Chapter 17

75 4 9
                                    

Chapter 17

"Ba't ka ba nagmamadali? Linggo ngayon!" singhal ng kapatid ko pagkalabas ko ng banyo. Hindi ko na lang siya pinansin dahil kumakaripas na ako ng takbo pabalik ng kwarto ko para makapagbihis na.

I know it's Sunday! Kaya nga ako nagmamadali dahil male-late na ako sa trabaho, pero hindi ko lang pwedeng ipamukha sa kapatid ko na baka masisante ako kung patuloy niya akong aawayin dahil naunahan ko siyang maligo!

"Kanina pa kita tinatawagan," salubong ni Draven na nakaporma ng maong at polo.

Habang papalapit ako sa kanya ay nagsusuklay din ako at nag-aayos ng mukha.

"Sorry, napasarap ang tulog ko. Bilisan mo na at baka lumabas na rin si Kuya ng bahay," pagmamadali ko rito.

Ako na mismo ang kumuha ng helmet at nagsuot sa ulo ko no'n.

Ganito rin kami kahapon dahil iyon ang bilin niya bago kami maghiwalay sa may karinderya nung Biyernes. Hinatid niya ako papunta sa restaurant at hindi inaasahang sinundo rin kinagabihan. Akala ko ihahatid niya lang ako kahapon dahil first day ko, biruin ko nga bang pati ngayong araw ay siya ang service ko. Ito pa nga ang gumising sa akin kakatawag at late na raw ako.

"Good morning po!"

Lahat ng makakasalubong sa loob ng resto ay binabati ko at nginingitian kahit hindi pa naman sila gaanong pamilyar sa 'kin. Nasanay na ako na bumabati sa mga teacher kaya hindi ko mapigilan.

"Ang aga mo, sis!"

Binati ko si Ate Karylle na kasama ko ngayong nagbababa ng gamit sa quarters. May kanya-kanya kaming locker kaya naman panatag ako na walang mawawala sa mga gamit ko.

Nginingisian ko siya. "Saan po tayo magsisimula?"

Siya rin ang nag-assist sa akin kahapon dahil wala pa naman akong kaalam-alam sa mga pasikot-sikot at patakaran nila rito kaya naman boluntaryo niyang ipinaliwanag sa akin lahat. Magkasama kami sa paghuhugas at sanitization, samantalang 'yung dalawa pa naming kasamahan ay sa mga stocks.

"Basta sundan mo na lang ang mga ginagawa ko."

Alas diyes ang pasok ko kaya bago pa kami dagsain pagsapit ng lunch time ay may panahon pa para makapaghanda kami. Buti na lang at maintindihin si Ate Karylle kaya inaalalayan niya ako sa trabaho namin. Hindi rin naman ako nahirapan makipagsalamuha kahapon dahil mabilis ko silang nakapalagayan ng loob.

"Bakit ba kasi naisipan mong pumasok dito? Estudyante ka pa lang, hindi ba? College? Ayang si Kyla working student din 'yan, nga lang araw-araw ang pasok dito."

Habang nagsasabon ako ay siya naman ang nagbabanlaw. Mahirap at nakakangalay lalo na sa paa, kaya rin siguro napasarap ang tulog ko kanina dahil napagod nga talaga ako kahapon. 

"Graduating pa lang po ako ng high school. Kailangan din po kasi, para sa pera."

Tumango-tango siya. "Kaso baka mahirapan kang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho, sis? Buti na lang dalawang araw ka lang nandito. Part-time lang."

Madaldal at palangiti si Ate Karylle kaya mabilisan ko siyang naka-close. Palabiro rin at mukhang palaban. Payat siya at matangkad, morena at kulot na kulot ang buhok na itinatali niya sa ponytail. Sa tantsa ko ay mga nasa thirties na siya.

Hindi na rin namin namalayan pa ang oras dahil sa pagka-busy. Kapag pinaparami namin ang hugasin ay tumutulong kami sa kitchen at pagbibigay ng mga pangangailangan ng mga chef. Sa sobrang daming ginagawa ay parang hangin lamang ang paglipas ng oras. Ilang beses pa akong napapainat dahil sa nangangalay kong braso, pero kung tutuusin, mas gamay ko na ngayon ang gawain kumpara kahapon. 

Eleven Steps to YouWhere stories live. Discover now