Chapter 34

50 4 0
                                    

Chapter 34

"Pakibaba na lang doon ang exchange gift."

Tumango ako sa nadaanan naming officer habang panay hatak pababa sa suot ko na maong skirt. Pakiramdam ko kasi nakahubad ako kahit nakaitim namang stockings!

Binabati ko tuloy si Yna nang nakangiwi.

"Angas ng suot mo, Gi. Emo outfit?" ani 'to habang nakangisi at kinakalikot ang suot ko ring scarf.

Inaabot ko sa kaniya ang hinanda kong regalo mula sa loob ng paper bag. Nagpasalamat ito at binigay na rin sa akin ang isang nakabalot na box.

"Wala pa si Celene?" tanong ko nang mapansing wala ang maingay na kaibigan.

May nginuso ito sa 'king likod kaya naman bumaling ako roon. Bigla na lamang ako napahalakhak nang makita si Celene sa hindi kaaya-ayang hairstyle. Mukha siyang tinalian na poodle! Ang daming abubot sa ulo at pati ang bangs niya ay mukhang kaka-trim lamang!

Nangunot ang noo nito sa akin. "Nakaka-conscious ang tawa mo, girl! Ang ganda ko kaya!" aniya habang rumarampa papalapit.

Nililingon ko ulit si Yna habang tumatawa pa rin at nagkikibit-balikat lamang ito.

"Kamukha mo na 'yung alaga niyong aso!" pang-aasar ko pa habang tinatapik-tapik ang kaniyang buhok na magulo sa likod at mukhang sabog sa harap.

Ngumuso ito at bahagya akong itinutulak.

"Lizzie McGuire hairstyle ito. Palibhasa kasi wala kang alam!" asik ni Celene. Mas lalo akong natawa dahil sa reaksyon nito. "Tse!"

Umiirap ito at sinipat ako mula ulo hanggang paa. Pinuri niya ang suot kong damit ngunit hindi ko magawang ibalik ang pabor sa kaniya.

"Oh, sige, girl. Sino ang stylist mo?"

"Si Mommy!" she proudly answers. Pinagtatawanan ko siya hanggang sa magsawa ako.

Panay baba pa rin talaga ako sa suot ko na palda habang nag-iikot sa aming classroom upang tulungan ang kapwa kong classroom officers para ayusin ang mga kulang pang Christmas decor na hindi namin naidikit kahapon.

Naaaliw akong tignan ang makukulay na garland na nakapalibot sa aming whiteboard at ang mga parol na nakasabit mula sa aming dingding. Sa lahat ng ganap sa school, ang Christmas party ang pinaka paborito ko. I like participating sa games ad receiving gifts!

Niyayaya ko sina Yna at Celene na lumabas habang hindi pa nagsisimula ang program sa loob ng classroom. I text Anika na salubungin kami sa hallway so we can take pictures, sagot naman nito ay kararating pa lang niya at kakasakay pa lamang ng elevator. Ilang segundo lang din ay nakita ko na ang pigura nito na muling nagpatawa sa akin.

Parehas sila ng buhok ni Celene!

"Wagas ang tawa mo, girl! Malayo pa lang ako kita na ngala-ngala mo!" puna nito habang nakanguso.

"Sama ng ugali," komento ni Celene. Nang mahimasmasan na ako ay saka lang ako bumeso kay Anika at ibinigay na ang hinanda kong regalo.

"Uy, marami kaming handang pagkain mamaya, welcome kayo!" Anika invites.

I wipe my happy tears away from my face. Ang alam ko'y naka-buffet sila dahil sponsored iyon ni Mayor, iyong tatay ni Luigi. Parang may feeding program tuloy mamaya sa section nila.

Hindi naman ako nagrereklamo sa kakainin namin mamayang spaghetti with chicken at isang tetra pack ng flavored juice, pero ayaw ko rin namang maging ipokrita at sabihing hindi ako naiinggit!

Bahagya akong sumisilip sa nakabukas na pintuan na papasukan ni Anika upang makiusyoso at pasimple na ring hanapin si Draven na hindi nagre-reply sa text ko. Wala pa siya roon.

Eleven Steps to YouDär berättelser lever. Upptäck nu