Chapter 29

54 4 0
                                    

Chapter 29

"Morning, girl," bati ko kay Yna pagkakita ko sa kaniya.

Tinangala ako nito at nginitian bago nakipagbeso. "Aga natin ngayon, ah?"

Ngayon ang unang araw ng pagpasok namin magmula nung nag-sem break.

Bumaling ako sa pwesto namin ni Celene. Wala pa siya.

I wrinkle my nose and give Yna a weak smile.

Iba't ibang pwesto ang mga nagawa ko sa loob ng dalawampung minuto dulot ng kaba. Sigurado kasing nagtatampo pa rin sa akin si Celene hanggang ngayon. She doesn't respond to my messages!

Kabado kong tinatapik ang aking mga daliri sa desk ni Celene hanggang sa dumating na nga ito. I sit straight. Una kong napuna ang madalas na naka-ponytail niya na buhok ay nakabagsak ngayon at mukhang basa pa.

I act like I didn't see her at umayos na lang ng pagkakaupo.

"Hi, girl! Missed you!"

Bineso niya si Yna at nakipag-ngitian pa. Para siyang in good mood pero alam ko namang sa likod ng mukha niyang 'yan ay ang tinatago na ka-impaktahan!

Pinagpapawisan na ako nang matindi nung dumire-diretsyo siya papalapit sa akin. Binalibag nito ang bag sa kaniyang lamesa na siyang ikinagulat ko. Hindi nga lang ako nagpatinag at hindi pinahalatang nagulantang niya.

Pinapanood ko ang mga galaw niya sa gilid ng aking mga mata. Maarte itong nauupo sa kaniyang upuan sabay nilabas ang cellphone at nagpipipindot. Nilayo ko pa ang aking braso para hindi kami magkatamaan. Pakiramdam ko kasi mapapaso ako sa balat niya.

Inalala ko nang mabuti ang mga sinabi ni Draven. Even him knows that Celene won't be able to resist me for a long time.

Inabot ng ilang minuto ang pagbwelo ko para makausap ang kaibigan.

Paano kung hindi niya ako kausapin at tratuhin na parang hangin?

Nagbilang ako hanggang sampu para magsalita... nasa seven pa lang ako nung pumasok naman ang isang officer sa room namin.

Kagat-kagat ko ang labi habang papalapit kay Yna. That's a fail. Kakausapin ko na sana kaso biglang nagpatayo ang mga officer para sa flag ceremony kaya na-postpone.

Mahina akong sinisiko ni Yna. "Ano? Ba't 'di mo kausapin?" pagbulong nito.

"Tsumetsempo lang, girl. Katakot, eh." Mahina itong natawa sa sinabi ko.

I'm not really scared of Celene, pero dahil alam kong may kasalanan ako ngayon kaya guilty ako.

From: Whatever

Oy, nakausap mo na?

Ususero talaga 'to!

I look at Celene na tinalikuran ako at piniling makipag-daldalan doon sa isa naming ka-row. Ganiyan na siya magmula nung natapos ang flag ceremony namin. Halatang ayaw talaga akong pansinin.

"Giana," tawag sa akin ng isang lalaking kaklase. Tiningala ko ito mula sa pagkakatingin sa aking notebook. "Pupunta ka ng practice mamaya?"

"Syempre naman. Malapit na 'yung competition," sagot ko.

Bukas na ang general rehearsals kaya dapat malinis ko na 'yon ngayon. Tumango itong kausap ko ngunit hindi pa rin umaalis sa harapan ko, parang may gusto pang sabihin ngunit 'di lang mailabas.

"May kailangan ka pa, CJ?" I ask.

"A-Ano kasi," mautal-utal nitong sinasabi. Nalulukot ang aking noo nung umiiwas siya ng tingin sabay hinihilot ang kaniyang batok.

Eleven Steps to YouWhere stories live. Discover now