Chapter 25

60 4 0
                                    

Chapter 25

From: Whatever

Hi, Giana baby...

Smile ka na ()

(˘˘)

Nakatingin lamang ako sa ceiling pagkatapos basahin ang text message ni Draven.

Tulala. Problemado.

Hindi ako kinakausap ni Celene kahapon sa sasakyan pauwi. I ask her what her problem is, but she didn't even throw me one glance. Alam ko naman kung ano'ng problema niya.

Wala akong alaala kung kinumpirma ko ba sa kanila na kami talaga ni Draven. Pinagtagpi-tagpi ko lang ang memorya ko at alam kong narinig nila kaming nagtatalo.

We were fighting because it seemed like I was jealous! Hindi ba't tipikal na pagtatalo ng mag-no-nobyo talaga iyon?!

Hindi ko rin naman alam kung ano'ng isasagot ko kung sakaling kinompronta ako ni Celene kahapon kaya hindi ko na siya kinulit pa. Hindi ko pwedeng sabihin na hindi kami totoong magkarelasyon ni Draven dahil sa NDA sa kontrata. It was me who wanted that in the first place, kaya dapat panindigan ko.

Ang problema ko lang ay kapag nalaman ni Mama dahil nadulas sila. Hindi naman sa hindi ako pwedeng magkaroon ng kasintahan, but Mama always told me that I should finish my studies first.

Not that this relationship is real anyway. Ang hirap lang kasi magpaliwanag kung sakaling magkabukingan. The deal, the job, and all that. Kaya nga gusto ko sana ay sa amin lang ito ni Draven. Pero eto na nga, pati mga kaibigan ko, alam na ang namamagitan sa amin. Kahit fake pa.

Tanga ka, Giana. Nagpakalasing ka!

Bumabangon ako mula sa pagkakahiga at dumiretsyo sa banyo para maghilamos. Pagkababa ko ay nagulat pa ako sa presensiya ng kuya ko at ni Papa na kapwa nanonood ng TV sa sala.

"Almusal na," ani Kuya nang hindi tumitingin sa akin.

Si Papa naman ay tumatawa sa pinapanood na palabas. Ngayon ko na lang ulit siya nakita at nakasama rito sa bahay. Ang rude naman pakinggan kung magtatanong ako, parang magtutunog ayaw kong nandito siya.

Dumidiretsyo na lang ako sa kusina para kumain na. Nakita kong may nakahanda na kaagad na ulam. Lumilinga ako sa paligid para hanapin si Mama. The door to our backyard is open so I think she might be outside.

Sumisilip ako at tumama nga. Abala siya sa pagdidilig sa mga halaman.

Agad akong lumapit at yumakap sa kanya kahit nakatalikod ito. Mahina siyang natatawa habang tinatapik ang kamay kong nakapulupot sa kanyang bewang.

"Malaki ka na pero gawain mo pa rin 'to," Mama says as she faces me. Hinihila niya pa ako lalo para humigpit ang yakap namin. "May problema ka ba, Ate?"

Pumipikit ako habang nakasandal sa dibdib niya. Ang galing talaga ng mga ina. Kahit hindi mo sabihin, nararamdaman nila kung ano'ng meron. Alam nila kung may kakaiba sa ating mga anak. Mula sa kilos hanggang hilatsa ng buhok, kilala nila tayo.

"Miss lang po kita," anang ko.

"Lagi naman akong nandito, ah?"

Napangisi ako habang umaalis mula sa pagkakayakap namin.

Hindi na nagtrabaho si Mama mula nung ipinanganak si Giselle dahil nga naging sakitin ito. Since then, siya na ang palagi naming kasama sa bahay at nag-aasikaso. Tinutukan niya talaga kaming tatlo habang si Papa ang kumikita ng pera para sa amin. Though she still helps in managing the businesses, mas kaming magkakapatid ang mina-manage niya.

Eleven Steps to YouWhere stories live. Discover now