon nailagay--medyo natataranta pa. Ang naayos ko nang kobre-kama ay bigla kong pinaghahahatak para hanapin ang cellphone. I dive into my bed to reach it. Nasa dulo na ito ng kama! 

Whatever calling...

"Oh, bakit?!" marahas kong pagsalubong sa kabilang linya.

"Hello, good morning, Giana baby! Bakit ganiyan ang boses mo?" masigla nitong bati na may pagtataka sa dulo. "Stress agad, baby?"

"E, bakit nga?" pagpapatuloy ko sa nasimulang pagtataray. Nakataob ako sa kama ko.

Tumikhim siya. "Because today is Saturday! Baka nakakalimutan mong may work ka?"

"Alam ko! S-Sige na, mag-aayos na ako. Morning!" pautal-utal kong anang sabay end ng call.

Hindi pa humuhupa ang tibok ng puso ko.

Kaagad akong kumilos para mag-ayos papasok. Kahit ano'ng pilit ko na iwaglit sa isipan ang panaginip na 'yon ay hindi ko magawa. Kahit kasi saan ako bumaling, naiisip ko, eh!

Kaya tuloy tulala rin ako habang naglalakad papunta sa usual meeting place namin ni Whatever.

Paano ko siya haharapin ngayon nang walang malisya?! Sana pala hindi na ako nagpasundo!

Gusto ko na lang iumpog ang ulo ko para makalimot. Masyadong totoo ang panaginip kong iyon! Nagiging distraction tuloy sa reality!

Hindi naman mangyayari iyon kailanman kaya hindi ko na dapat isipin pa. It's just my mind playing tricks on me.

Humuhugot muna ako ng malalim na paghinga bago tuluyang lumapit kay Draven na naghihintay sa akin sa gilid ng kalsada. Patagilid siyang nakaupo sa motor niya, hawak ang isang helmet.

Images of what happened in my dreams flash in my mind.

Diyos ko.

Ngiwi ang naisukli ko sa matamis na ngiti ni Draven pagkakita sa akin.

"Woke up on the wrong side of the bed, huh?" he heeds.

Umiiling ako at agad na kinuha ang helmet para suotin ito. Pakiramdam ko namumula na naman ang mukha ko, e!

Napapanood ko kung paano nangungunot ang noo ni Draven nang hindi ako nagsalita. "Ayos ka lang?" 

Pagtango ang tangi kong naisagot. Ala namang sabihin ko pa ang rason kung bakit ako nagkakaganito?! That's awkward!

"Giana?" tawag pa sa 'kin ni Draven pero umangkas na lang ako sa motor at sa gilid ng upuan ko napiling kumapit.

Agad siyang sumunod at umangkas na rin sa motor niya. Humihigpit ang pagkakahawak ko sa mga gilid dahil ang pakiramdam ko bigla ay mahuhulog ako. 

Eleven Steps to YouWhere stories live. Discover now