Chapter 4

104 5 0
                                    

Chapter 4

"Alis tayo bukas!"

Naisipan namin na samahan si Yna sa library ngayong araw pero itong si Celene ay wala talagang pagpipirmi sa katawan kaya nag-aaya na naman siyang umalis.

"Huwag kang maingay, nasa library tayo..."

Sabay naming sinisilip ni Anika ang babaeng librarian na busy magtatak ng mga libro.

"Weekend naman na bukas, gumala naman tayo bago mag-exam," pangungulit pa rin ni Celene.

Madalas naka-schedule ang exams tuwing second week of the month. Monthly rin kung magbayad ako ng fees para makapag-take no'n kaya kailangan ko na ulit humingi ng pera para makapagpasa na ng resibo.

Isinasarado ni Anika ang hawak niyang libro para harapin si Celene. "Wala talagang tigil 'yang paa mo sa kakalakwatsa, 'no? Dalawang araw lang ang pahinga natin tapos gusto mo pang maglayas."

"E 'di huwag kang sumama! Tse!" asik nitong isa. "Sige na! Mag-mall lang tayo!" pamimilit pa rin ni Celene pero sa amin na lang dalawa ni Yna.

"Ano'ng gagawin mo du'n? Nagsasayang ka lang ng pamasahe!" anang ni Yna habang pinupunasan ang kanyang salamin.

I agree. "Oo nga. Saka wala akong pera, 'di ba nga?" makahulugan kong pagkakasabi. Nahuhuli ko ang pag-ngisi ni Anika kaya bahagya ko siyang kinukurot. "Ano'ng gagawin ko sa loob ng mall? Magpapalamig lang?"

Kinakagat ko ang labi ko para pigilan ang ngisi. Nung nagtataas na ng kilay si Celene ay alam ko na kaagad na nakukuha nito ang pinaparating ko. Sumisinghap s'ya.

"Si Draven lang naman ang nagsabi na wala kang pera! Ewan ko sa inyo! Sige na! Hindi na naman kayo mamamasahe kasi susunduin ko ulit kayo!" anito na parang napipilitan pa.

Natatawa ako.

"Iyun lang? Lunch rin kaya?" pagpaparinig ko pa.

Mabibilis ang mga kamay nitong hinihila ang buhok ko. Hindi naman gaanong masakit pero dumadaing ako habang natatawa.

"Bruha!" she reacts.

"Ikaw naman!" I fix my hair. "Tinitignan ko lang naman kung gagana ba!" I say and chuckle.

"Anong oras ba?" Binabalik na ni Anika ang libro sa bookshelf. "Susunduin mo rin ba ako if ever? Sunduin mo 'ko!"

Halos lumabas ang pangil ni Celene habang nakahalukipkip ito. Hindi rin naman nagtagal nung nalaglag ang balikat niya tanda na nagpapatalo na siya. "Oo na! Basta sasama kayo, ha? Huy, Yna, sumama ka na! Magic word na naman?"

Galante manlibre si Celene dahil may kaya ang kanyang pamilya, ganoon din si Anika na pinaka gastadora sa aming apat — which is understandable naman dahil nag-iisa lang itong anak kaya lahat ay binibigay sa kanya, samantalang si Yna naman ang maituturing na kuripot sa amin na miski sampung piso na bilihin ay tinatawaran pa nito.

Dahil wala namang ginawa kundi magkwentuhan sina Celene at Anika ay iniwan na lang namin sila ni Yna para maghanap ng mga may kabuluhang libro. Siguradong matutuwa sa akin ang kuya kong adik sa pag-aaral kapag nag-uwi ako ng libro tungkol sa math o science. Gusto ko lang magpabida sa kanya dahil madalas nitong maliitin ang paraan ng pag-aaral ko.

"Gi, tignan mo." Kinakalabit ako ni Yna kaya binabalingan ko siya. May iminumuwestra itong makapal na libro sa akin at nung tignan ko ang front page ay napagtantong lumang romance novel ito. "Naliligaw sa mga algebra."

Nakangiti ko iyong kinukuha mula sa kanya. Mahilig akong magbasa ng pocketbooks lalo na kapag umiikot ang storya sa pag-ibig pero hindi ko pa nasusubukan na magbasa ng classics. Binabalik ko ang tingin kay Yna na tumitingkayad pa para abutin ang libro na gusto niyang kuhanin. Inuunat ko ang aking braso para matulungan siya.

Eleven Steps to YouWhere stories live. Discover now