Chapter 24

56 4 8
                                    

Chapter 24

"Alam mo..." Inaalukan ko si Draven ng sliders na tinanggap naman niya matapos nitong punahin kung bakit ang tagal kong mamili ng pagkain. "Dapat kapag namimili ka ng pagkain, masusi para walang pagsisisi."

"Puno na kasi ang pinggan mo. Hindi ka nga lasing pero naimpatso ka naman," anito.

Napapanguso na lang ako nung mahina niya akong tinulak gamit ang balakang niya para umusod. Nakatitig pa ako sa mga pagkain at napagtantong puno na nga ang pinggan ko kaya titigilan ko na muna. I show him my tongue bilang pang-asar saka tuluyang tumalikod para bumalik na sa aming lamesa.

Nakasalubong ko pa nga si Dennis na nginingitian ako. Sa bandang likod nito ay papalapit na rin si Celene.

"Kain na..." yaya ko kay Dennis at medyo tinamaan ng hiya dahil sa daming laman ng aking plato.

He smiles. "Yeah, eat well."

Nagtanguan na lang kami bago naghiwalay. Si Celene naman ang makakasalubong ko ngayon na taas-baba ang kilay at nakangisi.

"Anong kalandian 'yon?" she teases. "Ikaw, ha. Tumatapang ka na."

Natawa na lang ako nung sinusundot nito ang tagiliran ko. Humahabol sa likod niya si Yna at sabay silang umalis para kumuha na ng pagkain. Tumuloy naman ako pabalik sa lamesa namin.

"Come on, Phoebe, let's eat!" yaya nung magpipinsan sa babaeng katapatan ko.

I pull my chair and sit.

"Kuha mo na lang ako ng salad or what. You know I don't eat carbs sa gabi. It's very heavy... nakakapangit."

Nag-aayos ako ng kubyertos nung umangat ang tingin ko sa Phoebe na nakatitig sa plato ko at may multo pa ng ngiti sa labi niya. Binabaliwala ko lang ang narinig kong sinabi nito hanggang sa umalis na ang mga pinsan niya.

Kumakain na ako nung narinig ko na naman ang boses niya.

"You're Anika's best friend, 'di ba?" she asks.

Dahil nga may pagkain pa sa bibig ko ay hindi ako makasagot. I nod my head in answer and use the table napkin for my lips.

"So... you're from this province din?" she trails off.

My forehead crumples up from her question. Tumatango ulit ako. Hindi naman kailangan ng isang sentence para sagutin ang mga tanong niya.

"That explains why," patuya nito sabay sumandal sa kinauupuan nang may ngisi at pag-irap palingon sa kanyang katabi.

Kinuha ko ang table knife para gamitin sa pizza. Gumagawa ng tunog iyon dahil sa pagkaskas sa pinggan.

Baliw yata 'tong pinsan ni Anika at kung ano-anong pinagsasasabi. Kung ako sa kanya, kakain ako para magkasustansya ang utak ko at hindi ako nangingialam sa buhay ng iba.

"Such a promdi, no class at all!" rinig ko pang bulong nito sa katabi niya.

Natapos ko na ang kinakain ko pero wala pa rin 'yung mga kaibigan ko. Gusto ko pa sanang kumuha kaso nakakahiya sa mga hindi pa kumakain. Naririndi na rin kasi talaga ako sa Phoebe na 'to na panay salita at tingin sa akin. Binabantayan niya raw kasi ang kain niya kaya puro damo ang nasa pinggan nito.

Gusto ko sanang sumagot nang pabalang at sabihing wala akong pakialam kahit diet pa ng sambayanang Pilipinas ang bantayan niya.

Patango-tango na lang tuloy ako kahit nakangiwi na rin sa kanya. Gusto ko na 'tong takasan kaya umaamba na akong tatayo kaso bigla namang may nagbababa ng pinggan sa tabi ko. Akala ko sina Celene na iyon ngunit nang tignan ko ay si Whatever pala.

Eleven Steps to YouWhere stories live. Discover now