Chapter 31

49 4 1
                                    

Chapter 31

"Lamig!"

Pinupulupot ko ang aking braso kay Anika. Hinigit naman ako nito para yakapin na nagpagaan sa aking pakiramdam.

Naka-jacket na ako ngunit tumatagos pa rin ang lamig ng hangin.

"Warm hugs para sa malamig na December," she says as she tightens her hug. Hinigpitan ko rin tuloy ang yakap ko sa kanya.

"Parang mga baliw 'to," komento ng bagong dating na si Celene nung maabutan kami sa ganitong lagay. Inaangat nito ang pina-photocopy nyang mga papel. "Tara na!"

Magkayakap pa rin kaming naglalakad ni Anika kaya naman panay kontra itong isa. Sayang at nakauwi na si Yna para sana may tagapagtanggol kami.

Napakabilis tumakbo ng oras. Parang kahapon lang ay first day of school, at pumikit lang kami saglit, may apat na buwan na lang kaming natitira para sulitin ang panahon na magkakasama sa iisang school.

My friends are going to study in Manila for college. Hindi ko alam kung makakasunod ba ako sa kanila dahil wala pang inilalabas na confirmation ang school na pinag-exam-an ko.

I wave my hands sa papaalis nang sasakyan na sumundo sa dalawang kaibigan ko. Naiwan akong mag-isa dito sa may malapit sa karinderya kung saan ko madalas hintayin si Whatever.

Today, we're going to his house. Ang totoo niyan ay pang-ilang beses ko na itong makakabalik. 

The second time happened a month ago nung nilibot ako kaunti ni Draven sa farm nila. Sobrang laki pala talaga no'n na hindi kaya ang isang araw para libutin. It also amazed me to know a few things about their business. Namangha ako sa kung paano patakbuhin ng lola nila ang farm, lalo pa nung malaman ko na nakakarating din sa ibang lugar at bansa ang produkto nila!

"Pst!"

Nagkunwari akong walang naririnig kahit na ba dumaan na sa harap ko ang motor niya.

Ano ako? Aso? Sinisitsitan?

"Pst! Giana baby!"

Napangiwi ako dahil sa may kalakasan niyang boses. I look at his grinning face. Mabibigat ang paa kong lumalapit sa kanya.

"Baguhin mo na nga 'yang tawag mo sa akin," pagrereklamo ko habang inaabot na ang helmet ko.

Tinapik-tapik nito ang hand grip habang nakamasid sa akin. "Ano namang ipapalit ko? Honey? Sweetie? Darling?" panunuya niya.

Sumampa muna ako sa likod niya bago ko siya kinurot sa braso.

"Ganda na lang," suhestyon ko. I see him fake a gag on the side mirror. Natawa pa ito sa ginawa niya. "Kapal mo."

"Gwapo ko kamo."

Ginaya ko ang ginawa niyang pagsusuka kuno dahilan para matawa kaming parehas.

Pinulupot ko ang braso ko sa kanyang bewang at hinayaan siyang patakbuhin ang motor nang payapa. Pasimple ko siyang inaamoy. Iisa pa rin ang amoy niya katulad ng dati at ang bango no'n. Parang naging routine ko na nga ito sa tuwing aangkas ako sa kanya! Hindi siya masakit sa ilong at... basta, ang komportableng amuyin.

"Nilalamig ka ba?" tanong ni Draven habang naglalakad kami papasok sa malaki nilang gate.

Hindi ko siya pinansin at sa halip ay dumiretsyo ng lakad papunta sa malaking fountain dito sa harap ng bahay nila. Kamukha talaga nito 'yung nasa hardin mula sa mga nakaukit sa well hanggang sa rebulto sa tuktok nito.

Kumuha ako ng coin sa aking bulsa at hinagis iyon sa tubig.

"Baby... hindi nga wishing well 'yan," natatawang wika ni Draven.

Eleven Steps to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon