Chapter 18

72 5 4
                                    

Chapter 18

"Ang sarap po ng spaghetti, Nay! The best ka talaga!" ani Anika sabay yakap sa lola ni Yna.

Agree naman ako roon bilang isang dalagang walang skill sa pagluluto na puro kain lang ang alam.

"Thank you, apo. Kumain pa kayo kung gusto niyo, ha? Pagbabalutan ko rin kayo para may maiuwi kayo."

Sabay-sabay kaming nagpasalamat at nagpatuloy sa pagkain. Nakapag-blow na ng candle si Yna pero hindi pa kami nagbibigayan ng regalo na ipinagpapasalamat ko.

"Pakantahin si Yna! Birthday girl!"

Hyper na hyper ang dalawa habang hawak nung isa ang mic at ang isa nama'y namimili ng kanta sa song book. Pangiti-ngiti lang kami ni Yna habang nakaupo na ulit sa sala at katatapos lang kumain.

"Eto, dali!"

"Ano 'yan?"

"Pindutin mo na lang 'yung sasabihin kong number, girl! Talaga naman!" asik ni Celene.

Inaabot ni Anika sa amin ang mikropono at muling lumapit sa karaoke machine.

"Ikaw daw ang kumanta, girl." Inilalahad ko sa kaibigang si Yna ang hawak.

Umiiling si Yna bago bumubulong ng, "Ayoko, paos ako. Ikaw na lang."

"Para ka namang nangyayamot sa sinasabi mo, girl. Alam mo naman na..." anang ko habang nakahawak na sa aking leeg.

Natatawa itong umiirap at umiiling-iling. Nakakahiyang ipangalandakan sa matatanda ang klase ng boses na mayroon ako!

"Ayan, Yna! Happy Birthday! I love you!" 

Tumatakbo na bumabalik sa amin si Anika matapos i-enter ang mga numero na sinabi ni Celene. Kumakandong sya sa akin kaya napayakap ako sa kanya, mas siniksik ko pa ang sarili sa katabing si Yna, at si Celene naman ay sumandal at yumapos sa kanya. Nagtilian kami nung lumabas na ang title ng kanta sa karaoke machine.

"May gusto ka bang sabihin?

Ba't di mapakali?

Ni hindi makatingin,

Sana'y wag mo na 'tong palipasin~"

Madami talagang talent si Yna. Magaling nang mag-drawing, marunong pang magluto, may mga alam ding itugtog na musical instruments, at syempre maganda ang boses. Lahat yata nasa kaibigan ko na. 

Maliban nga lang pala sa height dahil kinulang siya doon. Miski sa linaw ng mata ay pinagkaitan ito kaya magmula pagkabata ay kinakailangan niyang magsuot ng salamin. She has this innocent, tender, and calm face na parang hindi nababahiran ng galit. Well, we haven't seen her throw a fit. Palagi siyang kalmado.

"At subukang lutasin

Sa mga isinabi mo na...

Iba ang nararapat sa akin

Na tunay kong mamahalin~"

Itinataas namin ang aming mga kamay at sabay-sabay na kumanta sa paboritong tugtugin.

"Ohh~

Huwag na huwag mong sasabihin

Na hindi mo nadama itong

Pag-ibig kong handang ibigay kahit pa kalayaan mo~"

Patawa-tawa ako habang naglalakad papunta sa kusina para kumuha ng makakakain. Nakailang kanta pa kami nang makaramdam ako ng gutom. Nagsalin ako sa isang baso ng soft drinks, binigyan ko rin ang isa sa kambal na kapatid ni Yna na may kaliitan kaya hindi maabot ang ibabaw ng ref.

Eleven Steps to YouOù les histoires vivent. Découvrez maintenant