Chapter 35

53 4 9
                                    

Chapter 35

We didn't talk about it. Parang walang nangyari nung tawagin na kami ng Lola France niya at nang ihatid niya ako pauwi sa bahay.

No, actually, ako ang may ayaw pag-usapan ang nangyari kahit mangilang beses niyang sinubukan. I keep on changing the topic. Sadyang ayaw ko.

Alam kong dine-deny ko lang din sa sarili ko dahil ayaw kong lalo pang lumalim ang nararamdaman ko sa kanya, but deep inside me, I know that we both feel the same way. Plus, I did not want to look assuming, too!

Why else would he hold my hand, touch me, plant kisses, and say the sweetest things if he doesn't like me?!

Alam ko naman pero gusto kong magbulag-bulagan. Ayokong magkaroon ng kompirmasyon dahil bibigay ako at sasama sa kanya. That's how intense my feelings are for him.

Kaya ngayong kinumpirma niya, kailangan kong pigilan. Mali kung ano mang nangyari kanina. I'm going to pretend that it didn't happen!

Mali dahil hindi ito ang plano namin. Wala sa plano na magkagustuhan kami! Itong relasyon namin ay para lang makahanap ako ng trabaho! I have responsibilities that I need to focus on! Nandito ako sa sitwasyon na ito dahil gusto kong tulungan ang mga magulang ko, para hindi ako masyadong dumepende sa kanila ngayong nahihirapan sila.

Siya rin! He has his own plans! He... he plans on finding the right girl. Iyong totoong ipapakilala niya sa pamilya niya.

And to top it all, ano na lang ang sasabihin ng mga magulang namin kapag nalaman nila? What would his father think? Would my mama agree of this?

Ayoko nang pagproblemahin pa sila.

Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng mainit na luha sa aking mukha habang nakaupo ako sa gilid ng aking kama. I dip my face in my hands as I cry what I feel.

Gustong-gusto ko rin siya.

From: Whatever

Giana baby can I call?

Gusto kitang marinig

Stomo kantahan ulit kita haha nagustuhan mo diba?

Hi crush sagot ka naman ಠ‿↼

Nakokonsensya ako na kahit isang salita ay hindi ko siya ma-reply-an. Kakausapin ko naman siya tungkol dito pero wala pa akong lakas ngayon. Gusto kong bumalik kami sa dati, iyong magkaibigan lang, ngunit iniisip ko pa sa ngayon kung ano'ng gagawin ko para maibalik 'yon.

Kinabukasan dahil may pasok ako sa resto ay maaga akong kumilos. Alas diyes pa lang ng umaga ay nakalabas na ako ng bahay at pasakay na ng jeep. Naglalakad na ako palabas ng street namin nung maalala ko na baka sunduin ako ni Draven!

From: Whatever

I bet you're already asleep. See u tmrw, baby :)))

I read his last chat na hindi ko binasa kagabi. Bumunot muna ako ng malalim na paghinga bago ako nagtipa ng bagong mensahe ngunit binura ko rin dahil kailangan ko pa palang mag-isip ng tamang palusot.

To: Whatever

GM. Huwag mo na ako sunduin at hatid kasi di ako papasok sa resto this weekend.

Pikit mata ko iyong pinindot para maipadala sa kanya. I also plan on taking weekday shifts this week sa resto dahil wala akong pasok sa school. Okay na rin na mabaling ang atensyon ko sa ibang bagay para hindi ko na siya iniisip.

I immediately receive a reply from him. Nagtatanong siya kung ano'ng meron at kung may sakit daw ba ako. I lie and say that my family's going on a trip this week. For sure, hindi naman siya pupunta rito para kumpirmahin.

Eleven Steps to YouWhere stories live. Discover now