Chapter 36

47 2 1
                                    

Chapter 36

Para akong nakalutang sa ere nung mga sumunod na araw. Sa sobrang saya ko, parang ayaw ko nang magpaalam sa kanya kahapon saka nung isang araw nung ihatid at sunduin niya ako sa bahay at trabaho. Gusto ko lang siyang kasama at kausap palagi.

So, imagine my melancholy when I realized that I'm not going to see him today. I'm taking a day off today and this weekend from the resto para makapaghanda sa darating na holiday. Yakap ko pa rin ang unan ko at hawak ang cellphone na kung saan kausap ko si Draven kanina. Kabababa lang ng linya pero nami-miss ko na siya kaagad. 

"Hoy, Giana! Gising!" Napatayo lang ako sa kama ko nung kalampagin ni Kuya ang pinto ng kwarto ko. 

Masama na agad ang tingin ko bago ko pa buksan ang pinto. Kakatok pa nga sana ang loko-loko kaso nakauwang na iyon kaya muntik na siyang mawalan ng balanse. Napapunas na lang siya ng tuwalya sa mukha niya.

"Sumama ka raw sa palengke sabi ni Mama," anito. I frown at him bago lumabas. Nakahubad pa siya ng pantaas at walang kahiya-hiyang binabandera ang katawan nito. "Mainit ba? Bakit mamula-mula ka?"

"Wala kang pake."

Mahina niya akong hinampas ng tuwalya niyang madumi! "Kausap mo syota mo 'no?! Mama! Si Giana, oh! May boypren! Kinikilig-kilig!"

Sinipa ko muna sya sa may pang-upo bago nagtatatakbo pababa. Hindi nga lang ako nito tinantanan kahit tumatakas na ako.

"Pababantayan talaga kita sa mga kakilala ko sa Aldeana, Giana. Umayos ka," biglang banta ng kuya kong impakto habang nag-aasaran kami. Namutla ako dahil doon pero ayaw kong ipahalata na affected ako!

"Sino namang gugustuhin ko roon? Ang papanget kaya no'n mga kaklase ko!" bawi ko habang nagsasandok ng kanin sa aking pinggan. 

He scowls. "Maraming may itsura doon. Marami ring mayaman. Hindi ba't doon nag-aaral iyong anak ng Mayor?"

I wince when I realize who's he referring to. "Hindi ko type."

"E, 'yung crush mo pala na anak ng artista? Gwapo 'yon."

Matagal bago ako nakasagot pero umiling din naman ako. Hindi ko na crush! Naka-move on na!

"Wow, ah? Ikaw pa tumatanggi e sila nga lugi sa 'yo." I grit my teeth when I look at him. Pinaghihila ko ang sarili ko ng upuan sa harap ng lamesa. Humalakhak naman ang loko-loko. "Huwag kang papauto sa lalaki, ah? Kapag may nanligaw sa 'yo, sumbong mo agad sa akin."

"Tatakutin mo?" 

"Hindi, tange, babalaan ko lang tungkol sa totoong ugali mo," tarantado nitong anang kaya muntik ko na siyang mabato ng tinidor. Umiilag naman siya kahit walang lumilipad sa ere habang patawa-tawa.

Mama chuckles too from our conversation. Kabababa lang nito ng baso mula sa pag-inom nya ng kanyang tsaa.

"Ganyan lang ang kuya mo pero natatakot lang talaga 'yan na may pumalit na sa trono niya bilang one and only binata sa buhay mo," Mama says. "As long as you two know your priorities, walang masamang umibig. Pero, suggestion lang ito ni Mama," my mother trails off. "Pumasok kayo sa relasyon kapag nasa tamang edad na. Love is sweet and dreamy, but it is also a commitment. Mahirap magmahal, mga anak, okay? You have to be prepared." 

I nod my head in agreement. Technically, hindi ko pa naman boyfriend si Draven kaya wala pa ako sa isang relasyon. We're in a stage called... well, he asked me last time kung pwede ba siyang manligaw na sinang-ayunan ko! So, yes, we're not yet together!

Sakay na ako ng owner jeep namin nung maramdaman kong tumunog ang cellphone ko mula sa bulsa. Kuya is the designated driver while Mama sits in the passenger seat. Ako itong nasa likod kaya hindi ako kinakabahan na baka silipin nila ang kung anumang text na natanggap ko.

Eleven Steps to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon