Chapter 40

37 2 0
                                    

Chapter 40

Hindi ko mapigilang hindi maluha habang sakay ako ng tricycle pauwi. Parang nawalan na ng kahihiyan ang katawan ko kaya nagagawa kong lumuha at ilabas ang nararamdaman na sakit. Alam kong nawe-weird-uhan sa aking ang driver at gusto ako aluin pero wala na akong pakialam sa paligid. I just want to go home.

Sinubukan kong ipakita na ayos lang ako at parang walang nangyari nung humakbang ako papasok sa 'ming bahay, ngunit nung makita ko si Archie na naglalambing sa akin ay parang dinudurog na naman ang puso ko. 

"Ate?" 

Hindi ko na namalayan na nakayakap ako sa alaga ko at umiiyak sa harap niya. Nasa bungad pa lang kami ng gate. I hear Mama calling me but the pain is too strong. 

Naramdaman ko na lang din ang yakap ni Mama pero kahit anong higpit no'n, tila hindi mapapawi ang aking nararamdaman. Nilipat ko ang yakap ko sa kanya at binuhos ang sakit sa puso ko.

"Mama, it hurts..." I utter.

Hindi ako pumasok sa school kinabukasan. Masyado akong napagod sa kakaiyak na wala na talagang enerhiyang natira pa sa akin. 

Umiiyak ako kagabi hanggang sa makatulugan na kaya paggising ko tuloy ay mugtong-mugto at parang puputok ang aking mga mata. Hindi pa tuloy ako makamulat nang maayos.

Ang totoo niyan, ngayong umaga ay bigla akong napaisip sa kung ano ba talaga ang iniiyakan ko. Was it my pride? Dahil sa pag-aakala na walang nakakaalam sa deal namin ni Draven at makakaligtas ako sa kung ano mang judgement na ibabato ng ibang tao? O dahil sa kanya? Because I didn't expect that he will turn his back against our deal? That he's a kind of guy to break a promise?

Ayaw na ayaw kong may makaalam sa kasunduan namin dahil natatakot ako sa sasabihin nila... that I had to use someone for my own gain... even if it's for a good cause, hindi naman lahat ng tao ay maiintindihan ang sitwasyon ko.

This is why I'm so mad at him. Ang sabi niya, walang makakaalam... pero alam naman pala ng mga kaibigan niya! And the fact na hinaharap ko sila bilang girlfriend niya when they already know the truth speaks of their true character!

Nakakainis na pinagmukha akong tanga ni Draven. Nakakainis na nagtiwala talaga ako sa kanya. Nakakainis na puro siya pagtatago sa akin! 

"Giana, 'nak, kain na..." 

Agad akong nagtalukbong nung marinig ang boses ni Mama na pumapasok sa kwarto ko. I don't want her to see my puffy face. Nahihiya rin ako dahil sa mga iniyak ko sa kanya kahapon.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" 

Nararamdaman ko ang paghaplos niya sa aking braso habang pinagbubutihan kong magpanggap na natutulog. I can hear and feel my own breathing under this blanket.

"Kain na ang ate namin. Mangangayayat ka niyan, sige..." she says before pulling the blanket covering my body. Nilamig ako dahil sa tama ng hangin kaya diniin ko na lang ang mukha ko sa aking unan.

Inulit-ulit pa ni Mama ang aya niya sa akin pero dahil matigas ako ay umiiling lang ako. Wala akong gana.

"Giana, you need to eat. Mula kagabi wala kang kain. Kahit ilang subo lang, Ate, so you gain your energy again. Kaldereta ito, oh..." aniya. She knows it's my favorite pero sadyang wala talaga akong paglalagyan ng pagkain sa tiyan ko. 

Ilang minuto ring nagkaroon ng katahimikan sa kwarto ko kaya pakiramdam ko ay iniwan na ako ni Mama kahit nararamdaman ko pa naman ang presensya niya. Unti-unti ay sumilip ako sa kwarto ko para tignan kung andito pa ba siya. Halos malaglag ang puso ko nung matanaw ito na nakaupo sa aking study table.

She smiles at me. "I got your phone here, Giana," wika niya sabay labas ng cellphone ko mula sa bulsa ng kaniyang blouse. Ibinababa niya ito sa lamesa ko.

Eleven Steps to YouWhere stories live. Discover now