Chapter 32

50 4 9
                                    

Chapter 32

"Giana baby?"

Sinenyasan ko siya na tumigil at manahimik.

Hinawakan ko ang magkabilaan niyang pisngi. "Ngumiti ka," utos ko.

"Ha?" Nangungunot ang noo nito.

"Bilis! Smile!" I tap his cheeks. Sumunod naman siya pera nakangiwi nga lang.

Kinabisado ko ang features niya bago ko siya tinalikuran para ilabas ang ninakaw kong litrato mula sa mga gamit ni Mama. I walk away from him para maiwasan na silipin nya ang hawak ko.

I compare his face to Juan Diego's. He's got his eyes, nose, and smile! Hawig na hawig sila at hindi maipagkakailang magkamag-anak sila... no, erase that. Draven is his son. I'm sure of it. I don't have to ask him for confirmation dahil alam ko na kaagad.

I am my mama's daughter, and he is his father's son. Our parents were past lovers. Malaking coincidence na nagtagpo rin ang buhay namin ni Draven matapos ng nangyari sa mga magulang namin. Para bang pinaglalaruan kami ng mundo! Hindi natatapos ang koneksyon nila dahil sa kasalukuyan ay magkasama kami ng isang Velasquez.

"Bakit ba?"

Natataranta kong ibinalik ang litrato sa bulsa ng damit ko bago hinarap si Draven na ususero. Kabado akong tumatawa. "Wala! Tara, upo tayo doon!" aya ko.

Ako pa ang nauunang lapitan ang bench sa tapat ng babaeng bato rito sa garden. Inaya ko si Draven na magpunta rito. Gusto pa nga niya na pumunta kami sa bahay nila dahil nga 'gagawa' raw kami ng assignments pero pinakiusapan ko siya na rito muna kami.

I look at the roses in front of the statue. Tahimik akong nauupo na kabaliktaran ni Draven na kinakausap ako pero hindi ko sinasagot. I'm too busy watching that stone.

Hindi lang basta kapangalan ni Mama ang garden at ang babaeng bato. It's her. This garden is for her, gifted by her ex boyfriend, a Velasquez.

Napagdugtong-dugtong ko lahat ng ito matapos kong hindi matulog kagabi. It bothered me so much that I started to overthink.

Sabi ni Draven sa akin ay kanilang lupa itong kinatatayuan ng hardin. Nasa kwento niya rin na regalo itong lugar na ito para sa isang babae. Malamang, isang Velasquez ang magbibigay nito dahil hindi naman pwedeng magbigay ng lupa kung hindi mo iyon pagmamay-ari! The clues are right in front of me all along. Hindi ko lang alam kung paano ikokonekta, pero ngayon, ang dami naman palang koneksyon!

So, it's true. Totoo 'yung kwento. Jardin de Miranda is for a girl... and that's Miranda Andrada.

"Draven? Saan nagkakilala ang mga parents mo?" pagputol ko sa pagsasalita ni Draven ng mga kabalbalan.

"Magkaibigan sila nung high school pa," he straight up answers.

I nod my head. "What's your Mom's name?"

Agad itong sumagot. "Constancia Velasquez. Connie to everyone."

Umuwang ang bibig ko nung maalalang may kaibigan si Mama na gano'ng pangalan! 

"Connie Xavier?" I ask again. Tumango lang ito at hindi man lang nagtataka na madami akong tanong!

What a small world! 

"Ang tatay mo... anong klaseng tao siya?" 

"Bakit ka curious diyan?" maloko nitong tanong ngunit sinasagot din naman. "He's a surgeon. Very soft-spoken."

"Juan Diego, tama?" dagdag ko.

Nakita ko siyang tumatango mula sa gilid ng aking mga mata habang tumatabi na sa akin sa pag-upo. Ni hindi man lang ito nagtira ng espasyo sa gitna namin at talagang ginitgit ako. Nilagay niya ang isa niyang braso sa kinasasandalan ko bago dumekwatro at kumuyakoy.

Eleven Steps to YouМесто, где живут истории. Откройте их для себя