Chapter 13

78 4 2
                                    

Chapter 13

"Patingin naman ng card mo!"

Tinititigan ko nang mabuti ang sariling recitation card, umaasang magkaroon ng himala at mabago ang aking nakuha.

"Congratulations, Celene! Mukhang top two ka pa rin overall."

Nilingon ko ang mga kaibigan at naabutan si Yna na tinuturo si Celene na hindi malaman kung nakangiti o nakasimangot sa sariling card niya.

"Congratulations din kay Luigi at matatalo ka pa rin niya!"

Sinalubong ko ang itinataas na palad ni Anika at sabay kaming nagtawanan.

"Mga bwiset! Kaibigan ko ba talaga kayo?" Humahalukipkip ito habang pinagmamasdan kami nang masama. "Manalig lang kayo sa akin, baka nga bagsak na 'yon, e."

Wala ang teacher namin sa first subject kaya nagawang tumakas ni Anika sa classroom nila at dito sa amin tumambay. Madalas niya itong gawin kahit noon pa man at madalas na rin siyang napapagalitan kapag nahuhuli.

"Akala ko ba ginalingan mo? Kakasabi lang ni Ma'am na nasa Crimson ang highest sa recitation niya."

Muli kaming nagtawanan ni Anika dahil sa pinapakitang reaksyon ni Celene.

Pinipigilan lang nitong magalit dahil nasa loob siya ng aming classroom pero siguradong kaunti na lang at sasabog na 'yan lalo pa't nababanggit ang mortal enemy niya.

"Manahimik ka nga, kulot. Sasabunutan kita diyan," anas ni Celene. Bulong lang 'yon pero may diin. 

Nag-make face naman si Anika at nakipaghamunan pa kay Celene. Agad na akong umatras bago pa ako madamay sa away nila.

"Ikaw, Yna? May reklamo ka ba?"

Lumipat ako ng upuan kasi napapagitnaan ako ng dalawang impaktang nagbubungangaan.

Umiiling siya sabay ayos ng salamin. "Ayos na 'to sa akin. Ikaw ba? Ang taas mo pa rin naman," she says.

Ngumiti ako at tumango. "Okay na 'to. 'Yan naman kasi talaga ang naging performace ko sa subject ni Ma'am. May isa pa namang recitation bago mag-periodical."

Aaminin ko naman na hindi ako gaanong katalinuhan, masipag lang talagang mag-aral. Kaya kapag sobrang sipag ko, may reward ako. Pero kapag hindi ako nagsipag at nag-prente lang, binabawi lahat ng biyaya sa akin.

Sabay kaming napatingin kay Anika na biglang tumayo at pumamewang sa harap ni Celene na sapo ang ulo.

"Ah, talaga! Wala naman 'yang grades-grades na 'yan! Madadala ba natin 'yan sa pagtanda?"

Inilalagay ni Anika ang isang kamay sa kaniyang dibdib habang nagmo-monologue. Napaayos ako bigla ng upo.

"Ang sabi ng Daddy ko, hindi kailangang mataas ang grades mo sa school. Ang mahalaga, wise ka sa buhay! Kasi hindi pa naman ito ang real world! We'd get to face it after graduation! Oh, 'kala mo, ha?"

Celene laughs mockingly. "E, pa'no 'yan? Hindi ka na marunong academically, hindi ka pa wise pagdating sa reality. Ganda lang?"

Pinaniningkitan siya ng mata ni Anika sabay bumulong.

"Ang kapal ng mukha mo," anito at nag-flash ng facial expression na animo'y nasasaktan siya. "As long as maganda ako, magkakaroon ako ng matinong trabaho!" 

Hindi pa sila totally nag-aaway sa lagay na 'yan. Tignan natin at maya-maya lang ay pinagkukwentuhan na nila ang buhay ng iba't ibang tao. Mga five minutes pa siguro.

Speaking of trabaho, kung kahapon ay may kaunti pang natitirang pag-asa sa akin na may isang mangangailangan ng empleyado sa Maravilloso, ngayon ay alam ko nang wala na talagang patutunguhan ang paghahanap ko. 

Eleven Steps to YouWhere stories live. Discover now