Chapter 27

54 4 22
                                    

Chapter 27

"Saktong-sakto lang pala ang dating ninyo at nakapagluto na ako! Take a seat! Feel at home, hija! Please clean this mess up, everyone!"

Nagkagulo ang mga naka-unipormeng babae at kaagad nilang inayos ang mga nabasag na pinggan, samantalang si Francesca Velasquez naman ay lumapit sa amin.

I look at Draven's sister first before taking a step back. She's still staring at me, but not in a rude way. Ito 'yong tipo bang hindi siya makapaniwala na andito ako, iyong para bang magkakilala kami at nagkasalubong sa daan matapos lumipas ang madaming taon.

Francesca Velasquez sweetly smiles at me. "Hindi mo naman sinabi na may dala kang bisita, Draven, apo. Sige na maupo na kayo at ipapahanda ko na ang mga pagkain," ngumiti ako pabalik sa kaniya kahit na ba nanginginig ang mga labi ko. "Pasensya na sa gulo, Giana, ha?" anito.

"Uhm, Lola! Sige na, sige na, okay lang..."

Hindi ko alam kung bakit biglang pumagitna sa amin si Draven, pero pinagpapasalamat ko na rin na sinalba niya ako dahil pakiramdam ko talaga ay bigla akong matutumba sa kaba. Bumalik ang lola nila sa kitchen na pinanggalingan nito habang minamanduhan ang mga kasambahay nila.

I can see Draven creating hand gestures and signs to his sister as he guides me towards the large dining table. Doon lang din parang natauhan ang ate nito at sa isang iglap ay nakaangat na ang sulok ng kanyang labi. She walks her way towards us. Mukha itong supermodel sa tangkad at ganda ng mukha niya, isama na rin ang elegante nitong paggalaw.

"Hi! I'm Dior! You can call me Ate, too! I'm his sister! Nice meeting you in the flesh!" she greets, parang kinakabahan din.

"Robot ka ba?" pang-aasar ni Draven sa kapatid niya.

Umangat ang paa nito para sipain si Whatever, sabay sa pag-alok niya ng kanyang palad para makipagkamay sa akin.

I shake her hand gently. "Hello po. Giana po."

Her jaw drops. Hindi niya binibitawan ang kamay ko at tuloy-tuloy lang sa pakikipagkamay. I awkwardly chuckle.

"Ate, you're scaring her," anang Draven at dahan-dahang pinaglayo ang mga kamay naming dalawa. Her sister still looks so amazed!

Draven snap his fingers in front of her face, dahilan para mahatak ito pabalik sa reyalidad.

Natatawa ito. "Sorry, sorry!" aniya nang nakatingin pa rin sa akin. "I-I just can't believe she's... that you brought your girlfriend!"

Mula sa akin ay nilipat nito ang mga mata niya kay Draven, parang may pinaparating.

"Unang girlfriend, e! And you're so pretty, na-starstruck ako!" pambobola pa nito sa akin.

Siya nga itong mukhang anghel sa kagandahan!

"Can I hug you? Welcome to the family, ha!"

Hindi pa nga ako nakakatango man lang sa permiso nito ay hinigit niya na ako para yakapin. I hug her back. She's so slim! At ang bango!

"Oh, my gosh lang! She's real!" asik nito na sinuklian ko lang ng mahinhing pagtawa.

Halata naman sa boses at pagtalon-talon niya na excited siya sa mga nangyayari. She pushes me gently so she can face me. Mas lalo tuloy naging high-definition ang kagandahan niya. She's like a Victoria's Secret angel with her figure and bouncing hair!

"Dior! Ate, stop being weird!" Pinaglayo kaming dalawa ni Draven. Hawak nito ang kapatid niya sa palapulsuhan. I smile softly at her. "Gi, upo ka muna diyan," he bids as he pulls his sister away.

"Hey, stop pulling me," anang Ate Dior kay Draven na hinahatak na siya papunta sa pinagpasukan din ng kanilang lola. Binalingan niya ako na may ngiti na naman sa labi. "Feel at home lang, Giana. We'll be back."

Eleven Steps to YouWhere stories live. Discover now